Toni Gonzaga confirms breakup of John Prats and Rachelle Ann Go

IMAGE 0


Despite the denial of John Prats that he and singer Rachelle Ann go have broken up, The Buzz co-host Toni Gonzaga has confirmed that the two are already split. "Ito ang pagkakaalam ko po—hiwalay na po talaga for the longest time sina Rachelle Ann Go at John Prats," said Toni.


Sa kabila ng pagdedenay ni John Prats na break na sila ni Rachelle Ann Go, kinumpirma ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, June 12, na break na ang actor-TV host at ang singer.

"Kumapit kayo! Kumapit kayo! Eto na talaga ang nangyari.

"I-clear lang natin. Bianca is not the third party and not the reason kung bakit alam kong naghiwalay na.

"Ito ang pagkakaalam ko po—hiwalay na po talaga for the longest time sina Rachelle Ann Go at John Prats."

Ito ang naging pahayag ni Toni sa showbiz talk show ng ABS-CBN nang matalakay ang usap-usapang break na diumano sina John at Rachelle.

Magkasama sa noontime show na Happy Yipee Yehey! sina John at Toni.

Nilinaw naman ni Toni ang balitang pagkakamabutihan diumano ni John at ng isa pa nilang kasama sa programa na si Bianca Manalo.

"Hindi po mag-on sina John Prats at Bianca Manalo.

"Yes, they are going out as a group with the Happy Yipee Yehey! co-hosts," sabi niya.

"Kasama ka?" tanong naman ni KC Concepcion kay Toni.

"Ay, busy ako!" ang natatawang sagot ni Toni.

Tinanong naman ni Boy Abunda kay Toni kung nanliligaw ba si John kay Bianca.

"I have a feeling," sagot ni Toni.

"Yun lang ang feeling ko.

"Kasi, hindi naman nila kinu-confirm sa akin, kasi alam nilang palaka ako.

"So, baka ma-feed ko yun dito sa The Buzz.

"Pero nararamdaman ko, feel ni Prats si Bianca. Feel niya talaga.

"Kasi, madalas siya sa dressing room namin."

Sino ba ang type ni John?

"Si Bianca!" natatawang sagot ni Toni.

Diin niya, "Pero hindi pa sila. Hindi pa sila.

"Iki-clear lang natin 'yan at saka hindi po third party si Bianca."

Matatandaang sa huling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John noong June 8 ay direkta nitong itinanggi ang balitang break na sila ni Rachelle. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi talaga totoo. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling 'yong mga gano'n," sabi ni John.

Pero sa naturang panayam ay inamin niya na tulad ng ibang relasyon, minsan ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Rachelle.

"Dumating din kami sa stage na talagang nagkakalabuan. Siyempre, lahat naman dumadaan sa gano'n. Hopefully, sana naman malampasan namin ang stage na 'yon," sabi ng actor-TV host.

Samantala, nang tanungin naman ng The Buzz si Bianca tungkol sa balitang break na sina John at Rachelle, ito ang naging tugon niya:

"Bakit naman ako? Wala naman akong kinalaman do'n.

"Magkaibigan lang naman po kami. Ganyan kami rito [sa Happy Yipee Yehey!] bilang magkakasama kami sa show at nirerespeto ko talaga silang dalawa.

"Kung totoo po ba na nagkakalabuan, sa kanilang dalawa na po yun, wala po akong karapatang magsalita."

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP ay inamin ni Bianca na crush niya si John. (CLICK HERE to read related story.)

"E, guwapo naman si John Prats, magaling sumayaw, talented, magaling na komedyante, magaling na host. Humahanga ako," sabi niya.

Pero nang tanungin kung may pag-asa si John kung sakaling ligawan siya nito, sinabi ng dating beauty queen, "Tingnan natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN