Lian Paz makes crossover from showbiz to corporate world

IMAGE 0


"She's an incredible lady. She's a young mother of two and I find it hard to find time and have energy to do at her young age. And she's incredibly an example to people out there who are young and have dreams and to look forward in life and have given up already. She's a great visionary, brilliant young lady with a lot of goals and inspiration. She's gonna influence and inspire a lot of people and I think she has a passion to do that," ang paglalarawan kay Lian


Ilang buwan na ang nakalipas simula nung banggitin ni Paolo Contis na may pinagkaka-abalahang bagong negosyo ang ina ng kanyang dalawang anak na si Lian Paz.

Pero nito lamang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating EB Babes dancer tungkol sa kanyang bagong baby: ang Market Philippines, na siyang nagdi-distribute ng Motives Cosmetics, na matagal na sa Amerika at ginagamit ng ilang Hollywood celebrities gaya nina Jennifer Lopez, Kim Kardashian at iba pa.

Mayo lang niya ito simulan. At bagamat mas busy siya sa ngayon, blooming si Lian and looking confident sa kanyang mga ginagawa.

Kuwento niya, "It's a blessing in disguise. Like, I was doing nothing, I'm a housewife. I missed my passion in dancing pero parang nandoon yung gusto ko, maiba naman sa mundo ng showbiz for a while.

"'Tapos, nakita ko itong business na ito. Ini-introduce siya sa akin ni Kuya Nestor, Nestor Reyes, the husband of Ms. Winnie Reyes, the executive producer of GMA.

"And then, he goes like, I have this friend na willing to have a franchise business na Motives Cosmetics. So, I got interested right away, kasi, it's cosmetic, maarte ang lola.

"So, sabi ko, sige, go ako diyan kahit hindi ko naiindintihan ang business na sinasabi mo. Tapos yun nga, nag-sign up ako for a franchise at mas nauna pa akong nag-sign up kay Kuya Nestor."

Sa pagbabagong ito nakita ni Lian ang kaibahan ng ng corporate world sa showbiz.

Aniya, "Not for anything, it changed my life. I'm not that stressed anymore. Everything is so light and maybe because I just love what I'm doing at naiisip ko yung mga anak ko.

"If they grow up, I want to be beside them all the time. I want a business or a life na magbibigay sa akin na two to three years, puwede akong mag-retire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sabi ko, seseryosohin ko ang business na ito. At yun nga, I earned my commission check already from Market America and then, my retail sales are good. To think na hindi ako good sa sales..."

Coordinator na ang position ni Lian sa Market Philippines. Nang makausap nga siya ng PEP, natapat sa kanilang recognition day, kung saan, isa si Lian sa nabigyan ng award sa Keith Doyle Challenge at nagbigay rin siya ng short speech.

Diretsahan naman naming tinanong si Lian kung networking ba ang nature ng bago niyang business. Pero nakangiti itong tumanggi.

Paliwanag niya, "Hindi, hindi talaga ganoon. Kasi, I only need two business partners na katulad ko na masipag and there, I can build my own MA company.

"Kasi, ang ginagawa ng networking, recruit nang recruit at doon ka kumikita ng checks mo. This company has all the products we need for our daily life. Parang department store that you have to franchise plus you have a web portal which they can visit. So, an internet-franchise company. So, you can shop online."

Na-realize ni Lian na marami pa pala siyang puwedeng gawin.

"Yes, sabi ko nga, this is the new me. There's more that I can do. Na if you're going to look at it lang na kapag may binigay sa 'yo si God, hey, may blessing in disguise ka, you just don't know when it will come to you and change your life."

TIME FOR THE FAMILY. As a mother to Xonia (two years old) and Xalene (turning one), hindi ba nagkukulang ang time niya sa mga anak dahil sa kanyang busines?

Sagot niya, "'Yun ang maganda sa business na 'to, I mean, not for anything, aminin natin, sa showbiz, you work how many hours kapag may taping.

"Before, noong EB Babes ako, we have shows, rehearsals and everything, pagod na pagod pa ko, sobra. Ngayon, hawak ko ang time ko at the same time, nakakagawa ako ng sariling schedules ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat din daw si Paolo sa transformation niya.

"Hindi niya akalain na, wow, very corporate ka na ngayon. Sabi ko nga sa kanya, ayaw naman niyang mag-full time ako sa showbiz. Gusto niya, kapag nag-showbiz ako ulit, parang part-time lang. Konti-konting taping. Kaya ngayon, sabi niya, 'Okay 'yan, okay ang ginagawa mo na 'yan. Magkaiba tayo ng linya pero malay mo, mas malaki ang kitain mo, magre-retire na 'ko,'" natatawang kuwento pa niya.

Pero wala na nga ba siyang planong bumalik sa showbiz?

Ayon kay Lian, "Meron pa rin naman. I mean, lalo ngayon, sa saya ko na 'to, kahit anong pagawa niyo sa aking acting, gagawin ko talaga. I'm really inspired and I'm so happy that I'm doing this business."

What about EB Babes?

Natatawang sagot nito, "Pang-dalaga na lang daw yun, e, sabi ni Tita Malou [Choa-Fagar]. Which is, oo naman, 'di ba?

"Sabi nga niya, 'Matured ka na, iba na lang sa 'yo.' Sabi ko, 'Tama yun Tita.'

"Yung dancing siguro, okay lang 'yun. I mean, dancing naman talaga ang passion ko. And acting, I am willing to do that. Actually, dapat meron akong taping ngayon kaso, natapat sa recognition ngayon. Pero if ever, wala namang problema."

Kumusta na sila ni Paolo?

Sabi niya, "Okay naman. Yung mga bata, ang sarap-sarap nilang tingnan everyday. Ngayon, medyo busy kami pareho ni Pao pero sabi ko nga, in time, kapag kailangan na nila ng guidance, kapag nakakaintindi na sila, I know, I will be there. Kaya sineseryoso ko talaga 'to."

May mga nabago ba sa kanila ngayon na dalawa na ang babies nila?


"Ngayong dalawa na ang anak namin, nakita ko sa amin na Mama at Papa na talaga kami. Dati kami noong kay Xonia pa lang, parang surreal pa rin ang pakiramdam. Parang may anak na ba ko talaga? Parang hindi pa talaga siya ganoong nagsi-sink-in. Not for anything, pareho pa kaming bagets, nasa showbiz and then, biglang pak, iba ang buhay mo, 360 degrees change. So yun, ngayon naano ko na kapag umuuwi kami sa bahay ng pagod, at the end of the day, para sa anak natin 'to. Para sa future natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila naman daw ni Paolo, they still make sure na may time pa rin sila para sa isa't-isa.

"Kahit nagiging busy kami. We find time for each other pa rin. May mga pagsubok na dumaraan pero, okay naman, nalalagpasan naman," nakangiti niyang sabi.

One year na lang pala, graduate na sana si Lian ng Communication Arts sa Miriam College bago siya pumasok sa EB Babes.

Pero ngayon, given the time, gusto raw niyang tapusin ang pag-aaral lalo pa't 23 years old pa lang din siya.

Aware si Lian na hindi maiiwasang may magmamaliit sa kanya bilang dancer lang daw siya.

Pero ang komento niya, "I've been hearing many things na sobrang discrimination talaga. Ang showbiz, hindi talaga maiiwasan na pintasan ka nang pintasan.

"But hey, hindi ako titigil. We cannot please everybody. But at least, sa sarili ko, napatunayan ko na may part pa rin pala ng buhay ko na kaya kong gawin.

"Lesson learned na puwede ko rin i-share sa iba if they want to have something in life pa and they have dreams pa...Na huwag silang mawalan ng hope na meron para sa kanila..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN