Rhian Ramos is confident she will not be linked to Manny Pacquiao

IMAGE 0


"Actually, before kasi, parang nakaka-intimidate. Kasi nakikita ko lang naman siya pag nanonood kami ng laban niya. So, medyo nakaka-intimidate. Tapos nung nag-guest ako sa Show Me Da Manny hindi siya masyadong nagsasalita, medyo tahimik lang. So, parang natatakot ako. At saka alam kong malakas siyang manapak!" says Rhian Ramos about working with Manny Pacquiao.


Thankful si Rhian Ramos kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil personal choice siya para maging isa sa co-hosts sa bagong game show nito sa GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Ito ang bagong game-variety show ng GMA-7 na mapapanood tuwing Sabado ng gabi, simula sa July 16. Co-produced ang naturang show ni Manny at ng Kapuso Network.

"Excited ako na magtrabaho para dito sa show na ito. Parang feeling ko, napakasuwerte ko na mapili kasi alam ko naman na siya [Manny] at ang GMA ang magkatulong dito, e.

"And para makasama ka sa isang show na alam kong yung prizes hindi rin naman manggagaling sa akin, tutulong lang ako para ibigay yun sa mga kababayan natin, happy ako at saka sobrang excited," sabi ni Rhian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rhian sa presscon ng Manny Many Prizes na ginanap noong Martes ng gabi, July 5, sa Studio 6 ng GMA Network.

Bukod kay Rhian, kabilang din sa co-hosts ni Manny sa show sina Isabelle Daza, Paolo Contis, Onyok Velasco, at Gladys Guevarra.

GETTING TO KNOW MANNY. Ayon kay Rhian, bago ang Manny Many Prizes ay naging guest na siya sa dating sitcom ni Manny na Show Me Da Manny kaya kilala na rin niya ang boxer-politician.

Pero aminado siya na medyo na-intimidate siya rito noong una.

"Actually, before kasi, parang nakaka-intimidate," sabi niya.

"Kasi nakikita ko lang naman siya pag nanonood kami ng laban niya. So, medyo nakaka-intimidate.

"Tapos nung nag-guest ako sa Show Me Da Manny hindi siya masyadong nagsasalita, medyo tahimik lang.

"So, parang natatakot ako. At saka alam kong malakas siyang manapak!"

Pero noong magkaroon daw sila ng dry-run para sa show ay nakita niya ang pagiging mabait at may pagkakalog na side ni Manny.

Hindi ba nag-aalala si Rhian na ma-link siya kay Manny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I doubt naman kung mali-link kami," sabi niya.

Pero sakaling lumabas ang ganitong isyu, paano niya ito iha-handle?

"Wala. Feeling ko naman hindi yun mangyayari kasi lahat kami dito...

"I mean, hindi pa kami nagkakaroon ng maraming bonding experience, pero parang close na din kami, e, kasi nagkukulitan kami lagi, kaming lahat.

"So, parang hindi ako natatakot na ma-link sa kahit na kanino sa kanila kasi parang feeling ko, para kaming barkada."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN