Toni Gonzaga answers critics: "Yung opinion ko, napapanood sa telebisyon. Yun nga lang, yung sa inyo, sa computer lang."

IMAGE 0


Toni Gonzaga got involved in the John Prats-Rachelle Ann Go breakup when she confirmed the issue on The Buzz two weeks ago.


Sa live guesting ni Bianca Manalo sa The Buzz noong Linggo, June 19, muling ipinagtanggol ni Toni Gonzaga ang co-host niya sa Happy Yipee Yehey! na hindi ito ang cause ng breakup o third party sa relasyong John Prats at Rachelle Ann Go.

Sa huling segment ng programa, hindi lang si Bianca ang nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ng kanyang side kung hindi maging si Toni.

Tinanong ni Boy Abunda si Toni kung ano ang masasabi niya sa mga taong tila nagalit sa kanya dahil sa pagsasabi niya ng kanyang opinion tungkol sa breakup nina John at Rachelle two Sundays ago. (CLICK HERE to read rlated story.)

Nagkaroon kasi ito ng negative impression sa ilan dahil bakit daw ito ang nagsasalita about the breakup ng ibang relasyon.

Ayon naman kay Toni, "Alam n'yo ho, nirerespeto ko ang opinion n'yo dahil kanya-kanya naman tayo ng opinion.

"May opinion kayo, meron din naman akong opinion.

"Ang kaibahan lang ho sa opinion nating dalawa... Yung opinion ko, napapanood sa telebisyon.

"Yun nga lang, yung sa inyo, sa computer lang. Kaya yun po."

Dugtong pa niya, "Mag-o-opinion talaga ako. May opinion ako.

"So, kanya-kanya tayo ng opinion."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN