PART 1: Amanda Coling grants live TV interview; repeatedly says "no comment" when asked about Azkals controversy

IMAGE 0


Initially, Amanda Coling requested the media to "blur" her face. Her reason then: "Hindi pa kasi alam ng pamilya ko." Three days later, she decided to go live on national television. "But when they saw the ambush interview, hindi ko na maikakaila. Kilalang-kilala nila ako, head-to-toe at yung family ko. So, e, di I came out," she tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Sa simula, hiniling niya na huwag ipakita ang mukha sa mga naunang interviews.

Subalit nitong Linggo, July 17, live na nakapanyam ng Paparazzi ang model na sangkot sa kontrobersiyang idinadawit ang apat na members ng Azkals.

Pagkatapos nito ay nagpunta siya sa GMA-7 para magpa-interview naman nang live din sa Showbiz Central.

Siya ay si Amanda Coling, na naghimutok sa press noong July 14, kung saan una siyang nagpa-interbyu sa press tungkol sa pagkaka-pull out niya sa victory party ng kakatapos lang na FHM 100 Sexiest Women of the World na ginanap sa World Trade Center. (CLICK HERE to read related story.)

Wala itong konkretong nilinaw sa mga itinanong sa kanya ng mga host ng dalawang showbiz talk shows tungkol sa isyu.

Malinaw sa mga sagot nitong "no comment" na umiiwas siyang magbigay ng detalye tungkol sa Azkas controversy.

ONE ON ONE WITH PEP. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Profile) kay Amanda matapos ang kanyang live guesting niya sa Paparazzi, matipid pa rin ang mga sagot nito.

Pero may ilan siyang sinabi na nagbigay ng ideya tungkol sa kanyang nararamdaman.

Bakit siya nagdesisyong lumantad na at ipakita ang sarili sa publiko?

"Before, I was asking the media to blur my face because my family didn't know about it," bungad niya.

"But when they saw the ambush interview, hindi ko na maikakaila. Kilalang-kilala nila ako, head to toe, at yung family ko. So, e, di I came out," saad pa niya.

Ang pagkaka-pull out niya bilang isa sa Vixens ng Premiere, na isa sa mga segment sponsors sa FHM Victory Party ang nag-udyok daw sa kanya para lapitan ang press.

Ang kuwento niya, "This contraceptive [endorsement], I dedicated my time and my effort to it since March. I've been coming out in magazines, April, May, June and July.

"Every month, nagsu-shoot kami. So, ang dami kong tinanggihang jobs abroad, just to... I can do jobs here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sobrang na-hurt ako 'coz I put my heart into it, e."

EFFECTS OF THE AZKALS CONTROVERSY? Ano ba ang reaksiyon ng family niya at nasasangkot siya sa ganitong kaselan na isyu?

"They're scared and worried. Takot... And sabi ko sa kanila, 'We'll get through this all right.'"

May threats na ba siyang natatanggap, pati ang pamilya niya?

"Ang family ko, wala naman. Sa akin, yun lang.

"Yung na-pull out na ako sa FHM. Sa mga online, marami ang nagku-condemn. Maraming nagpe-persecute."

Base sa mga naglabasang interview at sa pahayag mismo ng mga taga-FHM, ang sponsor na condom ang nag-pull out mismo sa kanya sa show. Wala naman daw kinalaman ang Azkals sa pagkakatanggal niya rito. Naniniwala ba siya?

"Ummm, no comment," tanggi niyang magsalita.

Pero ano ang naging reaksiyon niya sa pangyayaring ito?

"Kasi, just look at it this way. Ilang babae ang nandoon, daan-daan," puna niya.

"I was the only one singled out. Anong ginawa ko prior to that? Wala naman, di ba?" naghihimutok niyang sabi.

Tungkol naman sa epekto ng isyu sa kanya bilang tao, aminado si Amanda na may mga pagbabago.

Na-trauma ba siya?

"No'ng...." simula niya, pero naputol ang sasabihin sana, at saka niya sinabing, "Of course!"

Nightmares, meron ba?

"Wala namang nightmares. But then for a while, for a few days I couldn't get out.

"Now, gano'n na naman, I can't go out uli. Wala ako sa mood. Ayokong... basta, gusto alone lang ako."

Nagkaroon ba siya ng phobia sa mga lalake?

"A, I'm very resilient. So, I understand na... that everyone's different naman. Iba-iba ang daliri natin. So, no, no phobia.

"At some point, hindi ako gumigimik. Pero nong nakapag-move on na ako, gumigimik na ako uli.

"And then no'ng lumabas yung isyu na ito, hindi na naman ako gumigimik."

Nakita na ba niya ang mga Azkals sa gimikan o sa mga bars?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Umm, the last time I saw them was more than a month ago. The last time I saw them was June 2."

Ano kaya ang magiging reaksiyon niya sakaling makasalubong niya ang Azkals sa isang hindi inaasahang sitwasyon o panahon?

"Anong magiging reaksiyon ko? Ummm, depende sa magiging reaksiyon nila."

Iniyakan ba niya ang pangyayaring ito sa buhay niya?

"Of course naman. Sino naman ang hindi iiyak?" mabilis niyang sagot.

Ilang beses niyang iniyakan mula noong araw na nadamay siya sa kontrobersiya?

"Four or five times?" sagot niya.

Nagsisisi ba siya na nakilala niya ang Azkals, o nakasama niya ang mga ito?

"Ummm, no comment. I'm scared to comment," sabi niya.

RAPE? Wala itongkinukumpirma, pero hindi rin naman siya nagde-deny o nag-aakusa.

Mataas ang tingin ng marami sa Azkals dahil sa sunud-sunod na pagbibigay karangalan nila sa bansa mula sa larong football. Tapos, heto, may isang babaeng lumalantad na siyang sinasabing sangkot sa isang kontrobersiya, na maaring ikasira ng ilang miyembro.

Hindi direktang sagot ang ibinigay ng modelo.

"Unang-una, wala pa akong sinasabi against anyone.

"Pangalawa, hindi ako nagpasimula ng mga ito. And ayun," malumanay niyang pahayag.

Nang tanungin siya sa balitang tinawag na "rape" ang insidente, tumanggi itong magbigay ng mahabang pahayag.

Aniya, "With that, no comment ako diyan. Kasi hindi mayaman ang family ko.

"The last thing I need is... Di ba? If I say anything, baka ako pa ang makasuhan, di ba?" esplika niya.

Ibig sabihin, may takot siya?

"Siyempre naman! Wala naman akong sugar daddy na magpu-protect sa akin."

May iba pa bang tao sa buhay niya na sumusuporta sa kanya, gaya ng kanyang boyfriend?

"For four and half years, wala akong boyfriend. Pero, nagri-react yung mga friends ko, saka yung mga family ko. Hindi pa kasi alam ng relatives ko," sagot niya.

Paano nabago ang kanyang buhay sa isyu na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, naku-condemn ako ng mga hindi ko kilalang tao. Sa online, mina-malign nila ako.

"I haven't said anything bad to anyone. Tapos sinasabihan nila ako ng kung anu-ano," saad niya.

CLICK HERE to read Part 2


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN