Rufa Mae Quinto clueless about Marian Rivera and Heart Evangelista airport incident

IMAGE 0


When asked about the airport incident between Heart Evangelista and Marian Rivera, Rufa Mae Quinto (in photo) said she wasn't there when it happened. "Nag-CR kasi ako paglabas namin ng eroplano. Kaya noong paglabas ko doon sa may carousel, may nangyari na pala na kung ano. Ako pa naman, ang saya-saya ko na naghe-hello ako sa mga tao roon. Yun pala may nangyari na. In short, late ako kaya clueless ako," she says.


Nagagawa nang maging masaya ni Rufa Mae Quinto dahil sa balita niyang naoperahan na ang kanyang Lola Lucing.

Kung matatandaan ay na-diagnose na may colon cancer ang kanyang pinakamamahal na lola at inasikaso lahat ni Rufa Mae ang pagpapagamot at pagpapaopera rito.

Inamin ng sexy actress na masyado siyang naapektuhan nang malaman niyang may karamdaman ang kanyang lola na siyang tinuturing niyang ina noong maliit pa siya.

"Na-bother talaga ako noong malaman ko na may gano'ng siyang sakit kasi si mama (tawag niya sa kanyang Lola Lucing), malakas siya, e. Hindi siya nagku-complain sa anumang bagay o sa nararamdaman niya. Ngayon lang kaya sobra akong nag-worry," pahayag ni Rufa Mae sa presscon ng Temptation Island sa Imperial Palace Suites last June 23.

Mahal na mahal ni Rufa Mae ang kanyang lola kaya ginawa niya ang lahat para maibsan ang anumang sakit na meron ito.

"Alam n'yo naman na basta pamilya ko, sila ang mauuna, 'di ba? Kahit nasaan man ako sa mundo, basta kinailangan ako ng pamilya ko, fly ako agad pauwi.

"Itong ngang kay mama, talagang napauwi ako agad mula sa bakasyon ko sa States. Kasi never ngang nagku-complain ang lola ko. Kaya doon ako medyo na-stress.

"Naintindihan ko naman ang medical findings niya kasi 86 years old na siya at talagang nagiging sakitin na ang tao sa gano'ng edad. Pero iba si mama, eh. Mabilis pa siyang kumilos at marami ang nagsasabi na hindi niya mukha ang edad niya.

"Ngayon after the operation sa kanya, medyo bumuti na ang pakiramdam niya. Nanghihina lang siya pero nakakapag-joke pa rin. Every now and then, I check yung kalagayan niya. Tinatanong ko ang mga kapatid ko kung ano ang ginagawa niya sa bahay. Kung nakakakain na siya o kung nakakainom siya ng gamot niya.

"Nakakahinga na ako nang maluwag kasi medyo okey na ang pakiramdam niya. Lagi ko naman sinasabi kay mama na nandito lang ako anytime na kailangan niya ako. Tsaka think positive lang para gumaan ang pakiramdam niya parati," ang sabi ni P-Chi (nickname ng sexy actress).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya subsob rin sa trabaho si Rufa Mae dahil marami siyang naging gastos. Nagpapasalamat siya at bukod sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films, ay nandiyan pa ang mga TV shows niyang Bubble Gang at Showbiz Central.

NOT LEAVING. Nilinaw niya na hindi siya mawawala sa Showbiz Central at hindi siya pinalitan ni Jennylyn Mercado.

"Hindi naman ako mawawala. Lagi naman kami may guest host kapag may isa kaming host na absent. Si Jen okey naman siya. Marami ang natuwa sa kanya kaya pinababalik siya. I think one month yung naging usapan nila.

"Ako naman kasi, minsan wala ako sa bansa. Natataon na may raket tayo sa ibang bansa kaya nawawala ako sa Showbiz Central. Pero it doesn't mean na tsugi na ako. Mainstay pa rin ako in fairness.

"Tsaka noong last week kasi, shooting naman ng Temptation Island sa Subic. Hindi na kami pinauwi para matapos na ang mga eksena. Kaya inabot ako roon ng Sunday ng gabi. Hindi na ako pinayagang bumalik ng Manila para sa Showbiz Central. Pero sa mga susunod na linggo, mapapanood na nila ako parati."

Pinasok na ni Rufa Mae ang pag-produce ng TV show at ang unang venture niya ay isang prank show titled Prankista na ang host ay si Boy 2 Quizon. Baka raw sa GMA News TV ito ipalabas.

"Tinatapos na naming ang first season. Medyo okey naman ang pagpasok ko sa ganitong pag-produce. Hindi masyadong malaki ang gastos. May mga sponsors naman kaya medyo magaan.

"Unlike sa pelikula, sunud-sunod ang gastos kada shooting. Malaki din ang nauubos mo sa isang shooting day lang kasi ang daming taong babayaran. Sa TV kasi, iilan lang sila kaya okey kaya naman. Babawi na lang tayo kapag umeere na," diin niya.

Ang pagiging producer ang nakikita ni Rufa Mae na next niyang gagawin kung sakaling mapagod na siya sa paglabas sa TV at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang yun na kasi may say ka sa mga nangyayari sa production. Hawak mo ang budget at nako-control mo. Kailangan maging praktikal na tayong lahat. Mahirap ang magpakawala ka lang basta ng pera.

"Ilang business na rin ang pinasok ko at hindi pa naman ako nalulugi. Minsan break-even, minsan okey at kumita ako ng hindi ko ini-expect. Kailangan may alam ka rin sa paghawak ng pera sa panahon ngayon."

CLUELESS. Inusisa si P-Chi tungkol sa naging hidwaan diumano nila Heart Evangelista at Marian Rivera sa set ng Temptation Island. Ang sabi ni P-Chi na hindi raw niya nasaksihan ang naging pagtalak ng ina ni Heart na si Mrs. Cecille Ongpauco kay Marian sa airport dahil huli na raw siyang nakarating sa kuhanan ng mga bagahe.

"Nag-CR kasi ako paglabas namin ng eroplano. Kaya noong paglabas ko doon sa may carousel, may nangyari na pala na kung ano. Ako pa naman, ang saya-saya ko na naghe-hello ako sa mga tao roon. Yun pala may nangyari na. In short, late ako kaya clueless ako," pahayag niya.

Nakausap pa raw ni P-Chi ang ina ni Heart at nagpalitan pa raw sila ng cell numbers. May ipapadala raw kasing regalo sa kanya ang ina ni Heart dahil hindi ito nakarating noong birthday party niya.

"Nagkuwentuhan pa kami ni mommy sa airport. Wala naman siyang nabanggit sa akin na may nangyari sa kanila between ni Marian. As in, casual pa ang kuwentuhan namin. Yun pala may nangyari na. Nakakagulat lang kasi okey naman kaming lahat sa shooting. Hindi ko alam na may problema pala sa dalawa.

"Wala naman akong kakampihan sa dalawa dahil they are both my friends. Sana maging okey na para maganda ang vibes ng pelikula namin."

Tinanong din si P-Chi kung nakita ba niya ang diumanong 15 bodyguards ng mommy ni Heart sa airport. Ang sabi ni P-Chi ay wala naman daw siyang nakitang mga bodyguards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nandoon ay mga airport security. May lima akong nakita pero yung iba gusto lang magpa-picture sa amin," tawa pa niya.

"Hindi ko naman napansin kung military ba sila or mga sundalo sila, basta nagpapa-picture sila sa amin. Maraming tao, e kaya siguro inakala nila na kasama yung iba ng mommy ni Heart.

"Basta ako, pa-picture lang sa kanila. Hindi ko alam na may issue pala doon sa mga security. Late kasi ako, 'di ba?" natatawang pagtatapos pa ni Rufa Mae Quinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN