Ellen Adarna will undergo breast augmentation surgery even if her boyfriend will not approve

IMAGE 0


"Walang makeup, rugged, tapos it's black and white na medyo grungy. So, you wouldn't know that it's me. If you'll see the picture, it's art," says Ellen Adarna.


Nakapasok sa top 10 ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 ang tinaguriang Internet celebrity at napapanood gabi-gabi sa Captain Barbell na si Ellen Adarna.

Si Ellen daw mismo ay hindi makapaniwala na siya ay No. 10 sa dami ng magaganda at sexy.

"Of course, I didn't expect na Top 10 agad. Considering that it's my first time to get into the list of 100 Sexiest and then, pasok agad ako sa Top 10. Of course, I'm happy, flattered and overwhelmed," sambit niya.

Natawa si Ellen when asked during the FHM press conference at Midas Hotel last Saturday, July 2, kung ngayong nasa Top 10 na siya ay puwede na siyang sumayaw at kumanta.

Sinasabi kasing isyu kay Ellen ang pagsayaw at pagkanta onstage.

"O, sige na nga, puwede na!" sabi niya.

"Actually, okay naman sa akin na sumayaw. Ang problem ko lang, kulang ang days sa rehearsal.

"Of course, ayoko rin na magmukhang tanga in front of everyone, na hindi ako makapag-rehearse. Usually, it's one day or two days before the show.

"And I guess, kailangan ko pa ng mga dancing workshops para maging confident ako sa pagsayaw ko.

"But of course, I know how to dance naman."

BOOB JOB. Naging very vocal din si Ellen sa pagsasabing iga-grab niya sakaling mabibigyan siya ng chance na may ipabago sa kanyang katawan.

"To be honest, my boobs," mabilis niyang sabi.

"Yes, why not? If I'll be able to convince myself, why not? I really like. Honest."

If ever, up to what extent niya kayang magpaka-sexy at daring?

"If I'll gonna have new boobs, is that what you mean?

"Hindi naman, I'm just gonna be the same, it's just the boobs that's new."

Kung may best asset naman siya, sa palagay niya, ano yun?

"My nose!" natatawang sabi niya.

"That's what my fans tell me na yung asset ko raw is my nose. Sige na lang, my nose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NUDE PHOTOS. Ni-reveal din ng sexy star na nasubukan na niyang mag-pose nang nude noong nagmo-model pa siya.

"When I was modeling, I did. But it was very artsy and it wasn't the type na paganda.

"Walang makeup, rugged, tapos it's black and white na medyo grungy.

"So, you wouldn't know that it's me. If you'll see the picture, it's art."

Sinasabing si Ellen ay isang Internet celebrity. Sa tingin niya ba ay nakatulong ito para makapasok siya sa FHM Sexiest list?

"I think, that's what got me here. That really got me here.

"So, it helped me 100 percent, I guess," nakangiti niyang sabi.

Naniniwala rin si Ellen na malaking tulong na napapanood siya sa isang show gaya ng Captain Barbell.

"Yes, because of my sexy costume," aniya.

Si Sam Pinto ay kinarir daw ang mag-campaign kaya siya nag-No. 1. Si Ellen ba ay may ginawa ring gimmick para makuha niya ang 10th slot?

"Ako kasi, hindi kasi ako active sa Twitter. Nagtu-tweet ako like once a day or once in two days.

"But every time na naka-log-in ako, I always ask the fans to vote for me. Ganoon lang."

NOT SUBMISSIVE. Aminado si Ellen na may non-showbiz boyfriend siya ngayon na siguradong manonood sa pagrampa niya sa victory party ng FHM come July 14 at The World Trade Center.

Sa plano niyang magparetoke ng boobs, okey lang ba ito sa kanyang boyfriend?

"Well, of course, he doesn't approve. But it's my choice, so wala siyang magagawa," sabi ng sexy star.

She's not the type na susunod sa gusto ng boyfriend?

"Hindi naman. Ano ako, uto-uto or puppy?

"Parang I can decide on my own and I give him naman the freedom to decide on what he wants also.

"At saka, ever since talaga ako, even if I have a boyfriend, I'm not like, 'you can do this, you can't do that.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not talaga. We make our own decisions."

Noong malaman ng boyfriend niya na she landed on the Top 10 of FHM Sexiest list, anong naging reaction nito?

"He was like, 'I'm not surprised.' Ako pa yung na-surprise, 'Ikaw hindi?'

"So, boyfriend ko talaga siya," natutuwang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN