Lauren Young admits crush on John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Si John Lloyd till the end. Sana magkatrabaho kami ulit after One More Chance. And siguro naman, posible siya kasi lahat naman ng artista, nakakatrabaho namin ang isa't isa. Guwapo siya, 'saka crush ko siya," says Lauren Young about John Lloyd Cruz.


Her role as Via Pereira in the remake of Mula sa Puso can be considered Lauren Young's biggest break so far.

Naging isa sa pinakamatagumpay na serye ng ABS-CBN ang orihinal na Mula sa Puso. Ito rin ang masasabing nagsilbing tulay para mas makilala nang husto si Claudine Barretto na unang gumanap as Via.

Inakala ng iba na dahil si Lauren ang napiling gumanap sa role na ginampanan ni Claudine before ay ang young actress na ang maaaring sumunod sa kanyang yapak.

Pero ang ikinukumpara at sinasabing mas kinakikitaan daw ng potensiyal at kaparehong career path na tinahak ni Claudine ay ang isa pang young actress na si Julia Montes.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lauren sa taping ng Mula sa Puso para sa finale nito na kinunan sa Taytay, Rizal, hiningan namin siya ng reaksyon sa obserbasyon na ito.

"Ako naman kasi, I want to make a name for myself. Ayokong maging ganito, o maging si ganyan.

"It's good na nakita na maaaring ako ang sumunod sa yapak ni Claudine dahil ako ang nag-reprise ng role niya for Mula sa Puso.

"Pero, gusto ko rin naman makabuo ng sarili kong identity in this business.

"Si Julia, napakagaling niya. Hangang-hanga ako sa batang 'yan.

"Pero, ayokong ma-compare kahit na kanino. I just wanna do my job," sabi niya.

THE END. Tonight (August 12) is the final episode of Mula sa Puso, ano ang feeling niya na tapos na ang pinagbidahang serye?

"Malungkot, kasi ito yung kauna-unahang show na ginawa ko [na ako ang bida].

"May nabuo nang bonding yung cast. Parang isang pamilya na kami.

"To think, hindi ko na sila makikita, e, almost every MWF ang taping namin.

"Hopefully, makatrabaho ko sila uli, lalo na si Direk Wenn [Deramas] and Ms. Eula [Valdes]. Kasi ang galing-galing nila. Ang dami kong natutuhan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Laging sinasabi sa akin ni Direk Wenn to keep my feet on the ground. Just stay humble, nice, and work harder.

"I'm happy na siya ang direktor ko, kasi I owe it to him kung ano ang narating ko ngayon sa showbiz.

"Sa kanya natuto akong umiyak at mag-memorize on the spot," sabi ni Lauren.

JUST FRIENDS. Kapareha ni Lauren sina Enrique Gil at JM de Guzman sa Mula sa Puso, pero nilinaw ng dalaga na purely friendship and work lang daw ang namagitan sa kanila ng kanyang leading men.

"I'm very close to Enrique Gil and JM. Mababait silang tao," sabi niya.

"They don't take advantage of the fact na loveteam kami. That they're gonna pursue it [more than the team-up].

"They're very professional and we're in this for work naman. Walang na-develop.

"Si Enrique parang naging best friend ko na and si JM... and I'd like to keep it that way."

CRUSH ON JLC. Given the chance, sino ba sa mga aktor ngayon ang dream niyang makapareha?

"Si John Lloyd [Cruz] till the end. Sana magkatrabaho kami ulit after One More Chance.

"And siguro naman, posible siya kasi lahat naman ng artista, nakakatrabaho namin ang isa't isa.

"Guwapo siya, 'saka crush ko siya," kinikilig niyang sabi.

After Mula sa Puso, ano ang susunod na project ni Lauren?

"As of now, wala pa. Pero okay lang kasi patapos pa lang ang Mula Sa Puso.

"Hindi naman ako nag-e-expect na sunud-sunod ang pasok ng projects.

"It would be nice kung mayroon na. Pero, okay lang din kung wala pa para at least pahinga kahit papaano.

"'Saka if I'm not working, may school naman ako. I'm studying in Angelicum, fourth year high school.

"I'm getting ready for college. I'm gonna take the ACET [Ateneo College Entrance Test]," sabi ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN