Governor Vilma Santos thanks supporters of son Luis Manzano on his latest issue with ex-girlfriend Angel Locsin

IMAGE 0


"Napakabait ng anak ko, pero pagdating sa pag-ibig emotional 'yan at natataranta," says Batangas governor Vilma Santos about son Luis Manzano.


Sa pamamagitan ng isang text message ay ipinaabot ng Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto ang pasasalamat sa lahat ng mga nagtatanggol at nakaunawa sa panganay niyang anak na si Luis Manzano.

Ito ay kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng TV host-actor at ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

Matatandaang noong July 1, Biyernes, ay nag-post si Angel sa kanyang Twitter ang kanyang pagkairita sa kanyang "ex." (CLICK HERE to read related story.)

Ani Angel, "Dear ex, stop texting, stalking & fighting me if you're over na. Pinrotektahan kita pero pag di ka tumigil magsasalita na ko sa pinaggagagawa mo. Respeto pls."

Napag-alaman na si Luis ang tinutukoy na "ex" ni Angel sa kanyang tweet nang mag-post din ng mensahe ang anak nina Governor Vi at Edu Manzano direkta sa aktres.

Ani Luis, "with the harsh words i said earlier, im sorry, hope we let bygones be bygones, we have moved on but sorry sa sinabi ko kanina."

Sa bagong isyung kinasasangkutan ni Luis ay ito naman ang mensahe ng kanyang ina sa mga tagasuporta ng anak:

"Maraming salamat sa inyong lahat in protecting and loving my son Lucky!!!. Sabi ko nga, mature na siya at may sariling desisyon at pag-iisip."

Nakiusap din si Governor Vi na sana raw ay huwag nang patulan ng fans niya at ng mga fans ni Luis ang anumang pang-iintriga tungkol sa anak niya at kay Angel.

Ang importante raw ngayon ay naayos na nina Luis at Angel ang isyu bago pa pagpiyestahan ng lahat.

Dagdag pa niya, "Napakabait ng anak ko, pero pagdating sa pag-ibig emotional 'yan at natataranta.... Hahaha! Anyway, salamat salamat sa inyo."

Pero hindi rin naman kayang diktahan ni Governor Vi ang ilang mga fans niya at mga tagahanga ni Luis na hindi sumagot sa anumang mga pang-iintriga ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang, basta ipakita lang na kahit sumasagot sila, e, alam ko namang edukado ang mga yan. Bilin ko lang naman na wag pumatol sa hindi edukadong usapan kasi mas mababa ang tingin ng iba sa kanila," mensahe pa rin ni Ate Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN