Drama actor James Blanco wants to try his hand at comedy

IMAGE 0


"Dito sa TV5, wala yung bawal na lumabas sa ibang channel, very open sila sa mga bagay-bagay kaya masaya. Kumbaga, binibigyan ka nila ng lahat ng pagkakataon na mag-grow. Pero yung ibang network, naririnig ko lang, na kapag nasa TV5 ka na, ayaw ka na nilang kunin. Sana ay huwag naman, para magkaroon tayo ng pag-asenso, bawat network," says James Blanco.


Isa si James Blanco sa maituturing na underrated actors, na hindi masyadong maipakita ang tunay na talent sa pag-arte dahil limitado ang mga role na naitotoka sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James sa taping ng drama series na Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 noong Miyerkules, June 8, sa Fairview, Quezon City, sinabi ng aktor na gusto niyang makaganap din ng ibang roles, tulad ng comedy.

"Well, magtatapos na itong Mga Nagbabagang Bulaklak andafter this, sana ay mayroon ulit project.

"Kasi, ang pagtanggap ng mga tao dito sa akin ay iba, e, napakabait nila, very supportive sa akin...

"Na kahit na medyo matagal akong nawala, sobrang napakainit, e.

"Iba ang samahan dito, para kaming magkakapatid.

"Very concerned kami sa isa't isa, kunwari matatapos na late yung isang artista, naghihintayan pa kami.

"Dito sa taping, wala kang maririnig na sumisigaw at nagmumurang director at mga tao, lahat ay very cool, kaya smooth ang trabaho namin.

"Kaya nakakalungkot talaga na magtatapos na ito," pahayag ni James.

Paano niya ide-describe ang pagtatrabaho sa TV5?

"Parang pinaghalong kapamilya na may puso ang mga kapatid dito, e, iba yun, e!" nakatawang sambit niya.

"Pero seriously, maganda naman ang other network na pinuntahan ko.

"Kaya lang, iba talaga ang saya na nararamdaman ko ngayon dito sa Five.

"Basta iba, e, at bagong-bago talaga."

Dahil ba ito sa balitang mataas na talent fee sa TV5?

"Hindi naman, hindi naman. Secondary lang naman kasi yung budget, e, yung talent fee," mabilis na sagot niya.

"Ang importante ay masaya ka sa ginagawa mo, hahalo na 'yon, e.

"Sabay-sabay na yun, di ba? Yun 'yong sa akin."

May kontrata ba siya sa TV5?

"Wala, wala... Pero sana magkaroon," sabi niya.

JAMES AS A COMEDIAN? Gusto raw sumabak ni James sa comedy tulad ng Sugo Mga Kapatid, isang bagong sitcom sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, gusto kong mag-comedy dahil pang-break yun sa mga drama na ginagawa kong madalas.

"Para rin maipakita ko yung comedic side ko. Kasi, napakakengkoy kong tao talaga, e.

"Akala siguro ng iba na napakaseryoso ko, pero kengkoy naman ako.

"Iyon ang hinihintay ko, yung tipong Sugo Mga Kapatid, kasi very jolly person naman ako.

"Kaibigan at idol natin si Long Mejia at very supportive naman siya sa mga nakakasama niyang komedyante.

"Nag-comedy ako sa Inday Wanda [defunct show sa TV5 starring Eugene Domingo], kaya lang ay demonyo yung role ko doon at naka-costume pa ako.

"And gusto ni Direk Joyce Bernal doon, medyo serious yung atake ko. Kaya hindi ko naipakita yung pagko-comedy dun, e," aniya pa.

OPEN NETWORK. Sinabi rin ng aktor na sana ay mas maging maluwag ang mga network na makalabas ang mga artista sa kahit anong channel dahil sa katagalan, maaaring makaapekto ito sa pag-unlad ng TV industry.

"Dito sa TV5, wala yung bawal na lumabas sa ibang channel, very open sila sa mga bagay-bagay kaya masaya.

"Kumbaga, binibigyan ka nila ng lahat ng pagkakataon na mag-grow.

"Pero yung ibang network, naririnig ko lang, na kapag nasa TV5 ka na, ayaw ka na nilang kunin.

"Sana ay huwag naman, para magkaroon tayo ng pag-asenso, bawat network.

"Makaka-hamper kasi 'yon sa pag-unlad ng TV industry.

"Kaya lang, naiintindihan din naman natin na kanya-kanya ng policy ang mga TV networks, e," saad niya.

INDIE FILM PRODUCER. Naibalita rin ni James na magpo-produce siya ng isang indie film.

"Magpo-produce ako at hindi ako a-acting dito. Educational ito at ita-tie-up ko sa DepEd [Department of Education]," banggit niya.

Idiniin din ni James na naisipan niyang mag-produce ng indie film upang maipakita naman na hindi lang ukol sa sex, kabaklaan, o slum area at kahirapan lang ang ipinapakita sa karamihan ng ganitong tema ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw ko naman siyempreng bigyan ng kulay yung ginagawa ng iba.

"Kasi, iniisip ng iba na kapag indie films, karamihan ay kargado ng sex at puro slum area.

"So, gusto rin nating ipakita na puwede iyong pambata, educational, inspirational..."

BUSINESS DEAL. Samantala, ayaw masyadong mag-elaborate ni James ukol sa nangyaring panloloko sa kanya sa isang business deal, na ayon sa ilang source ay umabot daw sa millions of pesos, except by saying na nasa korte na ito.

"Hindi, hindi naman na-scam, hindi naman na-scam...

"Pagdating kasi sa ano na 'yan ay ayaw ko nang pag-usapan, baka maano tayo...

"Kinasuhan ko na siya dahil medyo matagal na, isang taon na. BP 22, Bouncing cheques...

"Hindi ko siya kasosyo, hiniraman niya ako."

Sinabi rin ni James ang kanyang prinsipyo sa buhay.

"Ganyan lang naman talaga ang buhay, nadapa ka, babangon ka ulit.

"So, ganoon lang, dapat ay fighter ka, babangon ulit pag nadapa.

"Sa business, hindi lahat talaga ay magiging successful.

"Kapag may aberya, bangon ka ulit. Hanap ka ulit ng panibagong magiging trabaho mo.

"Kasi kapag natakot kang magnegosyo, maghihirap ka, e.

"Kaya ako, ganoon ang prinsipyo ko sa lahat ng bagay. Huwag dapat matakot madapa.

"'Tsaka, di ba, may kasabihan na tutulungan ka ng Diyos para bumangon?

"At saka dapat ay laging positive talaga, e," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN