It's a baby boy for Regine Velasquez and Ogie Alcasid!

IMAGE 0


Asia's Songbird Regine Velasquez made a special appearance in Party Pilipinas today, July 3, to announce that she and husband Ogie Alcasid are expecting a baby boy.


"We're having a boy!"

Ito ang announcement ni Regine Velasquez-Alcasid tungkol sa kasarian ng kanilang unang anak ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Ginawa ni Regine ang announcement sa Party Pilipinas kanina lamang, July 3.

Sinamahan ni Regine ang mister niya na si Ogie sa studio ng musical-variety show ng GMA-7 dahil may sakit daw ang comedian-singer.

Noong una ay nasa backstage lang si Regine, na naka-leave sa Party Pilipinas dahil sa kanyang pagbubuntis.

Pero sa production number ni Ogie kasama ang iba pang singers ng show na sina Janno Gibbs, Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado, Glaiza de Castro, at Janine Gutierrez, kung saan kinanta nila ang ilang OPM love songs, ay nanood si Regine kasama ng ibang audience.

Pagkatapos ng production number ay nilapitan nina Ogie at Janno si Regine at kinumusta ang kalagayan nito.

Nahihiya raw kasing lumabas ngayon sa TV si Regine dahil mukha siyang "kalabaw."

At dito na nga excited na inanunsiyo ng Asia's Songbird na lalake ang unang magiging anak nila ni Ogie.

Kuwento naman ni Ogie, kahapon ay nagpa-ultrasound si Regine at doon nila nakita na may "extension" ang kanilang anak.

Nang tanungin naman ni Janno kung ano ang mga naiisip nilang pangalan, sinabi ni Regine na okay lang sa kanyang ang "Timothy Joseph."

Pero mas gusto raw nila ang "JT." Biro nga ni Ogie ay "James Taylor."

Almost five months na ang dinadala ni Regine.

May dalawa nang anak si Ogie mula sa kanyang unang asawa na si Michelle Van Eimeren, sina Sarah at Leila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN