Sheryl Cruz's request to viewers: "Let's not label actors."

IMAGE 0


"Kasi times have changed, 'wag natin pangunahan yung writers, kasi unang-una sa lahat, people have to understand that actors only deliver what writers write. Now, [if] they do justice to the role, 'wag sila [viewers] maapektuhan na magagalit sila sa artista pag nakikita nila. They're just doing as it's written, yun ang dapat nilang maintindihan," says Sheryl Cruz about playing villain roles.


Isang mapagmalupit na ina ang role ni Sheryl Cruz sa Mga Nagbabagang Bulaklak, ang primetime drama series ng TV5 na magtatapos na ngayong linggo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sheryl sa last taping day nila noong June 8, sa Fairview, Quezon City, sinabi nitong bilib siya sa buong production team ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

"I'm very impressed," sambit niya.

"I have to say that I really, really admire the ones who are creatively thinking of the project.

"I'm very, very indebted to them because of this very, very fresh show na napakita sa mga tao, na possible pala, puwedeng gawin."

ROLE AS ROSAL. Marami ang naiinis o nagagalit sa role ni Sheryl sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Pero depensa ni Sheryl sa kanyang role, "Sometimes there are things you have to do but you don't want to do it, [and] you run.

"Like what Rosal did. She runs, and now she has to face the consequences, she has to face her ghost of the past."

Hindi naman daw sa palabas lang nangyayari ang ganitong mga pagkakataon.

Sa kanyang opinyon, kaya maganda ang pagtanggap ng tao sa kanilang palabas, at sa isa pang TV5 show na Babaeng Hampaslupa, ay dahil base ito sa totoong buhay.

"Kaya minahal ng tao ang Babaeng Hapaslupa at Mga Nagbabagang Bulaklak dahil totoong nakaka-relate sila," sabi ni Sheryl.

Ang magandang reception daw na ito ay hindi lang dahil sa mga artista, kung hindi dahil din daw mismo sa mga sumulat ng kuwento.

Tingin din daw ni Sheryl, maganda ang naging simula ng mga show ng TV5, na puwedeng pagkuhanan ng inspirasyon ng iba pang mga manunulat.

"I'm very glad na [ito'y] fresh sa mind ng mga writers.

"Sana maging inspiration para sa ibang creative writers, both in movies and indie films, even in other networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na kailangan gayahin, na hindi nagsa-suffer [ang story], even it's a simple, one whole season.

"Ang impact, it's there to stay.

"Kumbaga, it will be remembered, not because sa mga kapalpakan, but because of the beauty, na nakapag-connect siya sa viewers."

Kaya naman daw kahit malapit nang matapos ang show, "Ang dami pang nakakalokang eksena na talagang, as in, hindi kayo dapat bumitiw."

Tingin din ni Sheryl, sa dami pa ng puwedeng itakbo ng kuwento ng kanilang programa, puwede pa itong gawan ng part two.

"Parang puwedeng hindi pa siya matapos," sabi niya.

"Kasi ang dami pang puwedeng gawin.

"Puwede pa talaga siyang i-extend, at puwede pa talaga siyang [may] part two.

"Kahit pa sabihin mong matapos ito, puwede pang gawin yun."

ON LABELING STARS. Isa si Sheryl sa mga beteranong artista na nasa Mga Nagbabagang Bulaklak. Kaya naman hindi maiwasang lapitan siya ng mga baguhang artista.

Isa raw sa madalas lumapit sa kanya ay si Carla Humphries, na gumaganap bilang Ivy sa serye.

Ani Sheryl, "Si Carla is not baguhang artista, but she's shown how versatile an actress she is dito sa Nagbabagang Bulaklak.

"Napakahirap na maging isang mabait, bigla kang mag-change gradually to kontrabida."

Isa raw sa mga naging problema ng batang aktres ay ang pagiging kontrabida. Madami raw kasing nagalit sa kanya nang magsimula na siyang mang-api. (CLICK HERE to read related story.)

Ito rin daw ang concern ni Sheryl. Karamihan daw kasi sa mga manonood ay pinepersonal ang roles ng mga artista.

"Actors kasi minsan sa atin, hindi tanggap yung pagiging kontrabida pa.

"Sabong pa 'yan dito sa Pilipinas.

"Hindi katulad sa Amerika, kapag artista, either good or bad, you're an actress.

"They don't label you being a bida or a kontrabida, it's the work you do."

Kaya naman ang hiling niya sa viewers: "Let's not label actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We should get over the labeling.

"Kasi times have changed, 'wag natin pangunahan yung writers.

"Kasi unang-una sa lahat, people have to understand that actors only deliver what writers write.

"Now, [if] they do justice to the role, 'wag sila [viewers] maapektuhan na magagalit sila sa artista pag nakikita nila.

"They're just doing as it's written, yun ang dapat nilang maintindihan."

ADVICE TO NEW STARS. Sa tagal ni Sheryl sa industriya, marami na siyang nagampanang roles.

Nagsimula si Sheryl bilang isang child actress at naging isa sa pinakatanyag na teen stars noong late '80s hanggang early '90s.

Huminto siya sa pag-aartista nang magpakasal siya at magkaroon ng anak. Sa U.S. siya nanirahan kasama ang kanyang pamilya.

Nang bumalik siya sa Pilipinas ay binalikan din niya ang pag-arte, at dito na nagsimula ang pagganap niya ng character roles.

Ano nga ba ang sikreto ni Sheryl at nagtagal siya sa industriya?

"First of all, you have to love yourself and accept yourself for who you are," mabilis na sagot ng aktres.

"Whatever talents you have, you have to give it back to the Lord, because He gave you the talent for you to enhance, hindi para ipagmaramot."

Mahalaga rin daw na pamilyar ang mga aktor sa mga nangyayari sa paligid nila.

"Hindi lang puro showbiz ang iyong iintindihin, para mas maging totoo ka sa craft mo.

"Lahat ng nangyayari sa paligid mo, alamin mo.

"You couldn't be true to yourself if you don't know the plight of the poor.

"Let's say yung mga agricultural workers, yung mga taong namatay nang hindi nasa oras, OFW, yung plight ng ating mga kapwa-tao.

"Ikaw, yung role mo OFW ka, namatayan ka or bibigtiin ka, magrereklamo ka ba?

"When it is a role given to you, you always have to take it as a challenge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang pinakamahalagang dapat tandaan daw ng bawat artista: "Kung ano man yung mga taong tumulong sa 'yo along the way, always look back because it's always nice to be humble.

"It is good to put your feet firmly on the ground.

"Dahil ang unang ayaw mong mangyari ay lumaki ang ulo mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN