Alessandra de Rossi on not doing kissing scenes: "It's a choice, prinsipyo ko yun."

IMAGE 0


"Ayokong tumanggap ng projects na may kissing scenes, na may love scenes, hindi ko siya tinatanggap. So, may mga times na kinukulang ako ng pambayad ng bahay ko dahil ayokong magtrabaho, iyon," says Alessandra de Rossi.


Si Alessandra de Rossi ang sumalang sa "Don't Lie to Me" segment ng Showbiz Central last Sunday, June 13.

Sa umpisa ay binanggit ng host na si John "Sweet" Lapus na sa mga interview kay Alessandra ay tila kinikilig ang aktres kapag napag-uusapan si Denis Trillo, na co-star niya sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Sinner or Saint.

Kaya ang unang tanong ni Sweet kay Alex ay kung type nito si Dennis.

"Ang hirap nun, ang laki naman ng sagot na yun!" sabi ng nagbabalik-Kapuso na aktres bago sumagot ng "No."

"Lie" ang naging resulta ng kanyang sagot sa truth verifier machine.

Paliwanag ni Alex, wala raw siyang gusto kay Dennis.

"Hindi, hindi. Guwapo siya talaga, yun lang," saad pa niya.

Ano ang nararamdaman niya kapag tinititigan niya si Dennis? Kinikilig nga ba siya kapag kaeksena niya ang aktor?

"Hindi, pinapakilig ko siya! Alam mo na yun, di ba?" sabi ng aktres kay Sweet, na aminado namang may gusto rin kay Dennis.

Ang pangalawang tanong kay Alessandra ay kung may katotohanan ang kumalat na tsismis na wala na siyang pambayad ng tubig at kuryente, at wala na raw siyang pang-grocery. Nagkakaroon nga ba siya ngayon ng financial problem?

"No" ang sagot dito ni Alex, at "Truth" naman ang lumabas na resulta.

Pero paliwanag niya, "Hindi ngayon, nasa GMA na ako, e!

"Kahapon, oo, oo! Pero hindi kasing-lala nung sinasabi mo.

"Hindi kasing-pangit nung sinasabi mong walang pambayad ng kuryente, ha."

Ayon pa kay Alex, "Kasi ayokong tumanggap ng projects na may kissing scenes, na may love scenes, hindi ko siya tinatanggap.

"So, may mga times na kinukulang ako ng pambayad ng bahay ko dahil ayokong magtrabaho, iyon.

"It's a choice, prinsipyo ko yun."

Ngayon ba ay handa na siya sa mga love scenes o kissing scenes?

"Hindi pa rin!" mabilis niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like yung sa amin ni Dennis sa Sinner or Saint, ninakawan niya ako ng halik.

"Iyon, pumayag ako kasi nakaw naman yun, e, hindi naman sinasadya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN