Tanya Garcia takes another crack at showbiz, signs up with Viva

IMAGE 0


"Before, nagiging mommy na rin ako. Mommy roles na rin yung natatanggap ko. At saka I'm turning 30, so siguro naman, di ba? Okey lang yun sa akin, kung mag-iinarte pa ako, ewan ko na lang... Kahit lola puwede, e!" says Tanya Garcia about accepting mother roles.


Nagbabalik sa sirkulasyon ang aktres na si Tanya Garcia.

Pumirma siya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) last week.

"Sayang, e. Sa apat na taon na semi-retired, ang daming inquiries kung puwede ba ako sa ganito o puwede sa ganyan.

"For four years, talagang nag-no ako.

"Sa first [baby ko], gusto ko talaga 100 percent na atensiyon ko nasa baby ko. 24/7 talaga.

"Isang taon talaga nasa kamay ko bago siya nahawakan ng yaya niya.

"Pero yung pangalawa, medyo relaxed na ako.

"Mas alam ko na kung paano siya alagaan, at puwede ko nang iwanan sa mom ko na wala naming masamang mangyayari, sa mga yaya.

"Kaya sabi ko, 'Sige!'

"Kasi before, paranoid ako, parang may mangyayari sa baby ko pag wala ako sa tabi niya, yung ganoong feeling.

"Pero ngayon, puwede na talaga," saad ni Tanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing nila ni Cogie Domingo sa Viva last week.

TWO-YEAR CONTRACT. Two years ang kontratang pinirmahan ni Tanya sa Viva Artist Agency.

Ano ang unang project na gagawin niya?

"Malamang TV. Babalik muna sa TV," sagot niya.

"Sabi po ni Ate VR [Veronique del Rosario], marami silang movies na ipo-produce.

"Wala pa specific na project na napag-usapan kasi last month lang kami nag-usap."

Ang huling serye na ginawa ni Tanya ay ang Super Twins ng GMA 7. Nabuntis siya that time kaya pinili niya munang magpahinga sa showbiz.

"Lumalabas man ako sa mga talk show, pero mga tapings.

"I tried after na mag-two years yung eldest ko, yung Utoy sa Channel 2, pero hindi natuloy yun, e.

"Pero nakapag-taping na po kami nun.

"Ang dami na naming tineyping, pero biglang na-shelve," pagtukoy ni Tanya sa proyektong pagbibidahan sana nina Dolphy at Makisig Morales.

Full time na ba siya ngayon sa pagka-comeback niya?

"Well, yun ang maganda sa Viva at napag-usapan namin ni Ate VR, alam nila na hindi 100 percent na kaya kong bumalik, like before na puyatan, wala nang time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, alam nila na ang priority ko ay yung family ko.

"So, yung maganda sa kanila, alam nila kung hanggang saan lang ako and I told them naman," aniya.

MOTHER ROLES. Hindi naman mahihirapan si Tanya na mag-comeback dahil bukod sa napakaganda pa rin ay hindi naman siya namimili ng role.

Puwede siyang maging kontrabida, mother role?

"Oo, hindi ako natatakot kasi nanay na rin ako, di ba?

"Atsaka before, nagiging mommy na rin ako. Mommy roles na rin yung natatanggap ko.

"Atsaka I'm turning 30, so siguro naman, di ba?

"Okey lang yun sa akin, kung mag-iinarte pa ako, ewan ko na lang.

"Si Camille Prats nga, baby-baby lang namin, pero ngayon tumatanggap na siya ng mother role.

"Kahit lola puwede, e!" natatawang biro niya.

"Kahit yung mga kasabayan ko, tumatanggap na rin ng mother roles.

"Wala namang masama dun, di ba?"


DINGDONG DANTES. Okey pa ba sa kanya na makipagtambal kay Dingdong Dantes, na nakatambal niya noon sa mga teleserye ng GMA-7 gaya ng Sana ay Ikaw na Nga at Twin Hearts?

"Oo naman. Kahit kanino, okey lang ako kahit sino pa," sagot ni Tanya.

Okey rin kaya yun sa girlfriend ngayon ni Dingdong na si Marian Rivera?

"Nakatrabaho ko na siya sa Super Twins. Nakasama ko siya. Wala po kaming problema.

"At saka nagkita kami ni Dingdong at Marian nung concert ni Justin Bieber.

"Wala namang problema sa amin. Haller!

"Okey lang na magkasama-sama kami kung okey sa kanya...kung hindi siya magseselos. Chos!

"Wala namang iintriga at saka happy silang dalawa, di ba? Magpapakasal na yata sila.

"At saka ang guwapo ng asawa ko, parang Dingdong!" tawa ni Tanya.

Dagdag niya, "Si Dingdong, close friend ko. Ninong siya ng panganay ko, di ba?

"Hindi totally nawala yung communication.

"Yung second baby ko, ang ninang, yung sister ni Dong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng mga birthdays, nandiyan ang family ni Dingdong, hindi naman nawala yun.

"Ako lang ang nawala!"

MARK LAPID. Wala rin naman daw problema kay Mark Lapid ang desisyon niyang bumalik sa showbiz.

"Ever since naman wala siyang tutol kung ano ang gusto kong gawin.

"Kung ano ang desisyon ko sa work at life ko, okey siya.

"Alam niya kasi na walang makakapilit sa akin pag ayaw ko.

"Pag ayaw ko, ayaw ko rin naman talaga.

"Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam niyang napilitan lang ako.

"Hindi ko talaga personality yun," sabi ni Tanya.

Si Mark ba ay walang balak balikan ang kanyang pag-aartista?

"Kasi CEO siya ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), dating Philippine Tourism Authority (PTA).

"Although kinuha siya ni Senator Bong [Revilla] for a movie. Meron siyang Panday 2," banggit ni Tanya.

"Hindi naman siya nagwa-one hundred percent sa showbiz, pero ngayon talaga busy siya sa work niya.

"Mas linya niya talaga ang publice service."

Dadagdagan pa ba nila ang dalawang anak nila na isang three years old at isang seven months old?

"Gusto niya ng boy.

"Kaya lang, huwag muna kasi nasasaktan ako.

"Sa first, normal. Sa second, caesarean kasi suhi. Stop muna.

"Dapat two years yata kasi hanggang ngayon, masakit pa yung hiwa, e. Hindi pa ganoon ka-heal," aniya.

Paano niya name-maintain ang kaseksihan niya kahit dalawa na ang anak niya?

"Siguro dahil happy ang life ko at sa family ko," sagot ni Tanya.

"Yun yata ang secret ng pagiging maganda at mukhang bata.

"Ganoon naman talaga pag happy ka sa work mo, sa karelasyon mo, it shows.

"Wala naman akong ipinapagawa, wala naman akong ipinapaayos pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN