Nadine Samonte leaves GMA-7, moves to TV5 "for growth"

IMAGE 0


"Kasi, for me naman, kung hindi rin naman dahil sa GMA, hindi rin naman ako magiging ganito, di ba, Nadine Samonte? So, thankful ako. Sobrang thankful ako na nangyari yun," says Nadine Samonte about her former network.


Pormal nang ipinakilala si Nadine Samonte bilang pinakabagong talent ng TV5 sa Paparazzi noong Linggo, June 26.

Si Nadine ay produkto ng kauna-unahang batch ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Pero pagkatapos ng pitong taong pagtatrabaho sa Kapuso network ay nagdesisyon ang young actress na subukan naman ang kanyang kapalaran sa Kapatid network.

Ang huling ginawang proyekto ni Nadine sa GMA-7 ay ang afternoon soap na My Lover, My Wife, na tumakbo mula February hanggang May ngayong taon.

Halatang kinakabahan pa si Nadine sa live interview niya sa talk show ng TV5.

Nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), after her live interview, kung bakit siya nagdesisyon na lumipat, "for growth" ang isinagot niya sa amin.

"Siyempre, di ba nga, new ang network, gusto kong mag-grow together with them.

"Gusto kong i-share naman kahit konting talent ko.

"At least, at the same time, maggo-grow rin ako.

"Sa seven years ko rin sa GMA, gusto ko rin ma-reinvent ang sarili ko," saad ng 23-year-old actress.

Matagal din ba ang proseso ng paglipat niya ng network o biglaan lang?

"Actually, hindi ko siya masasabing matagal na proseso at biglaan din.

"Maganda yung opportunity na naibigay sa akin, at the same time, parang maraming actors and actresses na rin sa kabila [GMA-7].

"So, parang why not, why not give it a chance?" paliwanag ni Nadine.

LEAVING GMA-7. Hindi naman lingid sa karamihan na sa past interviews ni Nadine ay naging open siya na may mga hinahanap siya na mangyari o maibigay sa kanya ang dating network.

May kinalaman ba ito sa desisyon niyang lumipat, kahit na naging successful naman sa ratings ang My Lover, My Wife?

"Hindi naman," sambit ni Nadine.

"Kasi, for me naman, kung hindi rin naman dahil sa GMA, hindi rin naman ako magiging ganito, di ba, Nadine Samonte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, thankful ako. Sobrang thankful ako na nangyari yun.

"Binigay nila ang para sa akin, mga roles.

"Siguro, parang wala na yung mga hinanakit na yun, e. Parang nawala na lang bigla.

"Siguro artista rin ako, meron din kahit papaano, pero parang hindi na siya naging big deal.

"Naglaho na lang siya at tiningnan ko na lang sa ibang side na mas may magandang opportunity."

Kumusta naman ang naging pagpapaalam niya sa GMA-7?

"Okay naman," sagot niya.

"Nagpaalam naman ako nang maayos. Nagpadala ako ng letter kay FLG [Atty. Felipe Gozon], kay Mr. [Jimmy] Duavit, at saka sa Artist Center.

"Okay naman po."

Wala bang naging counter-offer sa kanya ang GMA-7?

Ayon kay Nadine, "Actually, nag-counter-offer naman po sila."

Dugtong pa niya, "It's not naman po the money, e.

"Kasi kung yung iba lumilipat because of the money, yung iba, ewan ko sa kanila.

"For me, parang it's a different experience, different environment para different me naman.

"Kasi, parang naging ganoon na ako several years ago, parang yun na lang."

May mami-miss ba siya sa pinanggalingang network?

"Opo naman. Yung mga taong nakatrabaho ko, mami-miss ko rin sila," sagot niya.

"Parang I want to see something naman na puwede pala akong maging ganito."

Ilan pa sa mga nilabasang programa ni Nadine noon sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Bantatay, Endless Love, Tinik Sa Dibdib, Darna, Suspetsa, Gagambino, Ako Si Kim Samsoon, Maging Akin Ka Lamang, Marimar, Kung Mahwi Man Ang Ulap, Super Twins, at Bakekang.

THE SISTERS. Ang unang dramaserye na gagawin ni Nadine sa TV5 ay The Sisters kunsaan kambal ang character na ipo-portray niya.

Ang The Sisters ang papalit sa Babaeng Hampaslupa.

Na-meet na raw ni Nadine ang cast at production.

"Na-meet ko na silang lahat, okay lang, light-light lang.

"Hindi pa kami nag-i-start mag-taping, baka this week po," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging leading men ni Nadine sa The Sisters ang nagbabalik-showbiz na si Leandro Muñoz at ang model-turned-actor na si Victor Silayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN