Janna Dominguez shrugs off intriguing tweets of Iwa Moto

IMAGE 0


"As long as hindi ako tinatapakan, hindi ako sinasaktan, hindi ako magsasalita. Kung puro salita lang, sige, okay lang. Pero once na kinanti niya or anything, wala na tayong magagawa, iyon," says Janna Dominguez (main photo) about Iwa Moto's (inset) tweets.


Tila lumalalim na ang iringan sa pagitan nina Janna Dominguez at Iwa Moto.

Ito'y matapos mapabalitang si Janna na ang girlfriend ngayon ng non-showbiz ex-boyfriend ni Iwa na si Mickey Ablan.

Sa katatapos lang na FHM Sexiest Women in the World victory party, nakunan pa ng Startalk TX na sabay umalis ng World Trade Center sina Janna at Mickey.

Pero paliwanag naman ni Janna sa taped interview sa kanya ng Startalk, "Hindi, si Mickey naman ano, e, wala naman siyang ibig sabihin sa pagpunta dun, or anything to prove to Iwa or sa akin.

"Ano, gusto lang niyang ano... In every event kasi ng FHM, nandun talaga siya.

"Basta basahin ninyo na lang yung tweet niya [Iwa] at yung tweet ko, tingnan na lang natin, kasi ang hirap magsalita, e."

Marahil ilan sa tweets ni Iwa na pinatutungkulan ni Janna ay ang mga sumusunod:

"You may have what I had. But you'll never be me. You may be better than me but you can never love the way that I love my family."

"Hahah atlis aq d aq sinungaling. May bf aq and im proud of him."

"I never get jealous when I see my ex with someone else, because my parents always taught me to give my used toys to the less fortunate."

Ano ang reaksiyon dito ni Janna?

"As long as hindi ako tinatapakan, hindi ako sinasaktan, hindi ako magsasalita," sabi niya.

"Kung puro salita lang, sige, okay lang. Pero once na kinanti niya or anything, wala na tayong magagawa, iyon.

"Pero so far, hindi pa naman umaabot sa ganun. Ano lang, kahit naman siya, e, di ba? Pero di ko gagawin."

Samantala, ang patuloy na pagtanggi ni Janna sa relasyon nila ni Mickey ay pinasinungalingan ng photos nila na naka-post sa Twitter.

Dito ay makikitang sweet ang dalawa at may post pa kung saan nag-a-"I love you" si Janna kay Mickey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Janna dito, "Hindi mo na kailangang ipangalandakan sa mga tao kung sino yun, kung ano yung... kung saan ka happy and contented.

"General yun."

Ano naman kaya ang reaksiyon ni Janna sa hindi mamatay-matay na intrigang kasal na sina Iwa at Mickey?

"Tinanong ko siya [Mickey], hindi, hindi sila kasal," sagot ng Pepito Manaloto mainstay.

"Pero siyempre, [tiniyak] ko bago ako pumasok sa ganung sitwasyon, na wala talaga sila, so iyon."

Ano naman ang mensahe ni Janna kay Iwa?

"If you found someone else, good for you. Sana mahalin mo, mahalin ka rin niya, and happy ako kung ganun. God bless you.

"May nag-tweet nga sa akin, sabi niya, 'Akala mo happily ever after kayo ni Mickey?' ganyan-ganyan.

"Sabi ko, ako, hindi ako naniniwala sa happily ever after kasi reality is better than ever after. Iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN