Temptation Island girls Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, and Solenn Heussaff answer "tempting" questions about men and love

IMAGE 0


Three of the stars of Temptation Island—Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, and Solenn Heussaff—guest on Startalk TX and play with the letters of "temptation."


Kagabi, July 3, ay ginanap ang successful premiere ng Temptation Island sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Dinaluhan ito ng halos lahat ng cast members—except for Heart Evangelista and Aljur Abrenica na parehong nasa abroad—at ilan pang mga artista at pulitiko.

Pero isang araw bago ang premiere night ay nag-guest nang live sa Startalk TX ang tatlo sa cast ng pelikula—sina Rufa Mae Quinto, Solenn Heussaff, at Lovi Poe.

Ang unang tinanong ay si Solenn kung gaano ka-daring ang kissing scenes nila ni Mikael Daez sa movie remake na ito ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.

"Dila-to-dila!" ang pagbibiro ni Solenn.

"Tongue-to-tongue," ang muling sinabi ni Solenn since ang mga isasagot dapat nila sa mga tanong ay base sa mga letra ng salitang "temptation."

Tinanong naman si Lovi kung na-tense siya sa halik ng co-star niya sa pelikula na si Aljur Abrenica; paano niya ide-describe ang halik nito?

"Exciting," description niya sa halik ng hunky actor.

"Entertaining, very entertaining," pahabol pang sinabi ni Lovi.

Sa letrang M naman, tinanong si Rufa Mae kung ano ba talaga ang estado ng lovelife niya ngayon.

"Make-out make-out lang," ang pagsalong sagot ni Solenn para kay Rufa Mae.

"That's what you call momol!" patawang pagsang-ayon naman ni Rufa Mae.

Dating may relasyon sina Solenn at Derek Ramsay, kaya sa letrang P, paano ide-describe ni Solenn si Derek bilang boyfriend?

"Professional!"

Sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central last week, lie ang resulta sa sagot ni Lovi na hindi siya nililigawan ng Chinese model na si Ji Huan Bo o Rock. Kumusta na nga ba ang lovelife ni Lovi? (CLICK HERE to read related story.)

"Tame, it's tame," sagot niya.

"Tahimik! Yes, perfect... tahimik," dagdag pang sagot ni Lovi.

Tinanong naman si Rufa Mae kung totoo bang replacement lang siya sa movie, since ang tanong sa kanya ay kung ano ang feeling niya na napunta sa kanya ang role na originally intended daw for Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong movie na Temptation Island, it was offered to me, ano na, e, sarado na silang lahat except yung character na Nimfa.

"It's really meant... ay A pala, 'no?" pag-alala niya sa mga letra ng "temptation."

"Ah love it! Ah love it, kasi it's meant for me. Ah love it and I really do!" pagpapakuwelang sagot ni Rufa Mae.

Balitang kahawig ni Solenn ang bagong inspirasyon ni Richard Gutierrez, kaya tinanong naman ng dalaga kung ano ang wish niya para kay Richard at sa bago nitong inspirasyon.

"Ano ba... totoo," na ang ibig sabihin ni Solenn ay totohanin ni Richard ang girlfriend nito ngayon.

Samantala, dahil sweet lagi sina Lovi at Richard, tinanong si Lovi kung ano ba talaga ang set-up nila ng Captain Barbell co-star niya.

"I and Richard are friends, are good friends," sagot ni Lovi sa letrang I.

Si Rufa Mae ang nagpauso ng "Todo na'to!"; sa letrang O, ano ang susunod niyang pauusuhin?

"O? 'Oh, lala!' Iyon ang pauusuhin ko. O kaya 'Oh, love it!'" ang tumatawang sagot ni Rufa Mae.

Pina-describe naman sa tatlong female stars sa letrang N ang pelikula nilang Temptation Island...

"Nakakaloka" ang mabilis na sagot ni Solenn.

"Nakakawindang" naman ang ginamit na adjective ni Lovi.

At ayon kay Rufa Mae, "Nakaka! Iyon, talagang iyon ang mararamdaman mo!

"Nakakatuwa, nakaka-happy, nakakaaliw, nakaka-tempt, lahat na kaya nakaka... Iyan ang mararamdaman ninyo—nakaka!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN