Mommy Pinty Gonzaga talks about being mother and manager to daughters Toni and Alex

IMAGE 0


Mrs. Pinty Gonzaga (main photo)—or Mommy Pinty to showbiz people—plays a very important role not only in the personal lives of her daughters Alex and Toni, but also in their showbiz career.


Kung meron mang dapat pasalamatan nang malaki ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, yun ay walang iba kundi ang kanilang ina na si Pinty Gonzaga.

Si Mommy Pinty ang tumatayong manager ng dalawa.

Mula nang lumipat si Toni mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN ay si Mommy Pinty na ang humawak sa pagpapalakad ng career nito—mula sa TV shows, movies, recordings, hanggang sa commercial projects.

Nang pumasok naman sa showbiz si Alex simula sa ABS-CBN at nalipat sa TV5, si Mommy Pinty pa rin ang humahawak sa career ng kanyang bunso.

Hindi visible si Mommy Pinty sa showbiz gatherings kung saan naroon ang kanyang dalawang anak.

Pero kapag kailangan ang presence nito para ayusin, makipag-negotiate sa anumang offer ng isa sa mga anak, o di kaya ay ang pagpirma ng kontrata, naroon palagi ang ina nina Alex at Toni.

ALEX'S MOVIE CONTRACT. Katulad last week, sa opisina ng Viva Entertainment sa Ortigas ay nandoon si Mommy Pinty kasama si Alex para sa pirmahan ng movie contract ng huli sa Viva Films.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Pinty, inilahad nito ang pagpasok ni Alex sa mundo ng pelikula.

"Yung contract ni Alex, four movies in two years," banggit niya.

"Pero non-exclusive yun. Ang usapan namin ng Viva, after na magawa ni Alex yung dalawang movies niya, puwede siyang gumawa ng ibang movie sa ibang film outfit."

Kabilang sa apat na pelikulang gagawin ni Alex ay ang launching movie nito.

"Oo, kasama na yun," sabi ni Mommy Pinty.

"Pag-uusapan pa kung ano ang project.

"Gusto 'ata nila yung parang may konting drama, comedy, at romantic love story.

"Parang gusto nilang gawin yung mga ginagawa ni Maricel Soriano.

"I heard na may isang script yata na dapat sana gagawin ng Star Cinema at ng Viva Films. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari at hindi natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun yung pinaplano nilang gawin ni Alex.

"Parang ano 'ata, yung may pagka-Maria Went To Town yata.

"Yung iba-iba ang character no'ng lead, iba-iba rin yung leading men niya."

Hindi pa sigurado, pero sinabi na ng Viva Productions kay Mommy Pinty na si John Lapus ang isa sa mga makakasama ni Alex sa kanyang movie.

"Yun yung nabanggit sa amin. Pero yung kung sinu-sino ang magiging leading man, wala pa.

"Ang magdidirek ng movie sa pagkakaalam ko, si Direk Wenn Deramas. Kasi gusto niya noon pa na idirek si Alex.

"Madalas daw niyang sabihin kay Toni na gusto niya si Alex at gusto niya itong idirek ng movie."

Kung si Mommy Pinty ang masusunod, gusto niya na sa dalawang unang pelikulang gagawin ni Alex ay nandoon na yung launching movie nito.

At kung may kasama naman si Alex, dapat malaki rin daw ang exposure at maganda ang role ng kanyang anak.

Kuwento ni Mommy, dapat daw ay isasama si Alex sa pelikula ni Vice Ganda, ang Private Benjamin. Pero dahil nga may gusto si Mommy Pinty para sa anak, minabuti ng Viva na ipagpaliban muna ang paglabas ng young actress sa pelikula.

"Magkakaroon daw ng major revisions sa script pag isinama si Alex. E, nakapagsimula na sila.

"Saka napag-isip-isip daw ni Boss Vic [del Rosario] na kailangang paghandaan yung movie ni Alex," paliwanang ni Mommy Pinty.

MOTHER TO TWO DAUGHTERS. Hindi lang manager ang role ni Mommy sa kanyang mga anak, kundi higit sa lahat ay isang tunay na ina. Una pa rin siyempre ang kapakanan ng dalawa niyang dalaga.

Katunayan, sinabihan niya si Alex na huwag na munang sumipot sa daily showbiz talk nitong Juicy dahil bukod sa puyat ito sa magdamagang taping ng Babaeng Hampaslupa, may mga sugat pa ito sanhi ng isang physical scenes nito sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Mommy Pinty, "Nag-text na ako sa EP [executive producer] ng Juicy na si Omar Sortijas.

"Sabi ko, hindi na muna papasok si Alex dahil medyo nabugbog sa taping.

"Aba, nalaman ko na umalis na pala at nagpunta sa taping niya!

"Naku, nag-text pa ako sa EP, tapos susulpot naman pala yung batang 'yan! Nahiya naman ako.

"Ang sa akin kasi, puwede namang huwag pasukan yung isa pag medyo napagod ka sa taping mo.

"E, gusto siguro niyang mag-show, baka nami-miss niya yung ginagawa niya kaya ayun, pumasok din kahit nagpasabi na ako."

Ibinalita rin ni Mommy Pinty na magiging twice a month na lang ang labas si Toni sa ASAP Rocks ng ABS-CBN para makapagpahinga naman ito.

"Kinausap ko si Linggit Tan. Sabi ko, 'Linggit, dalawang beses na lang sa isang buwan lalabas si Toni kasi wala na siyang pahinga.'

"Umokey maman si Linggit kasi sinabi na rin pala niya [Toni] kay Linggit na gusto rin niyang magpahinga.

"Actually, after ASAP, hindi siya nakakapagpahinga dahil diretso siya ng The Buzz.

"Everyday meron siyang Happy, Yipee, Yehey!.

"Hindi siya nakakauwi ng bahay after the show kasi dumidiretso na siya sa shooting movie nila ni Uge [Eugene Domingo].

"Nami-miss na nga raw niya yung tulog niya na hanggang 11 a.m. or 12 noon.

"Ngayong may noontime show siya, ang gising niya 8 a.m. na.

"And sa August, magsisimula na siya ng bagong season ng PBB [Pinoy Big Brother], kaya wala siyang pahinga," saad ni Mommy Pinty.

LOVELIFE & STUDIES. Napangiti lang si Mommy Pinty sa mga naririnig na balitang kaya ratsada ngayon sa kanyang career si Toni ay dahil malapit na itong magpakasal sa kasintahang si Paul Soriano.

Ayon kay Mommy Pinty, wala pang seryosohang nababanggit sa kanya si Toni.

Alam daw niyang matagal pang magpapakasal ang panganay na anak dahil nag-e-enjoy pa ito sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumpara kasi kay Alex, mas matagal yung pinaghintay niya sa showbiz bago siya nabigyan ng breaks at maabot yung status niya ngayon.

"Si Alex, in four years time, nagkaroon na ng sarili niyang TV show, yung Juicy.

"Tapos nabigyan ng malaking series, yung Babaeng Hampaslupa.

"Tapos ngayon, may contract na for movies sa isang malaking film company.

"Si Toni, ang dami munang pinagdaanan bago napansin. Ang tagal no'ng proseso.

"Kaya nga ini-enjoy muna niya yung career niya.

"Alam naman niya kung kailan niya gustong magkaroon ng family."

Sa lovelife naman ni Alex, naniniwala si Mommy Pinty na wala pang boyfriend ang kanyang bunso at wala pa ring nanliligaw rito.

Sa natatandaan ni Mommy Pinty, ang alam niyang lumiligaw dati sa kanyang anak ay isang non-showbiz guy na ngayo'y nag-aaral ng Law sa Ateneo.

"A, yung schoolmate pa ni Alex. Matagal na yun.

"Kilala namin yun. Mabait naman yung bata.

"Pero nag-aaral pa. Gusto ring makatapos ng pag-aaral.

"Maganda naman yung gano'n.

"Si Alex nga, may dalawa pang subjects sa University of Asia and the Pacific.

"Ga-graduate na siya this year. Pinapa-graduate na nga nila si Alex.

"Six years na kasing nag-aaral doon si Alex!" natatawang lahad ni Mommy Pinty.

"Kasi nga, nag-shift ng ibang course si Alex.

"Yung dati niyang course, hindi kaya ng schedule niya sa showbiz career niya.

"Kaya humaba yung years ng pag-aaral niya.

"Buti na lang no'ng nag-TV5 siya, no'ng nag-Juicy siya, sila ang nag-adjust sa schedule ng classes ni Alex.

"Mahigpit yung school, kasi pag hindi pa raw natapos ni Alex yung dalawang subject niya, tatanggalin na siya.

"Muntik na nga, kasi yung isang professor ni Alex, for some reason, parang nakalimutan yatang bigyan ng grade si Alex.

"So, no'ng nakita ng school yung record, kinausap namin yung professor niya.

"Parang nag-make up test si Alex 'ata that time, pero naipasa naman nya yung subject na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka may mini-maintain na grades doon. Buti na lang matataas naman ang mga grades ni Alex.

"Mataas talaga ang standard nila, yun kasi ang mini-maintain nila.

"Pero matatapos naman 'yan ni Alex, dalawang subject na lang naman, e.

"Masipag naman mag-aral yung anak ko.

"Kahit puyat sa taping or sa mga shows niya, pumapasok naman 'yan.

"Gusto talaga niyang matapos yung course niya.

"Gusto rin talaga ni Alex na magtayo ng school.

"Actually, muntik na nga kaming magtayo.

"May nabili na kaming lupa. May structural plan na pagtatayuan ng school.

"Humingi na ng permit yung mister ko [Councilor Bonoy Gonzaga].

"Nagkaroon lang ng problema, hindi sa amin actually. Hindi rin sa City Hall.

"Basta, huwag na, kasi medyo personal," tanggi ni Mommy Pinty mag-elaborate sa sinasabing naudlot na pagpapatayo ng school.

"Pero nandoon pa rin yung plano.

"Yung sa side ng daddy nina Toni and Alex, doon talaga sila galing, founder yung lolo nila ng isang school.

"Yung mga kamag-anak nila, may school din.

"Pag nag-decide si Alex na magtayo ng school, pag-uusapan naming buong pamilya."

Blessing in disguise din naman na hindi natuloy ang school dahil naka-focus si Mommy Pinty sa career ng dalawa niyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN