Aiko Melendez and Mayor Patrick Meneses meet in court after their breakup

IMAGE 0


Actress Aiko Melendez and Mayor Patrick Meneses faced each other in court yesterday for the hearing of the Temporary Protection Order case she filed against her ex-boyfriend.


Pagkatapos ng masalimuot na breakup nina Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at Aiko Melendez, nagkita na rin sila sa korte kahapon, June 15, sa sala ni Judge Jose Bautista sa Branch 107 ng Quezon City Regional Trial Court.

Nagkaroon ng hearing sa kasong Temporary Protection Order na isinampa ni Aiko laban kay Mayor Meneses.

Naunang dumating ang alkalde ng Bulacan, Bulacan kasama ang kanyang ina, si Mrs. Precy Meneses, at ang abugadong si Atty. Lorna Kapunan.

Ilang sandali lang, dumating na rin si Aiko kasama ang kanyang abugadong si Atty. Cesar Baluyot.

Mahigpit na ipinagbawal ang media na mag-cover sa loob kaya naghintay na lang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa labas hanggang natapos ang hearing.

Inabot ng halos dalawang oras ang pagdinig.

Naunang lumabas si Aiko, pero mabilis siyang umalis at kaagad na sumakay sa kanyang sasakyan.

Hindi raw sila puwedeng magsalita, lalo na't may kaugnayan sa kaso dahil sa gag order mula sa korte.

Tinanong namin si Aiko kung ano ang naramdaman niya sa pagkikita nila muli ng dating kasintahan, pero ngumiti lang ang aktres.

Nakiusap ang abugado niyang huwag muna silang kapanayamin dahil "strictly observed" daw ang gag order sa kanila.

Ganun din si Mayor Meneses at ang mga abugado nito dahil kailangan daw nilang sundin ang mahigpit na biling huwag magsalita lalo na't kung may kinalaman sa kaso.

THE MEETING. Ayon kay Mayor Meneses, wala naman daw siyang naramdaman nang makita niya uli si Aiko.

Magkalayo raw naman sila ng upuan kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong magkabati.

Ayon kay Atty. Kapunan, na-postpone na naman ang hearing sa pangalawang pagkakataon.

Ang hangad lang daw ni Mayor Meneses ay matapos na ito at mabigyan lang siya ng hustisya.

"Pasensiya na, hindi talaga ako puwedeng magsalita pa. Pagkatapos nito, magpapa-interview ako sa inyo. Kahit magpa-presscon pa ako," pakiusap ni Mayor Meneses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maingat naman ang ina ni Mayor Meneses sa pagsagot sa ilang katanungan ng PEP.

"Siyempre, full support lang ako sa anak ko. Basta dito lang ako sa anak ko. Nandiyan ako any time for him.

"Ang ipinaglalaban lang naman namin dito ay lumabas lang ang katotohanan," sabi ni Mrs. Precy Meneses.

Wala naman daw siyang naramdamang galit kay Aiko nang makita niya ang dating kasintahan ng anak.

"Okay lang, kasi naging part of the family naman siya sa amin, e," sambit nito.

Tinanong ng PEP kung nagbatian ba sila ni Aiko nang magkita sila sa loob ng korte.

"Babatiin ko sana, hindi naman siya tumitingin sa akin," napapangiting sagot ng ina ni Mayor Meneses.

TPO. Hindi lang nakuha ng PEP ang buong detalye ng kasong isinampa ni Aiko laban kay Mayor Meneses dahil confidential daw dapat ito.

Napag-alamang pumunta rin sa korte si Aiko noong nakaraang linggo, dala ang anak niya kay Jomari Yllana na si Andrei, dahil isa raw ito sa apektado sa kasong isinampa sa kanya ni Mayor Meneses.

Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit nag-file ng Temporary Protection Order si Aiko.

Samantala, nag-file naman ng affidavit si Mayor Meneses sa Malolos Regional Trial Court noong nakaraang Lunes, June 13, bilang sagot sa counter-affidavit na isinumite ni Aiko kaugnay sa kasong libel na isinampa laban sa kanya.

Parehong tikom ang bibig ng dalawang kampo sa isyung may posibilidad na magkaayos sila out of court.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN