Iza Calzado says her string of TV comedies is the answer to her prayers

IMAGE 0


"Ask and you shall receive, yun ang sabi talaga and it's true because I was telling Noel [Ferrer, Iza's manager] I really wanna do comedy and out of nowhere, I was given I ♥ You Pare and now Andres De Saya," Iza Calzado talks about her light-hearted projects.


Ipinagdasal ni Iza Calzado ang proyektong Andres De Saya.

"I think you know what? Ask and you shall receive, yun ang sabi talaga and it's true because I was telling Noel [Ferrer, Iza's manager] I really wanna do comedy and out of nowhere, I was given I ♥ You Pare and now Andres De Saya.

"Na talagang I was asking and praying for a comedy role and ibinigay naman sa akin. I also wished na sana... gusto kong mahasa sa hosting tapos dumating ang Eat Bulaga!

"Kaya I am really thankful, and I really believe na kapag hiniling mo, ibibigay sa yo, kung para sa 'yo talaga," pahayag ni Iza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ayon pa rin kay Iza...

"Pero eventually my dream is to take on a drama film na talagang you know, I dunno, something that will really be a great challenge."

Sa sobrang kabisihan ni Iza bilang aktres, product endorser at TV host, may panahon pa ba siya para sa kanyang personal na buhay?

"Laging may time," ang natatawa nitong isinagot. "Laging may time."

Although minsan may mga bagay siyang kailangang i-give-up para sa kanyang career, tulad na lamang ng plano sana niyang magbakasyon sa Australia.

"Parang hindi na po tuloy e, ewan ko. Ako naman kasi kung ano lang yung mangyayari, mangyayari."

May kapalit naman ito, na bukod sa trabaho na ay bakasyon pa para sa magandang aktres.

"Meron ako sa Pinoy TV, so iyon meron din yatang pending na this July, may July na pumapasok, kaya I love you, Pinoy TV!

"Mahilig kasi akong mag-travel. Yung July huwag muna nating pag-usapan, hindi pa po sure, huwag nating i-jinx.

"Kapag pirmado ko na yung kontrata. Yung Hong Kong at New Jersey kasi pirmado ko na yung kontrata," tumatawang kuwento pa ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pang kuwento ni Iza...

"Yung sa Hong Kong is for Independence Day, and then sa June 26, I think for the Filipino community in New Jersey, and I'm so excited."

Bakasyon at trabaho nga naman iyon for Iza, at kapag nagbibiyahe raw siya at nagbabaksyon sa ibang bansa, nare-recharge siya at na-e-energize.

"Yeah! Feeling ko kailangan ko ring mag-gather ng bagong energy, may ganun ako kasi.

"It's like taking a breather. Kapag nagbabakasyon ka, pagbalik mo sa trabaho parang 'Yeah!' yung ganun, you gather energy.

"Like when I go to New Jersey, baka mag-extend ako ng ilang days kasi I'd also like to go to New York City. I've never been to New York, I wanna watch some Broadway shows to inspire me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN