Allan K on being a comedian: "Actually, hindi inaaral 'yun, e... you need to have that inner talent in you."

IMAGE 0


(In Photo) Allan K: "Siguro, malaking bagay yung may comedy bar ako, kaya naa-update ako sa kung anong bago na mga jokes ng mga stand up comedians.


Si Allan K ay isa sa mga kilalang komedyante sa ating bansa.

Bukod sa kanyang pagka-listo at bilis maka-isip ng katatawanan, magaling din ang kanyang 'rapport' or pakikitungo sa kanyang mga manonood.

Ito'y isang bagay na nahubog sa pagkatagal niya bilang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga!, pati na rin sa mga one-man shows niya sa mga comedy bars.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakiailan kay Allan K sa coffee book launching nga Eat Bulaga!, sinabi nitong ibang-iba siya sa likod ng kamera, at sa napapanood ng mga tao.

Seryoso daw siya sa totoong buhay—kaiba sa nakikita ng mga tao na makulit at maingay na ugali niya.

INNER TALENT. Hindi madaling magpatawa. Ito ang isa sa mga inamin ni Allan K sa amin.

Hindi daw iyon nagagawa nang basta-basta, at kalimitan ay natural na talento ito ng isang tao.

"Actually, 'yun hindi inaaral 'yun, e," saad niya.

"You need to have that inner talent in you, e.

"Kung wala ka talagang komedya sa katawan mo, mahirap."

Dagdag pa niya, "Siguro malaking bagay yung may comedy bar ako, kaya naa-update ako sa kung anong bago na mga jokes ng mga stand up comedians.

"Otherwise, kung wala akong tambayan na ganyan baka mapeprente ako, o maging confident ako sa what I know, baka 'yon at 'yon na lang ang gagamitin ko.

"Kaya maganda yung may bago ka laging nakikita... 'Tsk, galing!' Gano'n!"

STEREOTYPING. Sinasabi ng ilan, para maging epektibo ang pagpapatawa, kailangan mayroong kakatuwa sa pisikal na anyo mo pa lamang.

Lalo pa sa ilang mga comedy bars, para mas lalong epektibo ang pagpapatawa ng mga stand up comedians, kadalasan ay nagdadamit babae sila.

Sa kanyang pagma-manage ng dalawang comedy bars—Klownz Comedy Bar at Zirkoh Bar—napuna din daw ito ni Allan K.

"I think that's a given ano naman, kahit sa Amerika," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, where can you find super-gwapong comedians? Wala pa 'atang gano'n, kasi magli-leading man na lang 'yun, 'di ba?

"I think, sa side naming mga stand up comedians, compared sa Fil-Am stand up comediennes, ang mga Pinoy na stand up comedians need to dress like babae para matawa yung mga [tao]."

Ngunit, kahit pa man daw ganoon ang kailangan nilang gawin paminsan-minsan, isang bagay lang daw ang mahalaga para sa mga komedyanteng ito—ang maghatid saya sa kanilang mga manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN