Bea Alonzo talks about Guns and Roses leading men Robin Padilla and Diether Ocampo; misses working with John Lloyd Cruz

IMAGE 0


Bea Alonzo has noticeable good chemistry with her two leading men in Guns and Roses, Robin Padilla and Diether Ocampo. Yet she thinks that her love team with John Lloyd Cruz is a big factor. "Feeling ko kung hindi rin narating ng loveteam namin kung ano yung narating nun, hindi kami magiging ganito sa individual careers namin," she said.


Kaba ang unang naramdaman ng tambalang Bea Alonzo at Robin Padilla nang magsimulang umere ang kanilang primetime action-drama series sa ABS-CBN na Guns and Roses.

Kahapon, July 20, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press is Bea Alonzo sa set ng kanilang programa sa Bacood, Sta. Mesa, Manila.

Masaya raw siya na nakakatanggap siya ng magagandang feedback mula sa ibang tao, maging mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya.

"May mga nagsasabi [maganda ang feedback]," saad ng young actress.

"May mga, like yung mga kaibigan mo nagte-text sa'yo, o kaya yung mom ko magte-text sa akin na maganda yung mga eksena, hindi naman daw awkward."

WORKING WITH ROBIN. Hindi kaila na malaki ang age gap nina Bea at Robin; si Bea ay 23 pa lamang, samantalang 41 naman si Robin.

Kaya naman ang concern ng iba, baka makaapekto ito sa kanilang chemistry.

Pero nang magsimula na ang pagkakaroon nila ng love angle sa serye, pinatunayan nilang hindi hadlang ang edad nila upang mag-work ang kanilang tambalan.

"Siguro, nakadagdag yung mas comfortable [kami] ngayon," bulalas ng Guns and Roses leading lady.

"'Tsaka siguro, dumagdag na din yung sa materyal, kung nasaan yung plot namin ngayon, ganun, hindi naman namin pinaplano.

"Hindi naman namin iniisip na kailangan meron kaming spark dito, kailangan meron tayong chemistry dito.

"Hindi naman sa pinaplano. I think it's a natural thing."

Habang tumatagal, mas nakikilala raw ni Bea ang kanyang leading man. At ganun din, mas marami siyang nalalaman dito sa tuwing magkasama sila sa set.

"He really cares for the fans," nakangiting sabi ni Bea.

"'Tsaka sa mga tao, lalo na sa mga taong nanonood sa shooting nila, talagang nilalapitan niya, kakamustahin niya.

"He really goes out of his way para makausap sila, nakakatuwa."

Kuwento pa ni Bea, sobrang pasensyoso raw ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwang maringgan yung isang Robin Padilla na nagsasabi na kapag... Siyempre napu-frustrate yung mga staff kapag marami yung nanonood.

"Nakakatuwa na sa kanya nanggagaling yung, 'Pakiusapan n'yo na lang, hindi naman nila alam kung ano yung nangyayari, ano yung ginagawa natin.'

"So, yun ang pinakagusto kong quality niya, na parang... Di ba, minsan, talagang kahit kayo mapu-frustrate kayo na paulit-ulit lang na emotional scene.

"Tapos may mga gusto talagang manood, makikita sa camera, so sobrang pasensyoso niya pa din."

Pero binibigyan ba siya ni Robin ng advice tungkol sa kanyang career?

"Yes!" mabilis na tugon niya.

"[Natutunan ko] na dapat bigyan ng importasya yung mga sumusuporta sa inyo.

"'Tsaka dapat hindi ka... dapat minamahal mo talaga yung craft mo.

"Nakakatuwa na talagang ibinabalik niya yung passion ko sa acting."

Aniya pa, "Kasi parang siya, na napakatagal na niya sa industriya, on fire pa rin pagdating sa trabaho, dapat ako din.

"Nakakatuwa na kahit yung mga simpleng eksena, kinakarir niya. Makikita mo sa kanya na hindi niya pinalalagpas nang ganun-ganun lang, inaaral niya, nakakatuwa.

"Minsan nakakahiya, na ito inaral kahit maliit na eksena na, parang ano pa kaya ako?

"Minsan parang natatahimik ako, nagi-guilty ako na simpleng eksena lang naman ito, parang re-relax lang kasi simpleng eksena lang. Pero siya hindi."

ON MARIEL RODRIGUEZ. Noong umpisa ng kanilang palabas, may mga lumabas na balitang nagseselos daw kay Bea ang asawa ni Robin, ang TV host na si Mariel Rodriguez.

Ngunit itinanggi naman ni Mariel ang balitang ito, at sinabing hindi lang siya sanay sa bagong schedule ng kanyang asawa. (CLICK HERE for related article.)

Nakarating daw ang balitang ito kay Bea, at sinabi niyang ikinagulat niya iyon. Ganun pa man, iginiit niyang wala naman dapat ikaselos sa kanya si Mariel.

"Nagulat ako, nagulat ako talaga kasi hindi ko talaga alam," pahayag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka wala naman bahid ng ganung pangyayari, hindi ko alam na may ganun.

"'Tsaka wala naman talaga dapat ikaselos."

Pero sinuguro ni Bea na walang problema o away sa pagitan nila ng TV host.

"Huli ko siyang nakita nung sa Happy Yipee Yehey!. Nung nag-guest ako, nagpo-promote ako.

"'Tsaka, hindi din naman kami naging super close na lumalabas din.

"So, nung nakita ko siya, ganun pa din naman siya, nag-hi siya. Di ba, pag nag-hi ng ganun, wala naman kayong problema?"

WORKING WITH DIETHER. Isa pa sa mga kapareha ni Bea sa Guns and Roses ay si Diether Ocampo.

Dito'y gumaganap si Diether bilang si Marcus, ang pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng fiancé ni Reign (Bea), at karibal ni Abel (Robin) sa puso ni Reign.

Bagamat may pagkakontrabida ang role ni Diether, kabaligtaran daw ito sa role niya sa buhay ni Bea sa ngayon.

Katunayan nga, "Best Bea" at "Best D" ang tawagan nila.

Paano nga ba nagsimula ang tawagan nilang ito?

"A, kasi nga pag lumalabas kami, naging close kami niyang si Diet," sagot ni Bea.

"Tapos kasunod, naging katrabaho ko siya, naging close kami, lumalabas kami sa Sa 'Yo Lamang, 'tas katrabaho ko siya dito."

Kuwento pa ni Bea, binibigyan daw siya ng advice ni Diet sa maraming bagay, partikular na sa pagha-handle ng kanyang career.

"Pag meron akong hinihinging advice tungkol sa career, lalong-lalo na sa career... Di ba, survivor 'yan? Mga kahenerasyon niya nagpapahinga na, siya nandito pa din puma-fight pa din.

"Ka-loveteam niya ako, sila Angelica Panganiban, dati-dati kuya-kuya ko lang siya.

"So, pag may iaano ako tungkol sa career or business, naging ano niya ako, Best Bea, tapos siya Best D ko."

Pero kung meron daw siyang isang pinakahinahangaan sa aktor, iyon daw ay ang pagiging dedicated nito sa kanyang trabaho.

"Ano siye, e, yung meron siyang gusto, talagang ide-dedicate niya yung sarili niya para makuha niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba yung dedikasyon niya, sobrang nakakabilib!

"Lahat ng details, lahat ng malilliit na bagay, sa kontrata ang galing, talagang pinapaliwanag niya sa akin yun."

Hindi pa raw kasi ganun kaalam si Bea pagdating sa mga kontrata, at maging sa maghahawak ng pera. Kaya naman malaking tulong daw ang mga advice ng kanyang "best D."

"Kasi ako, siguro kasi nasanay ako na may ibang tao na nag-aayos nun para sa akin—yung Star Magic, yung nanay ko, yung parang hindi ako ganun karesponsable.

"Aaminin ko, hindi ako ganun karesponsable pagdating sa pera, hindi talaga.

"Tatanungin mo ako, magkano laman ng wallet ko, hindi ko alam, o ng ATM ko.

"Siya, ang galing niya kasi alam niya lahat!

"Minsan iniisip ko, magtu-twenty-four na ako. Tapos five years from now, twenty-nine na ako, siyempre iba na yung priorities ko.

"Siyempre, kailangan maging mas masinop na ako ngayon, di ko alam if nandito pa din ako by then."

Kaya naman sa ngayon, "inspiration" daw ang role ni Diether sa kanyang buhay.

"So, ngayon nai-inspire ako ni Diet.

"Siya yung nagtuturo sa akin na mag-business na, mag-isip na ang mga liabilities tanggalin muna sa utak, dapat yung mga assets na ang iano mo, invest mo.

"Ang galing, kasi yun yung role niya sa buhay ko ngayon. Nakakatuwa na parang pinag-meet kami ni Lord sa tamang pagkakataon."

ON JOHN LLOYD. Matagal na rin nnag huling magkatrabaho si Bea at ang kanyang original na ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.

Huling nagkatambal sina Bea at John Lloyd sa telebisyon noong 2008 sa primetime show na I Love Betty La Fea. Noong nakaraang taon, 2010, naman ay napanood sila sa pelikulang Miss You Like Crazy.

Kaya naman inaabangan ng mga fans nila kung kailan sila pagtatambalin muli.

Kailan nga ba ang next project nila ni John Lloyd?

"2012 pa alam ko, e," masayang sagot ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit bigla siyang natuwa nang tanungin tungkol kay John Lloyd?

"Nakakatuwa na may nagsasabi pa din ng ganyan, na naa-acknowledge pa din na kami ang magka-loveteam," paliwanag niya.

"Pero si John Lloyd naman, kahit kanino mo itambal ngayon, nagwo-work, e.

"Natutuwa ako para sa kanya, na naabot niya yung estado na yun, at natutuwa ako na kasama ako sa journey niya.

"Sana ako din, may makatambal ako na magwo-work."

Bati naman ng press, maganda naman daw ang kinalabasan ng loveteam nila ni Robin.

Pero giit ni Bea, "Feeling ko, kung hindi rin narating ng loveteam namin [ni John Lloyd] kung ano yung narating nun, hindi kami magiging ganito sa individual careers namin.

"Parang ang laki-laking tulong niya kung nasaan man ako ngayon.

"Si John Lloyd, inakay niya ako dun kung nasaan man ako ngayon."

Kahit pa nagkatrabaho sila last year, inaamin ni Bea na miss na niya makatambal si John Lloyd, o "Popoy" na karakter ng aktor sa pelikula nila na One More Chance.

"Oo, nami-miss ko siyang katrabaho kasi sobrang galing niya, e," nangingiting sabi ni Bea.

"Although ngayon, bago ko siya makatrabaho, gusto ko magbabaon muna ako ng natutunan ko kay Robin, kay Bossing [Vic Sotto]. Para pag nakatrabaho ko na siya, meron akong bago.

"Kasi, alam ko marami siyang bago. May mga pasabog siya pag nagtrabaho kaming dalawa.

"E, nakakahiya naman pag wala akong pasabog, kailangan nagle-level up!"

Kuwento pa niya, idolo raw nila ni John Lloyd ang loveteam nina Star for All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon.

"Sila yung idol namin pagdating sa ganun," pag-amin ni Bea.

"Parang si Ate Vi tsaka si Tito Boyet, ganun din sila, kahit saan mo sila itambal, magwo-work naman.

"Pero pag magwo-work sila together, iba pa rin, iba yung chemistry nilang dalawa."

Pero pahaging ni Bea, "Alam ko may existing na material sa amin, pero hindi ko alam kung tutuloy yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malamang daw out of the country, yun ang sabi nila sa amin noon, after ng Miss You Like Crazy.

"Pero hindi ko alam kung 'yon pa din, ang alam ko noon, yun yung existing.

"Mas mature na [roles], mas higit sa One More Chance."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN