Azkals team manager defends his players from rape accusation

IMAGE 0


"Sabi ko nga sa kanila, it's important na mag-ingat sa lahat ng gagawin natin, mag-ingat tayo sa lahat ng sasabihin natin because it will now be under scrutiny," Philippine Azkals team manager Dan Palami (bottom left) tells his players. Four Azkals members—(clockwise, from top left) Neil Etheridge (goalkeeper), Anton del Rosario (defender), Jason Sabio (defender), and Simon Greatwich (midfielder, not in photo)—are accused of being involved i


"I cannot take action kung ang titingnan ko lang 'yong nasa Internet. Anybody right now can write on the internet."

Ito ang naging tugon ng team manager ng national football team Philippine Azkals na si Dan Palami kaugnay ng mga bali-balitang lumabas kamakailan tungkol sa ilang miyembro ng grupo.

Sangkot diumano ang goalkeeper na si Neil Etheridge, ang midfielder na si Simon Greatwich, at mga defender na sina Anton del Rosario at Jason Sabio sa sekswal na pang-aabuso sa isang babae kamakailan.

Base sa impormasyon na naipadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang miyembro ng media, isang nagngangalang Paul Weiler ang nagkuwento ng mga detalye sa pangyayaring ito.

Si Weiler ay isang German football coach na nagpakilala ring consultant ng Philippine Football Federation (PFF). (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ni Mel Tiangco kay Palami na ipinalabas sa 24 Oras, kanina, July 11, nabanggit ng team manager na iniimbestigahan na rin nila ang akusasyong ito.

Subalit, ayon kay Palami, noong lumabas sa mga blogs ang akusasyong ito, "We immediately called the attention of the players.

"On their side, talagang ibang-iba ang istorya, e.

"I've also asked 'yong side of the people sa bahay, iba-iba talaga ang istorya."

Gayunman, siniguro ni Palami na hindi niya palalagpasin ang isyung ito kung sakaling totoo ang mga alegasyon.

"This is a serious allegation na talagang kailangang pansinin because we'll never tolerate that.

"Ako, as manager, I'm trying to get more details.

"As of this time, we only have two sources, an Internet blog at itong statement ni Paul Weiler, and both are not credible [sources]," saad niya.

"PURPORTED" CONSULTANT. Sa naunang artikulo na lumabas dito sa PEP, nabanggit ni Sabio na maaring ang mga alegasyon ni Weiler ay paraan lamang upang makaganti sa grupo.

Aniya, "I've heard a lot of rumors and speculations, that this person (Weiler) is trying to get back at the team because we had a fallout while we were in Germany."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang naging hinuha ni Palami sa interbyu niya kanina.

Sabi niya, "We cannot take action based on the statements of the purported consultant, na hindi naman talaga consultant."

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya na hindi anuman konektado sa kanilang grupo si Weiler.

"Actually, nag-a-apply 'yon, during the time of PFF president Johnny Romualdez, that was almost about 10 years ago.

"Until now, 'yon ang hinahawakan niyang papel.

"So, when I went to Germany, ipinakita niya 'yon.

"Pero sabi ko, 'I need your accreditation from the current administration.' So, wala naman siyang maipakita.

"Sabi niya, 'Mag-a-apply na lang ako for consultant for the Azkals.'

"But then, I said, 'We don't have that kind of position right now. Maybe in the future.'

"Medyo hindi yata nasiyahan na hindi tinanggap, so he's coming with a statement [like that].

"Hindi naman talaga siya kasama sa team, so I'm quite surprised na mayroon siyang statements na gano'n."

Sa isa pang e-mail na natanggap ng PEP, na lumabas na rin sa ilang websites, makikita ang di kumpirmadong pag-uusap nina Weiler at Etheridge sa social networking site na Facebook.

Pero sabi ng team manager ng Azkals, "I talked to the coaches, I talked to the other players, as far as they're concerned, hindi talaga sila nakikipag-usap kay Paul."

FOCUS ON THE NEXT QUALIFYING GAME. Ikinalulungkot umano ng grupo na may ganitong lumalabas ngayon laban sa ilang miyembro ng PHL Azkals.

Gayunman, sabi ni Palami, kailangang hindi malihis ang attensiyon ng grupo mula sa kanilang susunod na laro laban sa koponan ng Kuwait.

"But we cannot be distracted sa goals natin, na to get past to Kuwait," sabi niya.

"Right now, we're busy preparing for the second round against Kuwait. Talagang 'yong focus namin, nakatuon doon."

Umaasa rin siya na hindi maapektuhan ng isyung ito ang performance ng mga manlalaro ng Azkals, lalo na ang mga miyembrong isinasangkot sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Palami, "Kinausap ko sila and sinabi ko naman na kung wala namang nangyaring gano'n, wala silang dapat ikabahala.

"Ang kinatatakutan lang nila is 'yon nga... Parang with the high profile ng players natin, sabi ko nga sa kanila, it's important na mag-ingat sa lahat ng gagawin natin, mag-ingat tayo sa lahat ng sasabihin natin because it will now be under scrutiny."

Tutulak patungong Bahrain ang grupo sa Huwebes, Hulyo 14, para sa isang linggong ensayo bago ang first leg ng kanilang laro laban sa team ng Kuwait. Ito ay magaganap naman sa susunod na Sabado, Hulyo 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN