Kris Bernal stars in a dancerye but admits, "Hindi ko forte ang dancing."

IMAGE 0


"Ang gusto ko i-achieve sa show na 'to is dancer na talaga ako. Yun ang gusto ko, yung kahit saan puwede na ako isalang. Tapos, makikilala ako ng mga tao na magaling sumayaw, yun ang gusto ko i-achieve sa show na 'to," says Kris Bernal about her upcoming dancerye on GMA-7.


Matapos ang huli niyang primetime show na Machete (2011), at ang kanyang afternoon show na Koreana (2010), naghahanda na ngayon si Kris Bernal sa susunod niyang project sa GMA-7, ang The Time of My Life.

Ang The Time of My Life ay isang danceserye kung saan makakatambal niya ang "Bad Boy" ng dance floor na si Mark Herras, at ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris kagabi, June 15, sa product launching ng HTC sa Republiq Club, sa Resorts World Manila, Pasay City.

Ayon kay Kris, ngayong araw, June 16, ang schedule ng kanyang first taping.

ON MARK HERRAS. Ito ang unang beses na magkakatambal sina Kris at Mark, na parehong winners sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck. Pero madalas naman silang nagkakasama sa production numbers sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Sabi ni Kris, challenging ang bagong project na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

"Dito kasi sa danceserye, ang hirap talaga sumayaw," pag-amin niya.

"Kasi aaminin ko naman, I'm not good as Mark Herras, di ba?"

Pero kahit totoong dancer and kanyang leading man, wala naman daw pangamba si Kris.

"Very cooperative siya [Mark]," sambit niya.

"Talagang, like ngayon, sinisimulan kasing i-build up yung love team namin, e.

"So, talagang kina-career namin yung trabaho namin."

ON LOSING WEIGHT. Kitang-kita na seryoso si Kris sa paghahanda para sa bagong project niya.

Isa sa mga paghahandang ginagawa niya ay ang pagpapapayat. (CLICK HERE for related article.)

Pero kahit iba-iba ang natatanggap na komento ni Kris tungkol sa pagpapayat niya, kumportable naman daw siya sa katawan niya ngayon.

"Ang laki ng pinayat ko, di ba? Kasi talagang requirement dun [sa danceserye].

"Comfortable naman ako. Pero sometimes, I find myself too skinny.

"Kaya ngayon, medyo nagpapalaman na talaga ako," saad ng young actress.

Ang ideya ng pagpapataba ng kaunti ay dahil daw sa concern ng iba sa kanya. Ayaw naman daw isantabi ni Kris ang mga opinyong ito ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ngayon nagge-gain na talaga ako ng weight," sabi niya.

"Kasi, may iba talaga na they find it not good to me. Parang I look like anorexic [daw], or parang ganun."

ON DANCING. Bukod sa pagpapapayat, nag-take din daw ng dance workshop si Kris.

Aminado kasi siya na hindi talaga siya marunong sumayaw.

"Hindi, hindi talaga!" natatawang sabi niya.

"Actually, masasabi ko nga na hindi ko talaga forte ito, e.

"Kung may forte man ako sa showbiz, siguro acting yun.

"Hindi ko forte ang dancing."

Ganun pa man, hindi daw ito problema sa kanya.

Malaki pa rin daw ang pasasalamat niya sa Kapuso network dahil patuloy ang tiwala ng management sa kanya.

Pero ngayong bago para sa kanya ang role na ito, may naka-set daw na goal si Kris.

"Ang gusto ko i-achieve after ng show na 'to is dancer na talaga ako!" sambit niya.

"Yun ang gusto ko, yung kahit saan puwede na ako isalang.

"Tapos, makikilala ako ng mga tao na magaling sumayaw.

"Yun ang gusto ko i-achieve sa show na 'to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN