Elmo Magalona has no time yet for romantic relationship

IMAGE 0


"Sobrang naa-appreciate ko talaga lahat ng support na nakukuha namin. Kahit na mas malayo sila, gagawin nila ang lahat para makapanood nang live sa Party Pilipinas. 'Yong mga gano'n make us really thankful talaga" says Elmo Magalona about the continuous support of fans to his onscreen partnership with Julie Ann San Jose.


Ipinagpapasalamat nang husto ng teen star na si Elmo Magalona ang pagkakapili sa kanya para maging isa sa front act sa nalalapit na concert ng American pop singer na si Miley Cyrus sa Pilipinas.

Makakasama ni Elmo sa stage ang isa pang young singer na si Sam Concepcion para magbigay gana sa mga manonood ng concert sa Biyernes, Hunyo 17, sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

Sa press conference na inihanda para kina Elmo at Sam noong Biyernes, Hunyo 10, sa Sumo Sam Restaurant, sa Trinoma Mall, Quezon City, nagbigay ng kaunting detalye ang nakababatang kapatid ni Maxene Magalona.

Kuwento niya, "May parang gimik daw. Kasi si Miley Cyrus, mahilig daw sa flowers. So, pagdating dito ni Miley, bibigyan namin siya ng flowers.

"We're gonna do this our own way to give the flowers to impress Miley. Para kung sino raw 'yong makaka-impress kay Miley, [makakasama niya sa stage]."

Sa kanilang segment ni Sam, mabibigyan sila ng pagkakataong kumanta ng dalawang kantang mapipili nila. Pagkatapos ay magkakaron sila ng duet ni Sam sa huli.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kung sino sa tingin ni Elmo ang mas magaling sa kanila ni Sam, napangiti ito at sumagot ng: "Siyempre, si Sam matagal na siya sa business. Ako, kaka-start ko lang.

"Maybe, performance-wise, mas marami nang experience si Sam. Ako, starting pa lang."

JULIELMO TANDEM. Bukod sa oportunidad na ito, nagpapasalamat din si Elmo sa mga tagahanga ng loveteam nila ni Julie Ann San Jose, na mas kilala sa bansag na JuliElmo.

Ayon sa 17-year-old rapper-actor, hindi nila inakala sa umpisa na tatangkilin ng mga manonood ng Party Pilipinas ang kanilang tandem.

Sabi ni Elmo, "Hindi talaga namin alam. Noon, ginagawa lang talaga sa Party Pilipinas.

"Up to now, after a year na pinag-partner kami, we're still ongoing na magkasama kami ang getting stronger ang bigger."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa kanilang fans.

"Sobrang naa-appreciate ko talaga lahat ng support na nakukuha namin.

"Kahit na mas malayo sila, gagawin nila ang lahat para makapanood nang live sa Party Pilipinas.

"'Yong mga gano'n make us really thankful talaga.

"We're really thankful kasi ang daming support and ang daming nag-a-appreciate sa ginawa namin."

Bukod sa Party Pilipinas, sumabak na rin sa pag-arte ang loveteam nina Elmo at Julie Ann sa comedy series na Andres de Saya at sa ginagawang youth-oriented movie ng GMA Films, ang Tween Academy Class of 2012.

Hindi kaya sa madalas na pagsasama nina Elmo at Julie Ann ay mauwi na ito sa isang espesyal na relasyon?

Para kay Elmo, wala pa raw sa isipan niya ngayon ang pumasok sa isang romantic relationship.

"Siyempre, wala pa naman doon ang focus ko," nahihiyang sabi ni Elmo.

"Si Mom [Pia Magalona] din naman ang nagsasabi na chance ko na 'to, I can't back out.

"I have to focus on what I'm doing now and I can't really sideline or anything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN