Biggest Loser contestant Art Mendoza not looking for second chance at love right now

IMAGE 0


Art Mendoza will continue make his experience in Biggest Loser Pinoy Edition as part of his lifestyle. He explains, "Kasi, ayaw kong sayangin yung opportunity na ito. Pinaghirapan kasi namin ito, I don't want to waste the opportunity. That's my first priority."


Sa loob ng apat na buwan, nasaksihan ng mga manonood ang pagpapayat ng mga bigating contestant ng Biggest Loser Pinoy Edition.

Hirap, pagod, at matinding workout ang kanilang pinagdaanan upang makamit lamang ang minimithing magandang pangangatawan.

At ngayon, mula sa 14 challengers, lima na lamang ang nananatiling contestants na maglaban-laban para sa kauna-unahang "Pinoy Biggest Loser" na titulo.

Isa na rito ang businessman na si Art Mendoza, na nagdesisyong sumali sa BLPE dahil gusto niyang humaba pa ang kanyang buhay.

"Bawat pound na nabawas ko, tinatapon ko lahat ng hirap, sama ng loob, kahihiyan, galit at lungkot na ilang taon ko nang dala-dala. Bawat pound ay simbolo ng bagong ako," sabi ni Art sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam matapos ang press conference para sa huling 10 bigatin ng BLPE noong nakaraang linggo.

Bagamat wala pang naitatanghal na "Pinoy Biggest Loser," pakiramdam daw ni Art panalo na siya.

Paliwanag niya, "I think I've already won, hindi kasi lahat nag lose ng almost 100 pounds.

"Ako yung isang nag-lose ng ganung kalaking pounds.

"Kung sakali mang ako ang unang maging title holder, I would be very honored."

At dahil nagawa na ni Art ang magbawas ng timbang mula sa 341 pounds, sisiguruhin daw niya na pagkatapos ng BLPE ay hindi na siya magbabalik sa dating pangangatawan.

"Yung plano ko talaga after this ay to re-aarange my life," pahayag ni Art.

"To where I can fit my lifestyle na magiging healthy.

"Kasi, ayaw kong sayangin yung opportunity na ito. Pinaghirapan kasi namin ito, I don't want to waste the opportunity, that's my first priority."

Kabilang din sa tinaguriang Fab 5 sina Larry Martin, Angela Lupangco, Hazel Chua, at Raffy Tan.

SECOND CHANCE AT LOVE. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga sumubaybay ng programa na hindi naging maganda ang kanyang unang pagpapakasal.

Sa pagbabago ng kanyang pangangatawan, magkakaroon kaya ng pagkakatao para sa panibagong pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At this time, I want to focus on myself muna," sagot ni Art.

"I was heavy almost all my life, and it's [one reason] that I want to focus on myself.

"Kasi, masyado ko nang pinabayaan ang sarili ko na tumaba.

"I want to love my self first before I love someone else.

"You know, it's so nice to have a second love.

"Of course, you don't want to go on alone, so it would be nice to have a second chance at love."

STARTING A CAREER IN SHOWBIZ. Sa tinaguriang Fab 5, si Art ang medyo nag-alangan sa pagsagot nang tanungin kung may balak silang pasukin din ang mundo ng showbiz.

Para kay Art, ang pagbabawas talaga ng timbang ang kanyang layunin sa pagsali sa Biggest Loser. Kaya naman hindi niya naiisip ang posibilidad ng pagpasok sa show business.

Dagdag pa niya, "Hindi ko nakikita sa sarili ko na showbiz ako, e. I came to the show to lose weight."

"But if there's an opportunity, I'll try it once. If I like it, I'll try it again."

Kung sakali, gugustuhin kaya ni Art na makasama si Derek Ramsay, ang game master ng programa at sinasabing kahawig niya, sa isang proyekto sa pag-arte?

"It would be an honor to work with Derek."

HEALTH TIPS. Samantala, sa pagtatapos ng panayam, hiningan ng PEP ng ilang tips si Art para sa mga nais magbawas ng timbang tulad niya.

Ito ang kanyang naging payo: "Feed yourself with the proper foods.

"Huwag mong gutumin yung katawan mo."

"Break down your meals into very small meals; don't eat so much all at one time."

"Make it as a lifestyle hindi sa simula lang.

"Halimbawa, nag-lose ka ng 20 lbs, what happens pag nag lose ka pa ng 20lbs? Magiging kampante ka na ba?

"So, look at it as a lifestyle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tunghayan kung sino ang tatanghaling unang "Pinoy Biggest Loser" sa gaganaping "Biggest Loser Pinoy Edition Wellness Fair and Grand Finale" sa darating na Oktubre 8 sa Ynares Stadium, Pasig City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN