Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez misses singing now that she's pregnant

IMAGE 0


"We're both very excited. Pero we're taking it one day at a time. Kasi iba-iba yun, e. As each day passes, nilalasap muna namin yung... Every week kasi lumalaki yung baby. Ayaw naman naming madaliin," says Ogie Alcasid about his wife's pregnancy.


Masayang-masaya si Ogie Alcasid sa kinalabasan ng kauna-unahang singing competition ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Ito ay ang "OPM@PAGCOR" na ginanap noong Biyernes, June 10, sa Main Theater ng Casino Filipino sa Airport Road, Parañaque. Punumpuno ang venue sa dami ng tao.

Wala ring nagreklamo sa grand winner na si Marie Joyce Tañana na tiga-Angeles City.

Second placer na si Charles Kevin Tan at third placer naman si Renz Ruther Robosa.

"Magagaling din naman yung iba, pero nakakatuwa na you were able to come up with the champion na maipagmamalaki mo talaga," proud na sabi ng singer-composer-TV host-actor sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after the event.

"We had very modest dreams. Yung expectation lang namin ay magkaroon ng training yung mga baguhang singers natin.

"Pero umabot sa ganito, and then gano'n ang reaksyon nila, ang saya!

"Ang objective din natin ay magkaroon ng trabaho yung mga potential talents natin.

"Eto na nga, may sigurado na silang trabaho dito sa Pagcor.

"Gusto talaga ng Pagcor na i-hire ang mga tao na strictly OPM."

Ayon pa kay Ogie, siguradong miyembro na ng OPM ang lahat ng grand finalists at winners ng kakatapos na contest.

REGINE AS JUDGE. Isa ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid sa nag-judge noong gabing 'yon.

Second time na ng Asia's Songbird na lumabas sa isang event mula nang magpahinga siya sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis. Ang una ay sa silver wedding anniversary nina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado-Revilla. (CLICK HERE to read related story.)

"I'm so happy she came. I needed her to see this," sambit ni Ogie.

"Kasi pag ikinukuwento ko lang sa kanya, okey naman, pero iba pa rin yung makikita niya mismo.

"So, sabi niya, 'Sige, magdya-judge ako.'

"Saka iba rin kapag nakikita ng contestant si Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Regine came from a singing contest and idol nila si Regine, nakakatuwa rin.

"Nakaka-inspire din naman sa kanila to see Regine.

"Natutuwa naman siya, hindi niya akalain na ganito ka-well organized and received yung contest.

"At yung mga kababayan ng mga finalist, lumipad pa all the way from their cities to come here tonight.

"I know hindi televised, pero nakakatuwa na rin dahil tinangkilik sila ng mga kasamahan nila at lalo na ng Pagcor."

Inamin naman ni Ogie na nami-miss na ng misis niya ang pagiging singer.

"Ang sinasabi lang niya, nami-miss niya ang pagkanta.

"Hindi naman puwede dahil alam n'yo na, di ba?

"Makakita lang niya yung mga ganito, masaya na siya," sabi ng Party Pilipinas and Bubble Gang mainstay.

Kuwento pa ni Ogie, sa bahay na lang nila sila kumakanta ng kanyang asawa para maibsan ang pagnanais nitong kumanta uli.

"Kanina lang bago kami umalis, nag-play kami ng CD ng Barbra Streisand, sabay kami.

"Sabi niya, 'Bakit memoryado mo ang mga kanta ni Barbra Streisand? Bading ka ba?'

"Sabi ko, 'Medyo!'" masayang salaysay ni Ogie.

REGINE'S PREGNANCY. Ibinalita ni Ogie na hindi na nakaratay sa higaan ang kanyang asawa. Meaning, hindi na maselan ang pagbubuntis ni Regine.

"No more! No more!" bulalas niya.

"Unti-unti bumabalik na sa dating pinagagawa. Nagsu-swimming na kami konti para may konting exercise.

"Gaya nga ng nasabi ko, meron siyang gestational diabetes.

"We're really trying to control her taking of carbohydrates. Masunurin naman siya.

"Pero siyempre, misan sinasabi niya, 'Gusto ko ng ice cream.'

"Sabi ko, 'Mataas ang sugar mo.'

"Minsan pinagbibigyan ko.

"Nakakapag-shopping na siya, grocery. Iniikot ko. Kasi nalilibang din siya.

"Yung pagkanta, hindi maiaalis kay Regine gaya ng habang nagluluto, naliligo..."

Limang buwan at kalahati pa ang ipaghihintay nina Ogie at Regine para sa paglabas ng kanilang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're both very excited," sabi niya.

"Pero we're taking it one day at a time. Kasi iba-iba yun, e.

"As each day passes, nilalasap muna namin yung... Every week kasi lumalaki yung baby. Ayaw naman naming madaliin.

"Hindi siya kambal," paglilinaw pa ni Ogie.

"Nagtatanong nga yung mga tao kung kambal.

"Kasi nga parang laki kaagad no'ng tiyan niya.

"Baka kasi matangkad yung tatay?" biro niya.

NOT PREGGY BRIDE. Weird para kay Ogie ang lumabas na balitang buntis na si Regine noong ikasal sila last December 22, 2010 at mas maaga raw manganganak ang misis niya.

"O, saan naman nila nakuha yun?" nagtataka niyang sabi.

"Hindi... Ang due date niya talaga is November.

"Kasi bilangin mo...hindi, e, November talaga siya manganganak.

"Saka, nakita naman ninyo na ang payat-payat ni Regine noong wedding!"

Hindi masasabi ni Ogie na aligaga siya sa pagbabasa ng mga baby books para magkaroon ng kaalaman sa pagbubuntis at sa nalalapit na panganganak ng kanyang asawa.

Pero paminsan-minsan ay nagbabasa raw siya ng mga ito.

"Halos memoryado ko na 'yan dahil may dalawa na akong anak.

"Pero nagbasa uli ako what to expect when you're expecting, binasa ko uli. Sa Internet.

"Medyo kinukulit-kulit ko si Regine, 'Alam mo ba yung mga terms? Alam mo ba yung ganito, ganyan?'

"Bonding na rin namin yun when we read together ng baby books," kuwento niya.

Hindi pa raw kina-career ni Ogie at ni Regine ang pagbili ng mga gamit para sa baby nila.

"Tumitingin pa lang. Pero I'm sure yung mga kapatid niya, bibigyan siya ng baby shower.

"Doon pa lang, may makukuha ka nang anik-anik."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN