Cristine Reyes excited to work with real-life boyfriend Rayver Cruz in new teleserye

IMAGE 0


Cristine Reyes says she's happy na magkatrabaho at magkasama sila ni ng real-life boyfriend niyang si Rayver Cruz. "Happy ako siyempre kasi magkikita kami sa taping, katrabaho ko siya, di na kami mahihirapan sa time kasi magkikita kami regularly. Di namin pinagsasama ang personal sa trabaho. Sa akin kasi, tulong pa nga siya kasi... pag nagbo-bore ka na, siyempre magdamagan yun, masarap pag may kausap."


Pagkatapos ng mainit na pagtanggap sa Kristine series kung saan naging love triangle si Cristine Reyes, Zanjoe Marudo at ang real-life boyfriend ng aktres na si Rayver Cruz, magkakasama muli ang magkasintahan sa isang soap opera ng ABS CBN, titled Reputasyon.

Hindi naman itinago sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Cristine ang kanyang excitement sa kanyang bagong show at ang pagsasama nilang muli ni Rayver sa isang proyekto.

"Siyempre excited ako sa bagong telesreye sa ABS, at ang kapareha ko dito ay si Rayver. Very exciting ang Resputasyon, kasi ang mga kaeksena ko dito, mga betarano talaga.

"Si Ms. Jaclyn Jose, nagkaroon kami ng eksena na talagang iyakan tapos makikita mo yung mga tao, umiiyak din," ang sabi ni Cristine.

Hindi ba siya kinakabahan na baka masapawan siya, lalo't ang huhusay ng mga kaeksena niya?

"Siyempre nandun din yung kaba kasi nga, mga beterano na sila. Alam na nila ang lahat when it comes to acting. Pero pag nakatrabaho mo na sila, magka-eksena na kayo, may bonding na. OK na, nawawala na yung kaba."

Cristine says she's happy na magkatrabaho at magkasama sila ni Rayver. Ayon sa aktres, they will try not to let their personal relationship affect their work.

"Happy ako siyempre kasi magkikita kami sa taping, katrabaho ko siya, di na kami mahihirapan sa time kasi magkikita kami regularly.

"Di namin pinagsasama ang personal sa trabaho. Sa akin kasi, tulong pa nga siya kasi... pag nagbo-bore ka na, siyempre magdamagan yun, masarap pag may kausap."

Unang inalok ang Reputasyon kay Derek Ramsay, pero hindi ito tinanggap ng aktor. Nabalitang gagawin din dapat ni Jake Cuenca ito, pero hindi rin natuloy hanggang sa napunta nga kay Rayver.

Marami ang nagtatanong kung hindi kaya nanghinayang si Cristine na dalawa sa in demand na leading men ang hindi natuloy na makatrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well nakakapanghinayang yung kay Derek kasi nagkaroon na kami ng workshops together. Siyempre effort din yun, gumastos na sila para sa amin.

"Pero siyempre, hindi naman natin kontrolado ang mga bagay-bagay. Di niya kakayanin kasi ang dami niyang ginagawa. May dalawa siyang movies, tapos mayroon pa siyang Biggest Loser.

"Tao lang naman siya, di niya puwedeng hatiin ang katawan niya."

Kumpirmado rin na magkakasama sila Cristine at Derek along with Anne Curtis sa isang pelikula.

"Yes, okey naman din kasi at least mayroon kaming movie ni Derek. Di masasayang yung workshops namin."

Lumikha ng kaunting intriga ang Twitter account ni Cristine few days ago. She had tweeted, "I'm so tired!! I want to be alone! Forever!" na inakala ng iba na may problema sa relasyon nila ni Rayver.

Agad namang klinaro ito ng aktres.

"Sobrang pagod ako sa work nun, di ko na maaalala, pero yun yata yung halos every day nagwo-work ako tapos may sakit pa ako.

"Kami ni Ray, okey na okey kami. We're happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN