(UPDATED) Jaclyn Jose confirms Andi Eigenmann's pregnancy: "Yes, it's true, my daughter's pregnant."

IMAGE 0


"Pag may pagkakamaling nagawa ang anak ko, hindi ko sinasabing tama. Huwag n'yo lang husgahan. Bigyan na lang din siya ng pagkakataon. Tutal, buhay naman 'yan at kami nang bahalang family," says Jaclyn Jose (right) about the pregnancy of her daughter, Andi Eigenmann (left).


Kinumpirma ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na buntis ang kanyang anak na si Andi Eigenmann.

"I just want to tell everyone that yes, it's true, my daughter's pregnant."

Ito ang pag-amin ni Jaclyn sa exclusive interview sa kanya ni Mario Dumaual na ipinalabas sa TV Patrol ngayong gabi, June 29.

Sinadya ni Mario si Jaclyn sa taping ng Maalaala Mo Kaya kanina sa Antipolo.

Eksaktong 18 weeks and two days na ang dinadala ni Andi.

Sa kabuuan ng panayam sa kanya ay patuloy ang pagtulo ng luha ni Jaclyn.

Aniya, "Hindi madali, pero kailangan kong tanggapin. Kasi mahal ko siya at anak ko siya.

"Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ako at ang kanyang pamilya."

Nakatulong din daw ang pananampalataya ng aktres upang tanggapin ang pangyayaring ito sa kanyang anak.

"Ang una mong pupuntahan, simbahan. Mananalangin ka.

"Ibibigay mo na lang sa Kanya lahat. Sasabihin mo, 'Ama, ikaw na ang bahala, hindi ko kaya 'to. Kung anumang desisyon Mo, tatanggapin ko.'"

FATHER OF ANDI'S CHILD. Ayaw naman nang pag-usapan ni Jaclyn kung sino ang ama ng batang dinadala ni Andi.

Pero aniya, "First boyfriend, wala na sila no'n. Iniwanan siya nung nabuntis siya.

"I don't want to talk about him anymore. Wala akong hinihiling sa kanila, ni ayaw ko silang makita!

"She decided to keep the baby, na naging proud naman ako sa anak ko.

"Mahal namin 'yan, e. Mahal ng lahat ng pamilya ko si Andi."

Sa pagkakaalam ng publiko ay naging boyfriend ni Andi ang kapwa niya Star Magic talent na si Albie Casiño.

Nagkaroon pa nga ng isyu sa pagitan ng dalawa nang paratangan diumano ni Albie si Andi na "cheater." (CLICK HERE to read related story.)

Noong mga nakaraang buwan ay nakita naman si Andi kasama ang nabalita ring boyfriend niya na si Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, nag-post si Jake Ejercito ng mensahe sa kanyang Twitter account kaninang bandang alas-nuwebe ng gabi.

Itinanggi niya na siya ang "first boyfriend" ni Andi.

Aniya, "I'd just like to ask everyone not to jump into conclusions and misinterpret what has been said. I am not Andi's first boyfriend. Let us just respect and pray for her, her baby, and family."

A MOTHER'S PLEA. Sa huli, humingi ng pag-unawa si Jaclyn sa publiko.

"Pag may pagkakamaling nagawa ang anak ko, hindi ko sinasabing tama. Huwag n'yo lang husgahan.

"Bigyan na lang din siya ng pagkakataon. Tutal, buhay naman niya 'yan at kami nang bahalang family."

Unang pumutok ang isyung nagdadalang-tao si Andi sa blind items at blog sites, hanggang sa tuluyan na nga siyang pangalanan. (CLICK HERE to read related story.)

Si Andi ang isa sa itinuturing na most promising young actresses sa bakuran ng ABS-CBN.

Inilunsad siya noong nakaraang taon sa hit primetime series na Agua Bendita. Pagkatapos nito ay itinampok siya sa weekly drama anthology na Your Song Presents Andi.

This year naman ay isinali si Andi sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin bilang leading lady ni Coco Martin.

Si Andi rin ang napupusuan ng ABS-CBN na gumanap sa Galema, Ang Anak ni Zuma.

Nakalabas na sa dalawang pelikula si Andi—ang Mamarazzi at Shake, Rattle & Roll 12 ng Regal Films na parehoing ipinalabas noong 2010.

Kasama rin dapat si Andi sa cast ng Metro Manila Film Festival entry this year ng Regal Films na Hototay, pero posibleng palitan na siya dahil sa kanyang kalagayan.

Ayon kay Jaclyn, tatapusin na lang ni Andi ang Minsan Lang Kita Iibigin. At sana raw ay mabigyan pa ng ikalawang pagkakataon ang showbiz career ng kanyang anak.

Nagdiwang ng kanyang 21st birthday si Andi noon lamang June 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN