Maricel Soriano faces complaints filed by househelp

IMAGE 0


On the night of June 29, Maricel Soriano allegedly kicked the legs of a certain May Cachuela, who introduced herself to the Isumbong Mo Kay Tulfo program as "kasambahay" of the actress. The following day, May, together with Camille Acojedo—also a househelp—filed their complaints at the Barangay Hall of Poblacion in Makati City.


Noong umaga ng Huwebes, June 30, dumulog sa programang Isumbong Mo Kay Tulfo ang dalawang babae na nagpakilalang kasambahay ni Maricel Soriano para ireklamo ang umano'y pananakit nito.

Ayon sa report, nagalit at nanakit daw ang aktres dahil hindi nito nagustuhan ang pagkakaayos ng mga damit na gagamitin niya para sa isang showbiz commitment.

Sinipa umano ni Maria (palayaw ni Maricel) ang kasambahay na si May Cachuela.

Bunsod nito, nagsumbong sa Barangay Hall ng Poblacion sa Makati City noong araw din ng Huwebes si May kasama ang isa pang kasambahay na si Camille Acojedo, para ireklamo ang nangyari sa tahanan ng aktres sa Rizal Tower ng Rockwell noong gabi ng Miyerkules, June 29.

Sa ulat naman ng 24Oras, bukod sa pananakit, inireklamo rin daw ang "hindi pagpapasuweldo" sa dalawa. Subalit nabanggit naman sa report ng isang major broadsheet na two weeks pa lang daw nagtatrabaho ang dalawa sa award-winning star.

Ayon sa barangay secretary na si Alex Reyes, hindi raw ito ang una. "Last February, meron kaming reklamong ganyan."

Dagdag pa ni Reyes, ihahanda na raw nila ang "summons" para magkausap ang dalawang complainant at ang aktres.

Sinubukan ng GMA News ng kunan ng pahayag si Maria subalit hindi nila ito nakausap. Ang business manager ng Diamond Star na si Malou Choa-Fagar ang nagpadala ng text message na, "Sorry wala pa siyang statement."

Sakaling magbigay ng pahayag si Maria, agad na ilalathala ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN