Robin Padilla seeks help of Pinoy insider in Vatican for his quest to marry Mariel Rodriguez in a Catholic church

IMAGE 0


Robin Padilla is still looking for possible ways of having the dream church wedding of his wife Mariel Rodriguez. "Bilang asawa ko si Mariel, gusto ko lang matupad ang kanyang church wedding. Kung di matupad dito sa inang bayan, e, baka doon sa tulong ng kababayan natin na 'yon, e, maikasal nila kami doon," he said.


Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Robin Padilla na matuloy ang pinapangarap na Church wedding ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez.

Mula kasi sa magkaibang relihiyon ang dalawa. Ang TV host na si Mariel ay isang Katoliko, samantalang ang action star na si Robin ay isang Muslim.

Noong nakaraang taon, ayon sa kanila, nauna nang ikinasal sila Robin at Mariel alinsunod sa tradisyong Muslim, sa isang mosque sa Taj Mahal sa India. (CLICK HERE for related article.)

Pero nang naghahanda na sana sila noong Abril ng isang Catholic wedding, sinabi ni retired Archbishop Oscar Cruz na labag ito sa batas ng Simbahang Katoliko. (CLICK HERE for related article.)

THE PLEA. Pero kahit pa tumanggi ang Simbahang Katoliko na sila'y ikasal, hindi pa rin tumigil ang showbiz couple sa paghahanap ng paraan upang matuloy ang kanilang kasal.

Sa interview ng mag-asawa sa The Buzz noong June, kinumpirma ni Robin ang dapat sana'y sorpresa niyang dalhin si Mariel sa Vatican upang doon isakatuparan ang pangarap nitong Church wedding. (CLICK HERE for related article.)

Kaya naman sa panayam ng ABS-CBN News kay Robin sa presscon ng kanyang bagong cellphone endorsement, sinabi nitong naging malaking usapin na ang dapat ay supresa niya sa kanyang asawa.

"Lumaki nga 'yan, secret yun, e, sa totoo lang," saad niya.

"Kung plano na, kung naka-coordinate doon, e, hindi naman tayo si Prince William, baka di tayo pansinin."

Kaya pagbubunyag niya, humingi siya ng tulong sa isang pinagkakatiwalaang Pinoy sa Vatican upang tulungan siya sa balak nilang pagpapakasal doon.

"Ang sa akin, may isang Pinoy doon na nagtatrabaho sa Vatican dahil pinagkakatiwalaan siya doon, pinapasok ako.

"Bilang asawa ko si Mariel, gusto ko lang matupad ang kanyang church wedding.

"Kung di matupad dito sa inang bayan, e, baka doon sa tulong ng kababayan natin na 'yon, e, maikasal nila kami doon," saad ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero giit ni Robin, wala naman daw siyang ano mang galit sa Simbahang Katoliko dito sa ating bansa, at nirerespeto raw niya ang kanilang desisyon.

"Ako, nirerespeto ko at minamahal ang ating mga bishops," wika ng Guns and Roses leading man.

"Kasi ang sa amin ay isang Katoliko si Mariel, na naghahanap ng blessing ng kanyang simbahan.

"At bilang asawa niya ay gagawin ko ang lahat para matupad 'yon.

"Naniniwala ako na magiging [maayos ang lahat]."

Sa ngayon daw, hindi pa maasikaso ng mag-asawa ang pagpunta sa Vatican dahil sa pareho silang abala.

Parehong nasa Kapamilya network sina Robin at Mariel.

Isa sa mga host si Mariel ng noontime variety show na Happy Yipee Yehey!. Samantalang si Robin naman ay napapanood sa primetime soap na Guns and Roses.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN