JM de Guzman clarifies report linking him to Jessy Mendiola

IMAGE 0


Mula Sa Puso star JM de Guzman is now being linked to fellow Kapamilya talent Jessy Mendiola. But the young actor says, "Barkada lang kami. I must admit nagagandahan ako sa kanya, pero hindi pa tamang time para sa lovelife."


Kahit hindi pa nagkakasama sa iisang proyekto, nali-link ngayon ang Mula Sa Puso actor na si JM de Guzman sa young actress na si Jessy Mendiola.

Marami nga ang nagulat nang lumabas ang balita na nakita raw na magkasamang lumabas ang dalawang Star Magic talents.

Pareho namang single at walang sabit kung tutuusin, pero nilinaw ni JM sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na walang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Jessy.

"Lumabas kami, pero isang beses lang nangyari. Pero with group of friends, never kaming dalawa lang.

"Barkada lang kami.

"I must admit nagagandahan ako sa kanya, pero hindi pa tamang time para sa lovelife," saad ng young actor.

Oras at trabaho ang ilan sa mga ibinigay na dahilan ni JM kung bakit sa palagay niya ay hindi pa sila handa ni Jessy para sa isang totohanang relasyon.

"Ngayon pa lang, hirap na kami dun sa mismong trabaho namin, dadagdagan pa namin. Hindi pa tamang oras.

"Sinabi ko na nagagandahan ako sa kanya, pero maski ako, wala pa akong balak na medyo mawala sa focus sa trabaho.

"Medyo dumarating na rin yung hirap ng work, so kailangan kong mag-focus at mag-concentrate."

Dagdag pa ni JM, "I can say na hindi pa talaga kami ready, pati yung mga tao at yung trabaho namin.

"Hindi rin ganun kadali."

Ano-ano bang characteristics ni Jessy ang nagugustuhan niya rito?

"Bilang kaibigan, caring siya sa mga friends niya.

"Tini-treasure niya ang mga kaibigan niya and magandang ugali yun," sabi naman ni JM.

LAUREN YOUNG. Kinumusta rin ng PEP kay JM ang tambalan nilang dalawa ni Lauren Young, na co-star niya sa early primetime soap ng ABS-CBN na Mula Sa Puso.

Aniya, "Okay naman, close friends na kami talagang dalawa.

"We support each other. Pag may problema, tulungan, tinutulungan niya ako or tinutulungan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN