Rocco Nacino admits "dating" Sheena Halili; "proud and honored" to grace cover of Men's Health

Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg">

Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg">

IMAGE 0


"We have mutual understanding. Nasabi ko naman po dati na special po siya sa akin... We're taking things slowly. We're not in a rush yet. Parehas kaming busy," says Men's Health cover boy Rocco Nacino about Sheena Halili (inset).


Ang July 2011 issue ng Men's Health ang kauna-unahang solo cover magazine feature ni Rocco Nacino. Kaya naman very "proud and honored" ang Second Prince ng StarStruck Batch 5.

Kuwento nga ni Rocco, nagulat siya nang malaman niya na magku-cover siya sa Men's Health.

"Una po, akala ko ipi-feature lang, pero kinunfirm ko sa handler ko, magiging cover nga po talaga ako.

"Na-excite po ako. Panay ang pasasalamat ko sa Artist Center... tapos sabi ko paghahandaan ko talaga 'yan," sabi ni Rocco sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center at Men's Health noong Biyernes ng tanghali, July 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang sabi raw kay Rocco ay pagkatapos ng Holy Week siya magpi-pictorial para sa Men's Health, na isa sa magazines ng Summit Media.

Pero aniya, "E, Holy Week, that's the time you get to rest, you recharge, tapos kain po kami nang kain no'n!

"Tapos, humingi po ako ng preparation from Men's Health. Sabi ko, at least one month para sure na maganda ho. Pero they only gave me until two weeks."

Naganap ang pictorial niya noon lang daw June.

Ano namang preparations ang ginawa niya for his pictorial? Hindi ba siya kumain?

"Kumakain naman po ako, pero ang ginawa ko, saba and kamote 'tsaka vegetables. Para tuloy-tuloy ang daloy ng pagkain sa katawan, para may fiber. Para hindi ako ma-constipate.

"Tapos ang workout ko, regimen ko, twice a day for two weeks. Mga two hours per session.

"Kapag libre po ako, yun po, nagtu-twice a day. Pero that time po, nagsu-shoot po kami ng indie film namin, after ng taping, diretso po ako ng gym.

"Tapos, habang nagte-taping po, in between takes, nagbubuhat po ako," kuwento ni Rocco.

Pareho ba ito ng preparation niya noon sa Cosmo, kung saan naging centerfold siya last year?

"Mas matindi po 'to," nangingiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre Men's Health, iba rin 'to. Kaya parang sabi ko sa sarili ko, I have to deliver talaga. I have to be at my best."

Masaya naman daw si Rocco sa kinalabasan ng kanyang kauna-unahang solo cover pictorial.

Kuwento pa niya, "Pero sa shoot mismo, I was eating pizza and Coke para lumabas po yung ugat."

Paliwanag niya rito, "When you are deprived of sodium for two weeks, tapos biglang kain ng pizza and Coke, makikita... Mabibigla yung ugat n'yo 'tsaka muscles, lalaki po siya, puputok siya."

Pero ayaw raw niyang maging buff nang husto dahil hindi naman daw siya katangkaran.

"Mas magmumukha po akong maliit," sabi ni Rocco, na isang enthusiast ng Muay Thai at Jujitsu."

LUCKY IN LOVE. Mukhang hindi uubra kay Rocco ang kasabihang kapag ang isang artista ay successful sa kanyang career, tiyak na magsa-suffer naman ang kanyang lovelife.

Blooming ngayon ang showbiz career ni Rocco dahil sa kaliwa't kanang projects niya sa TV at pelikula, bukod pa sa cover pictorial niya sa sikat na magazine gaya ng Men's Health.

Pero hindi rin naman pahuhuli ang kanyang lovelife dahil inspirasyon niya ngayon si Sheena Halili.

Parehong produkto ng reality-based artista search na StarStruck sina Sheena at Rocco; si Sheena noong Season 1 at si Rocco noong Season 5.

Unang nagkatrabaho sina Rocco at Sheena sa defunct GMA-7 sitcom na Kaya ng Powers. At dito na rin nagsimula ang pagkakaibigan nila na mukhang mauuwi sa mas malalim na pagtitinginan.

Bagamat madalas silang makitang magkasama lately, nililinaw ni Rocco na hindi pa sila opisyal na magkasintahan ni Sheena.

"We are dating," paglalarawan ng binata sa estado ng relasyon nila ngayon.

May mutual understanding na sila?

"We have mutual understanding. Nasabi ko naman po dati na special po siya sa akin," sabi pa ni Rocco.

Iginiit ni Rocco na hindi sila nagmamadali ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're taking things slowly. We're not in a rush yet. Parehas kaming busy," paliwanag niya.

Pero kumusta na sila ngayon?

"Lumalabas po kami. Things are going well. Kapag may oras po, nagkikita kami. Nag-uusap kami palagi."

Dinadalaw ba niya si Sheena sa bahay nito sa Pampanga?

"Kapag may time po," medyo natatawang sagot ni Rocco.

Nilinaw rin ni Rocco ang pagtanggi niya noon sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central na dumadalaw siya kay Sheena.

Ilang buwan na raw ang nakalipas noon at marami nang nangyari.

"Since then, things have been better. Naging close kami. Nakadalaw ako, nakilala ko na yung parents niya," banggit ni Rocco.

Dinadalaw rin ba niya ang dalaga sa taping nito ng Amaya?

"Hindi pa po ako nakakapunta, kasi nagte-taping na rin po kami ng danserye, e," banggit ni Rocco sa kinabibilangan niyang palabas sa GMA-7, ang The Time of My Life.

Pinapanood niya ba si Sheena sa Amaya?

"Pag may oras po...pag naabutan ko po."

Gumaganap si Sheena bilang isang uripon (alila) sa Amaya, at required sa role nito ang mag-topless sa kanyang mga eksena.

Tinanong si Rocco kung kailangan bang nagpaalam sa kanya si Sheena na magta-topless siya sa Amaya.

"Hindi po, hindi po. Trabaho po 'yon. Hindi po ako mangingialam sa trabaho niya," sagot niya.

Kung si Rocco ay nakapag-pictorial na nang sexy sa Cosmopolitan at Men's Health, papayagan ba niya kung saka-sakali si Sheena na mag-pose sa FHM?

"Kung gusto po niya, sige," sagot ni Rocco.

Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg">


Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg"> Men's Health" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/26056/rocco-nacino-admits-dating-sheena-halili-proud-and-honored-to-grace-cover-of-mens-health" data-desc="Rocco seems to be lucky in both career and love." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e226721b5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN