Albie Casiño still mum on issue with ex-girlfriend Andi Eigenmann; says he's more mature now

IMAGE 0


Albie Casiño on getting into a new relationship after Andi Eigenmann: "I don't wanna think about that first. 'Wag na muna... Just career...and friends..."


Pumasyal kahapon, June 6, sa Summit Media office ang Mara Clara star na si Albie Casiño para maki-chat sa kanyang fans sa Candymag.com, ang web version ng Candy, isa sa maraming magazine titles ng Summit Media.

Hihingin sana ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Albie tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan nito at ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann (CLICK HERE to read related story), pero bago pa man ma-interview ng PEP ang 18-year-old actor ay nagpasabi na ang manager nito na si Mon Lures na bawal ang mga "Andi" questions kay Albie.

Utos daw ng Star Magic (ang talent management arm ng ABS-CBN) na co-manager ni Mon kay Albie.

Ibinalita na lang ng young actor na pagkatapos ng Mara Clara ay may bago uli siyang show na may titulong Growing Up.

Makakasama niya raw uli rito sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, John Manalo, at iba pa nilang mga kasama sa Mara Clara.

Bago ang interview ay narinig ng PEP ang pagsagot nito sa mga ka-chat. Nabanggit nito ang showbiz crushes na sina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, at Bangs Garcia.

Bakit tila yata mas matatanda sa kanya ang mga crush niya?

"Yeah, I actually do like older girls!" natatawang sagot ni Albie.

Kaya ba nagustuhan niya rin noon si Andi na dalawang taon ang tanda sa kanya?

Halatang hindi kumportable si Albie nang mabanggit si Andi at napatingin pa ito sa manager niya.

Ngiti lang pagkatapos ang ginawa ni Albie nang marinig ang pangalan ng dating kasintahan.

Kinumusta na lang ng PEP kung handa na ba siyang pumasok sa bagong relasyon ngayong wala na sila ni Andi.

"I don't wanna think about that first. 'Wag na muna," tanggi ng binata.

"Just career...and friends..."

Mas gusto raw muna ni Albie na mag-concentrate sa kanyang career at bigyang oras ang pakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm scared... Kasi they're all going to college, ako lang yung hindi. I don't wanna be separated from them. So, I make an effort..."

Bukod daw kasi sa hindi pa siya sure kung ano ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo, hindi rin siya makapag-enroll sa ngayon dahil sa kanyang showbiz commitments.

Pero hangga't maaari raw ay gumagawa siya ng paraan na makasama talaga ang mga kaibigan.

"Like, I came from Sucat [Parañaque] last night. I live in Katipunan, I came from Sucat, just to go to my friend's birthday.

"So I slept over in his house," kuwento niya.

Importante raw sa kanya ang kanyang mga kaibigan na mga kasama na niya mula pa noong grade school hanggang high school sa De La Salle.

"Gano'n talaga kami ka-tight," sabi ni Albie.

"Sa La Salle, every year, nag-iiba kayo ng classroom. A whole new set of classmates...

"So, kunyari magkakaiba na kami ng section sa first year, and then I meet this guy who was close to my friend since grade seven, so nagiging friends din kami and dumarami na kami.

"So, we really become close."

Aminado naman si Albie na sa kanilang magkakaibigan, siya ang may "pagkaloko."

Nangingiti si Albie sabay sabing, "Medyo..."

Ganun pa rin ba siya hanggang ngayon?

"Oo... Pero medyo nag-tame down na ako kasi tumanda na 'ko. Nag-mature na 'ko.

"Hindi na ako gumagawa ng mga katarantaduhan," nakangiti pa ring sabi ni Albie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN