Arci Muñoz is now living her dream; thankful for her break in Mga Nagbabagang Bulaklak

IMAGE 0


"Nagpapasalamat po ako nang sobra-sobra dahil malaking stepping stone itong Mga Nagbabagang Bulaklak para sa aking career. At mas nadagdagan pa 'yong feeling na sobra kaming na-overwhelm dahil mainit yung pagtanggap sa amin ng mga tao. Kaya sobra kaming nagpapasalamat sa kanilang lahat," says Arci Muñoz.


Labis ang kasiyahan ni Arci Muñoz sa break na ibinigay sa kanila ni Ritz Azul para maging lead stars sa primetime series na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Nagpapasalamat din siya nang sobra sa televiewers na tumututok sa naturang drama series ng Kapatid network, na ang finale week ay magsisimula na this Monday, June 13.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci kahapon, June 8, sa kasagsagan ng malakas na ulan sa taping ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa Fairview, Quezon City, inamin niyang isang dream come true ang nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.

"Oo naman po, pinangarap ko rin na maging bida tulad ng nangyayari ngayon sa akin.

"Kaya dream come true ito, lahat naman po ng artista ay iyan ang goal.

"Gusto ko kasi pag mayroon akong goal, mayroon akong gustong ma-achieve, siyempre kung magse-set ka na rin ng goal mo, yun nang pinakamataas, di ba?

"And nagpapasalamat talaga ako sa Channel 5 dahil unti-unti, yung mga goals ko sa buhay, yung mga pangarap ko, ay natutupad dito.

"I'm very thankful talaga, sobra... Ngayon lang nga ako nagka-billboard, e," nakangiting sabi ni Arci.

Anong masasabi niya sa pagtanggap ng mga manonood sa kanilang show?

"Nagpapasalamat po ako nang sobra-sobra dahil malaking stepping stone itong Mga Nagbabagang Bulaklak para sa aking career.

"At mas nadagdagan pa 'yong feeling na sobra kaming na-overwhelm dahil mainit yung pagtanggap sa amin ng mga tao.

"Kaya sobra kaming nagpapasalamat sa kanilang lahat."

Ano pa ang dapat abangan sa huling linggo ng Mga Nagbabagang Bulaklak?

"Maraming dapat abangan dito, maraming action, sabugan, barilan, car chase...

"Lahat ng twists nandito sa show namin.

"Siniksik kasi lahat sa final week, nandoon lahat ng revelations e.

"Sana nga may book two ito... Ewan ko, sana.

"Nagdyo-joke nga kami, sabi ko mag-aaral kami ng cooking sa story, para ang title na ay Mga Nagbabagang Kawali, para maiba naman!" nakatawang saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIGGEST BREAK. Masasabi niya bang kung hindi dumating ang offer sa kanya ng TV5, hindi siya magiging bida?

Sa tingin niya ba ay wala siyang chance maging bida noon sa GMA-7?

"A, hindi ko alam, hindi ko rin masasabi 'yon. Wala akong idea," sagot ni Arci.

"Ako naman, nagpapasalamat ako nang sobra sa TV5 at binigyan nila ako ng napakagandang opportunity at napakalaking break.

"Noong nasa GMA-7 naman ako, I have nothing against naman sa kanila.

"Actually, binigyan din naman nila ako ng magagandang shows before. So...

"Dito lang kasi sa Five, kaunti pa lang kami, so nabigyan talaga ako ng magandang break.

"Sabi nga nila, magpunta ka kung saan mas maraming opportunities ang maibibigay sa iyo, mas magaganda yung break na mailalatag sa iyo.

"At saka, fastest-growing network itong TV5 and I'm really happy na nandito ako, na habang naggo-grow yung TV5 ay kasama ako."

Wala siyang regrets sa paglipat niya sa Kapatid network.

"Wala, wala po. Para sa akin, everything happens for a reason.

"Para sa akin, kumbaga ay ginusto ng Diyos na talagang ito yung path mo. Na for you to be successful, you go this way.

"Yung tipong, kung hindi ka nabibigyan ng break sa Channel 7, e, di mag-Channel 5 ka.

"Hindi ba, take the chance? Take the risk.

"Kumbaga, kung hindi mag-work, ibig sabihin may rason beyond that.

"So, try another thing. Yun ang sabi sa akin ng daddy ko, e."

HER IDOLS. Si Maricel Soriano ang gusto ni Arci na sundan ang yapak dahil sobrang idol niya ang aktres.

"Napakasimple lang ng rason, e, sobrang galing kasi ni Ms. Maricel, e," sabi niya.

"As in, mata pa lang niya, sobrang galing na, expressive, e.

"May nagsabi sa akin na pareho kami ng mata, expressive ang mata namin.

"E, ako, ang laki kasi ng mata ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa nakakasama si Ate Maricel sa project.

"Pag nangyari 'yon, baka matulala ako.

"Sino ba naman kasi ang hindi mai-starstruck kay Maricel?

"Super idol ko kasi siya, e, ang galing-galing niya."

Isa pa raw sa hinahangaang aktres ni Arci ay si Cherie Gil.

"Kasi, hindi ba, lagi akong kontrabida?" sabi niya.

"Na-enjoy ko 'yong pagiging kontrabida ko, e, so si Cherie ang idol ko sa pagiging kontrabida.

"At saka kahit na medyo may edad na siya, ang ganda pa rin, parang ate ko lang, e."

Sakaling bida-kontrabida ang maging next project niya, tanggapin kaya niya?

"Opo, opo, kasi yun yung kumbaga ay forte ko talaga, e," mabilis na sagot niya.

"Yung combination na 'yon, ako, e.

"Na-try ko na ang maging kontrabida before, ngayon nagustuhan ko ang maging bida.

"What more na bida-kontrabida na combination ng pareho kong gustong gawin?

"Mas gusto ko kasi 'yong ganoon na challenging yung mga ibinibigay sa aking role.

"Gusto kong lahat ma-try, para kung pagdating ng araw na wala na ako sa showbiz, kuntento ako at masasabi kong lahat ay nagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN