Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz enroll in cooking classes

IMAGE 0


Precious Lara Quigaman (picture above) and Marco Alcaraz plan to marry next year, yet remain clueless about cooking. "Hindi ako marunong magluto, as in wala, wala akong alam," says the former beauty queen. Isa si Lara sa 12 celebrities, including her boyfriend Marco, sa mga nag-enroll ng Culinary Arts sa Cuisinier Brasserie Studio sa Timog last Monday.


"Hindi ako marunong magluto, as in wala, wala akong alam," ang natatawang bungad na sinabi ni Precious Lara Quigaman ng tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) about her cooking skills.

Isa kasi si Lara sa 12 celebrities, (including her boyfriend Marco Alcaraz) sa nag-enroll ng Culinary Arts sa Cuisinier Brasserie Studio sa Timog last Monday.

Si Marco rin, walang kaalam-alam sa pagluluto.

"Oo nga kaya magandang start na kahit papaano, may basic kaming malalaman, di ba?

"Mga prito kaya ko naman yun, kaya ko namang magsaing."

May balak pa naman silang magpakasal ni Marco next year.

"Puwede, pero mabubuhay kami sa kain sa labas, sa kasama sa bahay, sa maid," ang muling natatawang pahayag ni Lara.

Anong pagkain ang gusto niyang matutunang lutuin?

"Ah, lahat! Pero ang sabi naman ni chef —yung magtuturo sa amin— once alam mo na yung basic, yung foundation, kahit anong gusto mong recipe, kaya mo nang gawin.

"Ako gusto ko talaga [matutunan] yung mga Thai dishes, mga Indian [food], sobrang favorite ko talaga yun, e. Gusto kong matutunang magluto ng mga curry, mga ganyan."

Gusto rin daw niyang pag-aralang magluto ng Filipino food.

"Filipino food kasi parang mas madali yun, di ba? Sa kasama ko sa bahay puwede akong magpaturo, ganyan, mga sinigang, tinola, adobo."

Ang goal ba niya ay para matuto for her personal use or para magnegosyo?

"Pareho, pareho, gusto kong matututo kasi nga para mapaghandaan ko, para kahit papaano pag may gustong kainin yung isa [Marco], alam ko kung paano ipe-prepare. At the same time, plano nga namin na magtayo ng restaurant next year.

"Kaya yung ka-partner namin natuwa siya na mag-aaral kami, kahit papaano may background."

WEDDING PLANS. Speaking of kasal, mauuna munang ikakasal (this year) ang younger sister ni Lara na sa London naka-base.

"Nauna kasi siyang magpaalam, e. Actually sa akin muna siya nagpaalam bago sa mama ko. Sabi niya 'Ate, okay lang ba, magpapakasal na kami?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Sige bahala ka, bahala ka sa buhay mo, ikaw naman yan'," ang natatawang kuwento ni Lara.

"Tsaka sobrang kilala na naman namin yung boyfriend niya so okay lang, at nasa tamang edad na rin naman sila."

So hindi iyon ang rason kaya next year pa nila plano ni Marco magpakasal.

"Ah hindi! Parang halos nagkasabay kami ng desisyon pero nauna siyang magpaalam, so pinagbigyan namin. And at the same time, may mga iba pa naman kaming dapat gawin bago yung kasal."

Ang manager ni Lara ay si Rowell Octavio, na tinutulungan rin ni Noel Ferrer, na manager naman ni Marco.

Hindi exclusive contract artist ng ABS-CBN si Lara.

"Hindi... per show."

So may chance siya na lumabas sa GMA.

"Oo naman."

Nagtrabaho na si Lara dati sa GMA bago naging regular sa Kapamilya network.

"Nung kakapanalo ko pa lang sa Binibining Pilipinas, mostly guesting lang, walang regular [show]. Sa Beauty Queen [dating soap opera ng Siyete], nag-guest ako."

Hindi ba siya kinukumbinsi ni Marco na lumipat sa GMA? Si Marco ay isang Kapuso star at napapanood ngayon sa Sisid kasama nina Jackie Rice, Dominic Roco, at JC Tiuseco sa GMA-7.

"Hindi naman."

Hindi rin daw niya pinapalipat si Marco sa ABS.

"Hindi naman. Kung saan kami may work talaga, kung saan may projects na ibinibigay sa amin. And at least nasa GMA siya, nasa ABS ako.

"Pero gusto rin namin na magkasama sa work someday, ma-try lang, never pa kami nakapag-work together sa TV.

"Gusto naming mag-try."

Naitanong rin ng PEP kay Lara ang isang trait ni Marco na na-discover niya na nagulat siya, at lalo niya itong minahal.

"Ako kasi mahilig akong mang-away. Minsan kahit walang dahilan. Na akala ko pag inaway ko siya, mag-aaway kami talaga. Pero hindi.

"Kapag inaaway ko siya, sobrang pasensiyoso siya, hindi niya ako pinapatulan. Kahit ako ang may kasalanan, kahit hindi ako ang may kasalanan, inaamo niya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto daw niya minsan i-provoke si Marco na awayin siya, pero hindi ito ma-provoke.

"Oo, kaya lalo akong naiinis, at hindi siya naiinis! Never niya akong pinatulan," ang natatawa pang kuwento ni Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN