Alden Richards still not giving up on Louise delos Reyes: "I'm still hoping and waiting for her, and the right time."

IMAGE 0


"Kami po kasi ni Louise, we have an understanding na separate yung showbiz and personal life. So, parang naiintindihan ko siya if she would have affairs outside showbiz," says Alden Richards about screen partner Louise delos Reyes.


Wala pang kasunod na proyekto si Alden Richards pagkatapos ng aftrenoon soap na Alakdana, pero abala siya ngayon sa paggawa ng dalawang pelikula, na parehong under ng GMA Films.

Una ang The Road, isang horror movie kung saan sa pagkakaalam niya'y gaganap siya bilang isang psychopath. Hindi pa raw sinisimulan ang shooting nito, at inaayos pa ang script.

Ang kasalukuyang sinu-shoot niya'y ang Tween Hearts Academy: Class of 2012. Makakasama niya rito sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Elmo Magalona, Julie Ann San Jose, at ang ka-loveteam ni Alden na si Louise delos Reyes.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden mini-presscon na inihanda ng GMA Artist Center sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, June 30, sinabi nitong maaaring sa kalagitnaan ng July ay tapos na silang mag-shoot para sa nasabing pelikula.

August 24 ang target showing ng Tween Hearts Academy: Class of 2012.

Dagdag pa niya, kung sa kanilang teleserye na Alakdana ay hindi sila nagkatuluyan ni Louise, dito raw ay siguradong sila na sa huli.

"Si Christian [Alden's character], parang basketball guy na heartthrob, all-around good guy, friend ng lahat, ganun.

"Ang role naman ni Louise dun, siya yung social climber na girl, na making friends with the rich kid. Pero ang totoo talaga, poor siya.

"Then, parang ako, parang somehow yung character ko, mai-in love sa character niya. Then sa huli, sila yung magkakatuluyan.

"Unlike po sa Alakdana, si Joma and si Adana did not make it.

"So in this film, sure na kami yung magkakatuluyan," saad ng 19-year-old actor.

ON COURTING LOUISE. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na on and off-screen man ay may espesyal na pagtingin si Alden kay Louise.

Nagsimulang magkakilala ang dalawa nang gumawa sila ng commercial para sa isang food snack. Mula raw noon ay naging mabuti na silang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi lang si Alden ang may espesyal na pagtingin kay Louise. Maging ang StarStruck V finalist na si Enzo Pineda ay hayagan ang paghanga sa dalaga.

Kumpara sa kanya, mas vocal at showy si Enzo sa kanyang nararamdaman sa dalaga.

Hindi ba threatened si Alden dito?

"I'm not threatened po," mabilis niyang sagot.

"Kasi me and Enzo naman are good friends.

"We see each other in Party Pilipinas, then walang negative sa aming tatlo. Me, Louise and Enzo, wala po kaming negative na relationship.

"We're still friends, and nasa isang industry lang naman kami, one family [under] GMA Artist Center.

"So, we just support each other na lang po."

Nagsimula ang loveteam ni Alden at Louise sa Alakdana, na nagtapos noong May ng taong ito.

Kahit pa may ibang nanliligaw kay Louise, tingin naman daw ni Alden ay hindi ito makakaapekto sa loveteam nila.

"Not at all po, not at all," saad ng Kapuso young actor.

Paliwanag niya, "Kami po kasi ni Louise, we have an understanding na separate yung showbiz and personal life.

"So, parang naiintindihan ko siya if she would have affairs outside showbiz.

"Pero at all, wala pong effect, walang negative effect."

Paano kung maisipan ng network na paghiwalayin sila at ipares si Louise kay Enzo?

"Whatever po the decision of the network po, I trust them," mabilis niyang sagot.

"Kasi what they're planning for us is what's best for our careers po.

"So kung ano man po yung maging decision ni Atty. Felipe Gozon, nila Ma'am Yda [Henares], I'll just follow. Kasi it's for the betterment of both parties po, e.

"So, kung ano man po yung sabihin nila sa amin, kung ano man po ang mangyari in the near future, we trust them."

Pero sa ngayon daw ay ayaw pa niya ng solo career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po for now, hindi ko pa po masyadong makita na I'll go solo.

"Kasi parang as a new artist, loveteam is really essential, yun po talaga yung simula ng lahat.

"Pero it's a blessing na rin po, yung loveteam namin ni Louise all the way."

Bagamat wala pa siyang balak mag-solo, hindi naman daw niya gagamitin ang oportunidad na ito para lamangan ang kanyang "karibal" na si Enzo.

"I shouldn't say advantage, parang siguro ano na lang, asset, I should say," banggit niya.

"Parang since nga loveteam [kami ni Louise], bigger chance to court her and to get a good feedback, ganun.

"Pero for now po, kami ni Louise focus on what we have to do as a loveteam, e.

"We are love team, we have plans na dapat mangyari.

"Pero happy naman po kami ni Louise so far sa nangyayari sa career namin."

Tingin din daw niya, masasabi niya na ang malalim na pagkakakilala niya kay Louise ang lamang niya talaga kay Enzo.

"Kasi we've worked before, e. Before GMA-7, Alakdana, we worked together sa commercial ng Fun Snack. So that was like two years ago.

"So, kumbaga, ewan ko din po, pero I can say na I know Louise better.

"And siguro kasi madalas kaming magkasama sa shoot, siguro yung closeness na din po namin."

Kaya naman ang masasabi niya lang pagdating sa panliligaw sa kanyang ka-loveteam: "Give up? I shouldn't say give up.

"I should say waiting—waiting for her.

"Siguro kasi, parang I think she needs time pa, kasi she's just 17, e.

"Wala pa din naman din pong confirmation that Enzo and her are mag-on.

"So I'm still hoping and waiting for her, and the right time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN