Robin Padilla and Mariel Rodriguez reportedly going to the Vatican to plead their church wedding

IMAGE 0


"Gusto rin yun ng mga Muslim. Gusto rin yun ng mga Katoliko na maging halimbawa kami na walang problema, walang isyu ng religion," Robin Padilla says on his planned church wedding to Mariel Rodriguez.


Matapos maudlot ang Catholic wedding na pinapangarap ni Mariel Rodriguez, ibinalita sa The Buzz noong Linggo, June 26, na diumano'y may plano si Robin Padilla na dalhin si Mariel sa Vatican City para ipaglaban o humingi ng pahintulot na maikasal din sila sa isang simbahang Katoliko.

Hindi pinahintulutan ng simbahang Katoliko na ikasal ang dalawa dahil sa pagkakaiba ng kanilang relihiyon. Si Robin ay isang Muslim, samantalang Katoliko naman si Mariel. (CLICK HERE to read related story.)

Balitang sa Vatican na raw mismo isasakatuparan ni Robin ang pangarap ni Mariel na maikasal sa simbahan.

Ayon kay Robin, "Basta, sana lang, makakuha siya ng bakasyon.

"Gusto rin yun ng mga Muslim. Gusto rin yun ng mga Katoliko na maging halimbawa kami na walang problema, walang isyu ng religion."

Ang plano naman daw ni Robin na pagpunta nila sa Vatican ay isang malaking sorpresa para kay Mariel.

Sabi ni Mariel, "Surprise nga raw yun. Tapos, may nagsabi sa akin na taga-E-Live.

"So, sabi ko sa kanya, 'Ah, Babes, you know, someone wanted to interview me today. They asked if we're going to the Vatican.' Gulatan!

"Pero sabi ko, 'Hindi pa ako nag-comment. Sandali ha, hindi pa namin napag-uusapan.'

"Sabi niya, 'Sino may sabi sa 'yo?'"

Dugtong pa ni Mariel, "Nagpapasalamat ako kasi hindi nawawala sa utak niya yung mga napag-usapan namin.

"I'm really happy with my religion."

VISITING ROBIN'S CHILDREN. Habang inaayos daw nila ni Robin ang pagpunta ng Vatican, kumpirmado naman na pupunta muna silang mag-asawa sa Australia para bisitahin ang anak ni Robin na si Ali. Pupunta rin sila sa U.S. para bisitahin din ang anak ni Robin na si Camille.

Si Ali ay ang bunsong anak ni Robin sa dating asawa na si Liezl Sicangco, samantalang si Camille naman ay anak ng action star sa dating aktres na si Leah Orosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mariel, "Si Robin, sobra talaga siyang na-touch. Nami-miss niya ang mga anak niya.

"Si Camille, I remember the first time I met her, we were in Greenhills, ang cute-cute ng reaction niya, 'Oh, my gosh, Tita Mariel!' Ang cute-cute niya talaga!"

PART OF THE FAMILY. Dahil nga sa mga pangyayaring ito, mas lalo pa raw nararamdaman ni Mariel ang pagmamahal at buong-pusong pagtanggap sa kanya ng mga anak ni Robin at iba pa nitong kapamilya.

Aniya, "Love na love ko rin sila, silang lahat love ko.

"Feel ko talaga na I'm also part of the family. I feel so blessed.

"Thank you so much na naging happy na ang mga tao around us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN