Raymart Santiago avoids answering issues about wife Claudine Barretto

IMAGE 0


"Kapag may mga nagtatanong, umiiwas na lang ako. Siyempre, naaapektuhan ka rin dahil asawa mo yun. Hindi na natigil. Parang marami nang sumawsaw," says Raymart Santiago about avoiding questions regarding his wife Claudine Barretto.


Hangga't maaari, iniiwasan na ni Raymart Santiago na sumagot o mag-elaborate pa sa mga isyu tungkol sa kanyang asawa na si Claudine Barretto.

Pero tila kahit anong iwas ni Raymart, ang mga isyu pa rin tungkol kay Claudine ang paulit-ulit na naitatanong sa kanya.

Kagaya na lamang noong press conference ng bago niyang show sa GMA-7, ang Futbolilits, na ginanap noong Martes, June 28, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ayon kay Raymart, "Kapag may mga nagtatanong, umiiwas na lang ako. Siyempre, naaapektuhan ka rin dahil asawa mo yun.

"Hindi na natigil. Parang marami nang sumawsaw."

Pareho ba sila ni Claudine ng approach na dinededma na lang kapag may isyu, o si Claudine ang tipong dinadamdam ang lahat?

"Well, oo... Pero slowly, inaano na rin niya na dedmahin na lang din dahil wala rin namang mangyayari.

"Tulad nga ng sinabi ko, huwag na lang din pansinin."

Tinanong din si Raymart tungkol sa report na diumano'y nag-a-undergo si Claudine ng rehab for depression.

"Kung sinabi nga niyang depressed siya, or kung anuman ang sinabi niya, siguro dala rin ng mga tsismis, tsismis.

"Kaya ako, kapag may mga ganyan, dedma na lang. Kasi, kahit sabihin mong hindi ka maaapektuhan, maaapektuhan ka rin, di ba?

"Kaya ako, kapag may ganoon, hindi ko na lang pinag-uusapan," saad niya.

Five years nang kasal sina Raymart at Claudine.

Sa loob ng panahong yun, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart kung ano ang mga nakita niyang pagbabago ni Claudine.

"Siya ang tanungin n'yo!" natatawang sagot ng aktor.

Pero aniya, "Balance naman ang career niya sa trabaho at pamilya. Lahat naman, kailangan binabalanse, di ba?"

May mga restriction o limitation ba siya as husband to Claudine?

"Hindi naman, wala naman," sabi ng aktor.

"Seloso rin ako, pero, may lugar.

"Hindi ka naman puwedeng magselos sa trabaho. Nasa lugar naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung walang selos, parang wala rin."

Sa mga panahong walang trabaho si Claudine, nasa bahay lang daw ito at nag-aasikaso ng mga bata.

Kuwento rin ni Raymart, yung araw na nasa presscon siya for Futbolilits, si Claudine naman ay nagsisimula nang mag-taping para sa Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui.

Masaya naman daw si Raymart na balik-trabahong muli ang asawa.

Wala rin daw pagsisi ang kanyang asawa na lumipat ng network from ABS-CBN to GMA-7.

"Happy naman siya rito. Happy naman siya bilang Kapuso," sabi niya.

Napag-alaman din ng PEP kay Raymart na mismong siya ang nagpatigil sa asawa na mag-Twitter. Ito ang dahilan kung kaya't matagal-tagal na rin na hindi aktibo sa pagtu-tweet si Claudine.

Katwiran ni Raymart sa bagay na ito, "Hindi ba, maraming...pati si Manny Pacquiao. At saka, nakikita rin naman niya ang epekto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN