Wendy Valdez not bothered to be labeled as "forever kontrabida"

IMAGE 0


"I don't think there's anything wrong para ma-label-an ka ng ganun. Kasi kung walang kontrabida, walang bida. So kumbaga sa isang casting ng isang show, lahat ng characters kailangan, importante din na magkaroon ng kontrabida. So I don't think there's anything wrong if ma-label-an akong forever kontrabida," says Wendy Valdez.


Una siyang napanood na kontrabida sa Filipino adaptation ng Colombian TV series na I Love Betty La Fea (2008) sa ABS-CBN.

Ngayon naman'y muling gaganap na kontrabida si Wendy Valdez bilang si Savannah sa adaptation ng Carlo J. Caparas komiks series na Bangis, na magsisimula sa Lunes, July 4, sa TV5.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Wendy sa grand presscon ng Bangis noong June 28 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, sinabi nitong muntik pa niyang hindi tanggapin ang project na ito.

"It was offered to me. Tapos muntik ko pa nga siyang hindi [tanggapin], pero inayos na yung schedule," banggit niya.

Masasabi raw niyang hindi siya nagkamali nang gawan niya ng paraan ang schedule niya para matanggap ang project na ito.

"It's fun!" bulalas niya.

"Yun nga, sabi nga nila, it's refreshing, iba naman.

"So far, we're having fun, and everyone is great.

"So, wala pa naman masyadong ano, nagkakaproblema, everything's going well naman."

ON HER CAREER. Wala naman daw naging problema sa kanyang home network na ABS-CBN nang tanggapin niya ang project na ito ng TV5.

Meron pa din naman siyang projects sa Kapamilya network. Mamayang gabi nga, July 2, ay may appearance siya sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Nanalong first runner-up si Wendy sa Binibining Pilipinas noong 2005. Matapos noon ay sumali siya sa reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother Season 2 (2007), kung saan nabansagan siyang "bad girl."

Hindi naman daw malaking adjustment para kay Wendy ang pagtatrabaho sa Kapatid network. Wala naman daw kasi itong masyadong pinagkaiba sa working environment sa ABS-CBN.

"Wala naman talagang sobrang malaking difference," banggit niya.

"It's just that, iba lang yung mga nakasama kong artista na hindi ko pa nakasama before.

"So, iba naman yung feel, kasi siyempre kami sa [ABS-CBN], kami-kami lang din yung nagkaka-work, tapos parang magkakasama na kami dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, siyempre minsan pag lilipat ka ng network, parang natatakot ka, baka iba yung maging ano sa ibang artists, kasi hindi pa nakasama.

"But so far, everything's going well naman, 'tsaka mababait din naman yung mga artista."

BEING A KONTRABIDA. Masaya raw si Wendy sa role niya sa Bangis, kahit pa kontrabida ang role niya. Hindi naman daw kasi siya mapili sa role na gagampanan niya.

Matatandaang naging bida siya noon sa ABS-CBN teleserye na Margarita (2007), kung saan gumanap siya bilang isang babaeng nagtatrabaho sa club para buhayin ang kanyang pamilya.

"Wala naman akong mas in favor of [na role]," sambit niya.

"Actually, parehas naman na okay. A side of bida, a side of kontrabida, okay naman parehas.

"Meron naman siyang iba't ibang perks, at iba't ibang advantages.

"So, halimbawa, kung kontrabida ka, mas konti lang yung mga crying scene mo, mga ganun."

Kaya naman daw kahit ang maging recall sa kanya ng mga tao ay "forever kontrabida," wala daw problema si Wendy doon.

"I don't think there's anything wrong para ma-label-an ka ng ganun.

"Kasi kung walang kontrabida, walang bida.

"So, kumbaga, sa isang casting ng isang show, lahat ng characters kailangan, importante din na magkaroon ng kontrabida.

"So, I don't think there's anything wrong if ma-label-an akong forever kontrabida."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN