Michelle Madrigal refuses to talk about Azkals controversy

IMAGE 0


"I don't have to defend myself because hindi naman ako yung nasa issue. I don't know kung saan nanggaling 'yan, e. Bigla na lang nag-pop out yung pangalan ko and baseless. So, why bother?" says Michelle Madrigal about being dragged in "rape" rumor involving some Azkals.


Isa si Michelle Madrigal sa nag-perform at rumampa sa victory party para sa FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 na ginanap sa World Trade Center kagabi, July 14.

No. 25 ang ranking ni Michelle sa poll ng FHM this year, at siya ang unang nagpamalas ng kanyang talent sa pagsasayaw.

Matapos ito ay rumampa naman siya nang ipakilala silang mga nakasama sa 100 Sexiest.

"Masaya ako, nag-enjoy naman ako nang sobra!" sabi ni Michelle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage pagkatapos ng show.

"Medyo kinabahan lang ako. Siyempre, ang daming taong nanood sa iyo.

"Malaking pressure yung iisipin mong kailangang maging maganda yung performance mo, at kailangang sexy at maganda pa rin ang magiging dating mo sa kanila."

Pinaghandaan daw talaga ni Michelle nang maraming buwan ang pagrampa niya sa FHM.

"I work out and I eat healthy food," sabi niya.

"Kumakain pa rin naman ako ng mga healthy food, like fried food and all that.

"Pero as much as possible, I try to eat lang talaga mga salad. Then I work out."

Iba-ibang klaseng workout daw ang ginagawa ni Michelle para maging sexy.

"I Muay Thai, I do yoga, I go to the gym. Mas naging healthy ako at feeling ko mas energetic ako pag nagdyi-gym," sabi niya.

SISTER EHRA. Malayo nga ang katawan ni Michelle sa kanyang elder sister na si Ehra Madrigal, na medyo may kalusugan.

Pero kung si Michelle ay No. 25, nasa No. 12 slot naman sa 100 Sexiest si Ehra.

"E, siyempre, magkaiba kami," sabi ni Michelle. "Ever since naman noong bata pa lang kami, gano'n na talaga, she has big bones talaga.

"Hindi naman kami puwedeng ipag-compare, but you know, maybe she's bit bigger than me pero mas mataas ang number niya sa akin—No. 12 ang kapatid ko.

"Meaning, ang Pinoy, gusto pa rin nila mala-voluptuous. Ako lang naman ang may gusto nitong tingting na tingting. Gusto ko model ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw naiinggit si Ehra sa kanyang slim figure.

"Hindi naman siya naiinggit," sambit ni Michelle.

"Siya kasi, tanggap naman niya sa sarili niya na never siyang magiging ganito sa katawan ko.

"So, for her, it's not really about her body na yung pagiging sexy, you know.

"There more's to Ehra than her figure. So, she doesn't really care."

EULA VALDES. Sa mga nakasabayan niyang rumampa sa FHM party, hindi napigilan ni Michelle na humanga kay Eula Valdes.

"Ang ganda-ganda talaga ni Ate Eula. Ang sexy niya talaga.

"Kahit ako, sumisigaw rin ako sa kanya ng 'Go, Ate Eula!'

"She inspires me a lot talaga. She's really a role model naming mga babae na dapat talaga you take care of your body, para kapag nag-age, you still look good.

"Sa hitsura ni Ate Eula, parang lahat ng babae deserving to look good na kahit nagka-edad na, at kahit may mga anak na, maganda at sexy pa rin.

"Hindi porke nag-asawa ka or nagka-anak ka, pababayaan mo na ang sarili mo.

"We women deserve to look good!

"Ako talaga, siya ang peg ko na pag dumating ako sa age na gaya niya, gusto ko maging gaya rin niya ako."

Sa paniniwala ni Michelle nakatulong ng malaki sa kanyang career ang pagiging FHM cover girl niya.

"Mas nabibigyan ako ng magandang role sa GMA. Medyo sexy, pero hindi naman siya all-out na puro pagpapa-sexy lang.

"Yung pagbabalik ko sa Captain Barbell ngayon, mas sexy na ako kahit nawala na yung powers ko. Mas daring na si Anita," sabi niya.

AZKALS CONTROVERSY. Hindi rin siyempre naiwasang hindi tanungin si Michelle tungkol sa isyung kinasasangkutan ng Azkals ngayon.

Ito ay kaugnay ng "rape" rumor kung saan kasangkot diumano ang apat na miyembro ng Philippine football team na sina Simon Greatwich, Jason Sabio, Anton del Rosario, at Neil Etheridge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumalat ang pangalan ni Michelle sa social networking sites na siya diumanong babae na tinutukoy sa kontrobersiya. Pero mabilis pinabulaanan ng Kapuso actress na siya ang babaeng yun sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. (CLICK HERE to read related story.)

Nong umpisa ay tumangging magsalita si Michelle tungkol dito, maging tungkol sa friendship niya sa Azkals.

"No comment. I only answers question about FHM," sabi ni Michelle.

Sapat na raw ang paglilinaw na ginawa niya sa kanyang tweet.

"Yes, that's it. I have nothing to say anymore," aniya.

May iniiwasan ba siya kaya ayaw niya magsalita?

"No, it's just no comment," sabi niya.

"Like whatever issues they have right now, I'm not at liberty to say anything.

"Yes, they're my friends, but other than that, kung anuman yung ibinabato sa akin, no comment."

Hindi ba kailangang depensahan niya ang kanyang sarili?

"I don't have to defend myself because hindi naman ako yung nasa issue.

"I don't know kung saan nanggaling 'yan, e. Bigla na lang nag-pop out yung pangalan ko and baseless. So, why bother?

"People have been tweeting me stuff, I don't really care!" pahayag niya.

Nainis ba siya? Nagalit? Naimbiyerna? Nasaktan nang madawit ang pangalan niya?

"A lot of haters naman talaga would say bad things about you even if they don't know anything about the issue.

"And for me, I'm not at liberty to say anything. Kaibigan ko sila [Azkals].

"Kung anuman yun, labas ako kung anuman ang issue sa kanila."

Dumistansiya na ba siya sa Azkals nang masangkot ang pangalan niya sa isyu?

"I'm still friends with them," sagot ni Michelle, na nali-link kay Neil Etheridge.

"Yes. I'm still supporting them, they're my friends.

"So, kung anuman yun, no comment na lang ako because I've nothing to say."

Inamin din niyang sumasama siya paminsan-minsan sa mga gimmick ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nililinaw ni Michelle na walang kinalaman ang kanyang career sa GMA-7, o ang image niya, kaya ayaw niyang magsalita tungkol sa mga Azkals at ang kasalukuyang isyu ng mga ito sa isang babae.

"No, it's not about that. It's really my choice not to say anything.

"Kung anuman yung lumalabas, it's all rumors. So, why even bother?

"Kasi kung anuman yung issue na yun, e, di sana wala ako dito, malungkot or anything, you know.

"Because it's not true and I don't really care," saad niya.

Kaugnay ng kontroberisyang ito ay lumantad na ang modelo na tinutukoy at nagpa-interview pa sa press kahapon bago ang victory party ng FHM. (CLICK HERE to read related story.)

Nang matanong si Michelle tungkol sa modelo na ito ay tumanggi na siyang magbigay ng pahayag.

"I don't know anything about that," iwas niya.

Kilala niya ba ang modelong ito?

"I don't know anything about it," tugon niya ulit.

"They're [Azkals] my friends. Like I've said, kung anuman ang issue ng Azkals, isyu nila yun.

"I'm not at liberty to say anything, they're my friends, that's it!

"Ang bigyan natin ng importansiya, yung game nila because they're leaving for Kuwait.

"So, other than that, wala na po akong sasagutin. Basta, mabuting kaibigan ko po sila.

"Kung yung ibang tao ini-issue nila, minamasama nila ako, I don't really care.

"They're just jealous because I'm friends with them," saad ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN