Toni Gonzaga's former leading men show support for her 10th anniversary concert at the Big Dome

IMAGE 0


Piolo Pascual (upper left frame) graced the 10th anniversary concert of Toni Gonzaga last September 30, 2011. John Lloyd Cruz (bottom frame) also took the time to perform with the TV host-actress. Vice Ganda (wearing red) did a strip tease for Paul Soriano, Toni's boyfriend.


Pinatunayan ni Toni Gonzaga ang title niyang "Multimedia Star" dahil napuno niya ang Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Biyernes, September 30, 2011. Ang concert na tinaguriang Toni@10 ay ang kanyang pagdiriwang ng kanyang 10 years sa showbiz.

Masasabing very successful ang kanyang concert dahil star-studded ang concert sa dami ng mga artistang kaibigan ni Toni na nanood para suportahan ang TV host-actress.

Maging si Mariel Rodriguez ay humabol para manood ng concert ni Toni, sa kabila ng nababalitang may alitan sila ni Toni. Suportado rin ng mga ABS-CBN executives si Toni dahil nanood sina Ms. Linggit Tan, Ms. Cory Vidanes, Ms. Malou Santos at Ms. Charo Santos-Concio na nakikitawa sa kakaibang performances nina Vice Ganda at Pokwang.

Naging bahagi ng concert ang mga taong naging bahagi ng kanyang career sa showbiz tulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Bhong Navarro, Pokwang, Vice Ganda, Gary V at ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Isa sa mga highlight at tinilian ng mga tao sa concert ay ang striptease dance ni Vice Ganda kay Direk Paul Soriano bilang stag party daw nila bago sila ikasal ni Toni Gonzaga. Gulat na gulat at hiyang-hiya si Direk Paul sa mga sexy dance sa kanya ni Vice Ganda suot ang red tangga dress.

Matapos ang concert ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam si Toni kung anong pakiramdam niya na very successful ang kanyang concert. Narito ang ilan niyang pahayag:

Saang part ng concert ka na-sorpresa?

"Lahat, halos lahat ng mga guest ko bigatin, kasi naging bahagi sila ng ika sampung taon ko sa industriya kaya nagpapasalamat akong lahat sa kanila.

Alam mo ba na papaakyatin sa stage si Direk Paul upang sayawan ni Vice?

"Hindi, kaya nga lumabas ako, sabi ko ano nang nangyari."

Natakot ka ba dun?

"Oo! Kaya lumabas ako agad. May mga pasabog na ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta na kayo ni Mariel?

"Nandiyan sya, nanood sya. Of course, I'm very happy, na nakapunta siya at si Binaca Gonzales, at yung ibang Kapamilya na nandito na naka trabaho ko."

Anong masasabi mo ngayong nairaos na at natapos na yung concert mo?

"Syempre, naka hinga na ako nang maluwag, makakatulog na ako nang mahimbing, hindi na ako mapupuyat, makakapahinga na ako."

Wish mo rin ba na matapos na yung issue ninyo ni Mariel?

"Oo, tapusin na natin yun, i-celebrate na lang natin yung aking 10 years sa industriya."

Ano ang pakiramdam mo nung unang labas mo sa stage at nakita mo na punung-puno ang Araneta para mapanuod ang concert mo?

"Siyempre, na overwhelm ako, kasi first time kong na experience ang ganito, punung puno ng gratefulness."

What's next for Toni Gonzaga?

"Matutulog muna ako, siguro yun ang una, para maka recover naman ako sa mga puyat at pagod ko."

After your successful concert dito sa Araneta? Mayroon ka pa bang hihilinging iba after these?

"Siguro, wala na. Sa family ko na lang, maging happy kami palagi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN