Christian Bautista learns to keep his lovelife private after relationship with Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"This is what I learned from the past relationship, nung kami ni Rachelle... Ang hirap, personally ha, maging public with your relationship. Because we are both public, we are expected to be public, we're expected to tell it. Pero ako ang hirap sa akin," says Christian Bautista.


Halos apat na taon na rin ang lumipas nang huling magkaroon ng relasyon ang romantic balladeer na si Christian Bautista.

Matatandaang noong November 2007 ay inamin ni Christian na break na sila ng kanyang girlfriend noon na si Rachelle Ann Go. (CLICK HERE to read related article.)

Pero giit ni Christian, hindi niya naiisip ang pagkakaroon ng lovelife sa ngayon, lalo pa't abala siya sa paghahanda para sa first ever Pan-Asian musical series na Kitchen Musical. (CLICK HERE to read related story.)

"Yun nga iniisip ko. Paano ka magkaka-lovelife, e, aalis ako?

"Parang unfair naman to anyone na ide-date ko," sabi ni Christian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Wala man siyang kasintahan, inamin ng singer-actor na paminsan-minsan ay nakikipag-date siya.

Pero bakit nga ba wala pa siyang girlfriend matapos ang relasyon niya kay Rachelle?

"Mapili lang talaga ako, e, seryoso lang talaga ako.

"Tsaka honestly, hindi ko masyado binu-broadcast na if ever na I'm dating," sagot niya.

Pag-amin ni Christian, madami siyang natutunan sa nagdaang relasyon na tumagal din ng dalawang taon.

"This is what I learned from the past relationship, nung kami ni Rachelle...

"Ang hirap, personally ha, maging public with your relationship.

"Because we are both public, we are expected to be public, we're expected to tell it.

"Pero ako ang hirap sa akin," sabi niya.

Ibig sabihin ba nito ay itatago na niya sa publiko ang sususnod niyang relasyon?

"Parang ganun, I'm sorry. Kasi kawawa din naman [siya], di ba?

"Siguro pag dumating na, maririnig n'yo ako, meron. Sino? Hindi ko sasabihin."

Matapos daw ang mga pinagdaanan niya pagdating sa pag-ibig at pagkakaroon ng relasyon, ito ang pinakamahalagang bagay na nalaman ni Christian:

"Na-realize ko, pag mas marami kang ginagawa sa buhay, sa career, mas konti time mo sa love.

"Hindi puwedeng pareho 'yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag finocus mo love mo, definitely yung career mo bababa, ganun talaga.

"Hindi pwedeng lahat, ganun lang 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN