Cesar Montano laughs off reported "tampo" of son Diego; comments on latest controversy involving former onscreen wife Maricel Soriano

IMAGE 0


On the set visit of his sitcom Andres de Saya, Cesar Montano was asked about issues involving his son Diego Loyzaga and his former screen partner Maricel Soriano.


Posibleng mailipat sa Sunday night timeslot ang sitcom ng GMA-7 na Andres de Saya, na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Iza Calzado. Sa kasalukuyan ay napapanoodito tuwing Sabado ng gabi.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar sa taping ng Andres de Saya sa Studio 6 ng GMA Network kahapon, July 7, sinabi ng aktor na walang problema sa kanya kung sakaling ilipat ng timeslot ang kanilang sitcom.

"I'm very positive. Kasi, mas kumpleto ang pamilya sa bahay.

"Kasi kapag Sunday, kailangang nasa bahay ka na no'n, both parents. Kailangan ang mga bata, nandodoon din.

"Kapag Saturday, maiisipan mo pang lumabas. Minsan inaabot na kami ng gabi. Nakakauwi kami minsan nine na ng gabi, kasi galing manood ng sine.

"Yung mga bata, mahilig na rin manood ng sine, sobra!" natatawang sabi niya.

Ang game show ni Manny Pacquiao na Manny Many Prizes ang posibleng pumalit sa timeslot ng Andres de Saya.

"Malamang malakas 'yan!" bulalas ni Cesar.

"It's a comeback of Manny. I'm excited to see that na magge-game show siya because I haven't seen Manny hosting a game show.

"I'm pretty sure na malakas 'yan."

Masaya naman daw si Cesar sa reception ng mga tao sa kanilang sitcom.

"Tinatawag nila akong Andres," banggit ng aktor.

"Kahit AB crowd nanonood, e. Pati sa Cebu, kasi nagbi-Bisaya kami dito. Kaya sa Region 7, accepted.

"Nakakatuwa kasi pamilya. Parang John En Marsha ang dating.

"Ako kasi, I miss John En Marsha kasi. Product ako ng John En Marsha," pagtukoy pa ni Cesar sa dating sitcom ni Dolphy at ng yumaong si Nida Blanca.

MARICEL SORIANO. Bago si Iza, si Maricel Soriano ang nakilalang misis ni Cesar onscreen dahil sa pinagsamahan nilang sitcom noon sa ABS-CBN, ang Kaya ni Mister, Kaya ni Misis.

Hindi nga naiwasang itanong ng ilang entertainment press na dumalaw kay Cesar kung ano ang naging reaction niya sa bagong isyung kinasasangkutan ni Maricel ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang pag-aakusa ng dalawang kasambahay ng pang-aabuso laban sa Diamond Star. (CLICK HERE to read related story.)

"Malungkot. Nalungkot ako do'n," napapailing na sabi ni Cesar.

"I guess, the best thing to do is to keep quiet and pray na sana maayos din."

Sabi pa niya, "Ako ang naunang nalungkot. Actually, mas nauna ko nga siyang naging 'wife' kesa kay Sunshine [Cruz, Cesar's real wife]."

DIEGO LOYZAGA. Tinanong din si Cesar tungkol sa isyu sa kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga, na diumano'y may tampo sa kanyang ama.

Natawa naman si Cesar nang tanungin tungkol sa anak na talent ng Star Magic.

"Palagi naman kaming nagti-text, palagi kaming nag-uusap.

"Tuwing tatanungin ko naman siya, sasabihin niya, 'Hindi galing sa akin yun, Dad.'

"Tinanong ko na siya, 'It didn't came from me, Dad.'"

May komunikasyon naman pala sila?

"Puwede kong ipabasa sa inyo telepono ko!" natatawang sabi pa ni Cesar.

Nag-aaral daw si Diego ngayon sa OB Montessori.

Kuwento ni Cesar, "Pinag-aaral ko sa Ateneo. 'Kaya mo naman sa Ateneo.' Nahihirapan.

"Sabi ko, 'Magri-review ka naman, e.' Sabi niya, pagkatapos na lang ng high school. Sa college na lang daw."

Posible bang nahihirapan si Diego na mag-adjust kaya may mga ganoong naging isyu?

"Well, unang-una, sa pag-aartista, talagang mag-a-adjust pa 'yan sa pagsasalita.

"At saka yung kultura natin, hindi naman niya alam.

"Alam ba niya yung kantang 'Leron-Leron Sinta'? Yung pinagmulan no'n?

"Kasi, hindi siya nakaranas ng batang tumatakbo sa kalsada. Yung mga jokes natin na sa atin, mga kabataan natin, hindi niya alam yun.

"Kaya sabi ko, 'Huwag ka munang mag-artista, mag-aral ka muna. Marami kang magiging kaklase na Tagalog, kakausapin ka. At least, napi-prepare ka rin sa pagiging artista mo. While you're studying, naaaral mo ang kultura natin. Lahat ng mga bagay-bagay, naaaral mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, desisyon nila ng mother niya yun, so, suporta na lang ako."

Unang napanood si Diego sa primetime drama series ng ABS-CBN na Mara Clara.

Patuloy ni Cesar, "I actually wrote a letter to Cory Vidanes [ABS-CBN channel head]. E, kumare ko yun.

"Sabi ko, 'Mare, huwag muna. Baka mapahiya tayo diyan. Nakakahiya.'

"E, siyempre naman, alam ko na hindi pa marunong umarte ang bata.

"Sabi naman, 'Aalagaan namin 'to. Iwo-workshop namin.' Wino-workshop naman nila."

Kuwento pa niya, "Palagi ko siyang [Diego] pinagsasabihan. Minsan nga, in front of interview, pinagsasabihan ko, 'Kumusta na ang acting mo?' Pangiti-ngiti lang.

"Pero sabi ko nga [kay Diego], 'Noong edad akong 16, hindi pa ako marunong umarte niyan. Tingin ko, ikaw, mas ahead ka pa nga sa akin.'"

CESAR ON THE BIG SCREEN. May sisimulan ding pelikula si Cesar na siya ang magdidirek, magsusulat, magla-line produce, at magiging bida.

Si Sam Pinto raw ang ibinigay sa kanya ng Viva Films na maging leading lady sa movie, and he's also eyeing Aljur Abrenica to be part of the movie.

"Action. Yung tipo niya, tipong Collateral [Damage] ni Tom Cruise. August 8 ang shooting namin, ang start. "

Nahuli nga lang daw siyang makapagbigay ng entry for this year's Metro Manila Film Festival.

"Nahuli ako ng submission. Meron na akong entry, pero storyline. E, ang kaso, hindi pala sila tumatanggap ng walang script talaga.

"At saka ngayon, maganda, they really read the script.

"Yung iba, puwedeng iba ang loob, yung title lang mababago. But now, iba na raw, which I'm so happy.

"Sasali ako next year, nakahanda ang script ko, e," saad ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN