Edu Manzano on Luis's lovelife: "I trust my son to make the right decisions."

IMAGE 0


"You know, I would think it's important na palakihin mo sila nang maayos, then they'll be able to make the right decisions. At kung sakaling matapilok, kailangang nandun ka pa rin para saluhin sila kahit papano," says Edu Manzano about being a father to his children.


Bukod sa kanyang magandang career bilang host ng Family Feud ng GMA-7, labis ding nagpapasaya ngayon kay Edu Manzano ang mapayapang takbo ng kanyang personal na buhay bilang ama.

Kaya sa isang bahagi ng taped interview kay Edu for Showbiz Central, tinanong ni Pia Guanio kung paano nag-celebrate ng nakaraang Father's day ang TV host-actor.

"You know all my children are of age already, na may sariling pag-iisip na.

"Kaya I'd rather have something traditional, mas gusto ko pa yung sila ang mag-iisip.

"We had dinner, nag-dinner kami," banggit ng TV host.

Nagkuwento rin si Edu kay Pia tungkol sa iba pa niyang anak.

"Yung isa kong anak will be playing for La Salle, sa NCAA.

"Si Enzo is now 16 years old and he's 6'1". And he will be playing for La Salle.

"My daughter is in first year college."

Ang isa pang anak ni Edu ay ang TV host-actor na si Luis Manzano, mula sa kanyang unang asawa na si Governor Vilma Santos.

Tinanong din ni Pia si Edu kung gaano ito ka-involve sa personal na buhay ng kanyang mga anak.

"Ay, naku huwag!" ang natatawang wika ni Edu.

"I've learned the hard way, I've learned the hard way.

"Mag-aaway lang kayo, so hayaan mo na sila.

"You know, I would think it's important na palakihin mo sila nang maayos, then they'll be able to make the right decisions.

"At kung sakaling matapilok, kailangang nandun ka pa rin para saluhin sila kahit papano."

LUIS'S LOVELIFE. At hindi maaaring hindi mapag-usapan ang tungkol sa lovelife ni Luis, na nauugnay ngayon kay Jennylyn Mercado.

Ani Edu, "Hindi ako magsisinungaling, never, ni hindi ko tinext, hindi ko tinawagan si Luis.

"Yung kung ano ang alam ko, yung nasasagap ko sa mga kaibigan ko, o yung minsan nababasa ko.

"But other than that, I trust my son to make the right decisions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Jennylyn?

"I always felt that she's very down-to-earth, she has both feet planted on the ground, at kilala ko ang mommy niya.

"Magaang kapag nakakaharap ko sila, e. So, yung times na nakikita ko sila, we always have a nice conversation," sabi ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN