(UPDATED) Who is the father of Andi Eigenmann's child?

IMAGE 0


Following the confirmation of Andi Eigenmann's pregnancy is the question—who is the father? Two names have surfaced—young actor Albie Casiño (inset, top) and former presidential son Jake Ejercito (inset, bottom).


Kumpirmado nang buntis ang young actress na si Andi Eigenmann. Subalit hindi pa rin matigil ang alingasngas tungkol sa isyu dahil isa pang katanungan ang hindi nasasagot—sino ang ama ng dinadala niya?

Sa panayam ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa TV Patrol kagabi, June 29, sinabi ng multi-awarded actress na "first boyfriend" ni Andi ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang anak. (CLICK HERE to read related story.)

Ani Jaclyn, "First boyfriend...wala na sila no'n. Iniwanan siya nung nabuntis siya.

"I don't want to talk about him anymore. Wala akong hinihiling sa kanila, ni ayaw ko silang makita!

"She decided to keep the baby, na naging proud naman ako sa anak ko."

Four months and two weeks na ngayon ang dinadala ng 21-year-old actress.

WHO IS THE DAD? Hindi naging bukal ang dalaga sa estado ng lovelife niya kaya napukol ang pansin ng publiko sa dalawang lalaki na naiugnay sa pangalan niya bago lumitaw ang pregnancy rumors.

Sila ay sina Albie Casiño at Jake Ejercito.

Si Albie ay kasamahan ni Andi sa bakuran ng ABS-CBN at Star Magic. Siya ay lumabas na sa ilang programa ng Kapamilya network, na ang pinakahuli ay ang hit primetime series na Mara Clara, kunsaan gumanap siyang leading man ni Kathryn Bernardo.

Sa pagkakaalam ng publiko, naging boyfriend ni Andi si Albie bago pa man sila parehong pumasok sa showbiz. At ayon sa reports, naghiwalay ang dalawa noong nakaraang taon.

Nagkaroon pa ng alitan ang dating magkasintahan dahil inakusahan diumano ni Albie si Andi ng pagiging "cheater" noong May 2011 sa social networking site na formspring. (CLICK HERE to read related story.)

Si Jake naman ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Bagamat hindi siya artista, naging prominente ang kanyang pangalan dahil sa kanyang mga magulang at mga kamag-anak, partikular na sa partido ng kanyang ama. Napabalita rin noon na balak diumano ni Jake na pumasok sa mundo ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nasa London si Jake kung saan siya nag-aaral sa Queen Mary University.

Si Jake ang sinasabing naging boyfriend ni Andi pagkatapos makipag-break ng young actress kay Albie.

May isang tabloid naman na nagsabing ex-boyfriend ng young actress si Jake, pero nagkabalikan diumano sila.

Madalas ding makuhanang magkasama sina Jake at Andi nitong mga nakaraang buwan.

Sa isang blogsite ay may mga larawan ang dalawa na magkasama noong Holy Week sa Boracay.

Pero pagkalipas lamang ng isang oras pagkatapos ipalabas kagabi ang interview ni Jaclyn, kung saan kinumpirma nga niya ang pagbubuntis ni Andi, nag-post si Jake ng mensahe sa kanyang Twitter account.

Dito ay direkta niyang itinanggi na siya ang "first boyfriend" na tinutukoy ng ina ni Andi.

"I'd just like to ask everyone not to jump into conclusions and misinterpret what has been said. I am not Andi's first boyfriend. Let us just respect and pray for her, her baby, and family," sabi ni Jake.

Sa pagtanggi ni Jake na siya ang ama ng dinadala ni Andi ay muling nabaling ang atensiyon ng publiko kay Albie, bagamat hindi pa kumpirmado kung siya ang sinasabing "first boyfriend."

Wala pang direktang pahayag si Albie tungkol sa isyu, pero kaninang bandang 2:10 p.m., June 30, ay nag-tweet ang radio-TV host na si Ogie Diaz sa kanyang Twitter account.

Ayon sa kanya, nakausap niya ang ina ni Albie na si Rina Lee Casiño.

Sabi raw ni Mrs. Casiño, "Walang problema kung anak ko nakabuntis ke Andi. Blessing 'yan. And we welcome DNA Test."

Sa puntong ito ay tanging si Andi lang ang makakasagot kung sino nga ba ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Dalawang pangalan ang napag-uusapan dahil sila ang kilala. At kagaya nga ng nabanggit, hindi naman nagkukuwento ang Agua Bendita star sa media tungkol sa personal na buhay nito. Kaya, kung nagkaroon man siya ng boyfriend na hindi taga-showbiz, tanging siya at ang malalapit sa kanya lang ang makakapagsabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw mang pag-usapan ni Jaclyn ang tungkol sa ama ng ipinagbubuntis ni Andi, hindi rin naman maiaalis sa marami ang maging interesado sa isyu, lalo pa't may laman ang maikling pahayag ng ina ni Andi.

Puwera na lang kung lumantad at akuin ng nakabuntis sa young actress ang responsibilidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN