Kean Cipriano on his current status: Single and searching

IMAGE 0


"'Yan ang bagay na hinding-hindi ko iiwan sa buong buhay ko. Kasi 'yon ako, e, alam mo 'yon? Kumbaga, dito naman, hindi naman sa ano, pero naimbitahan lang naman ako dito sa showbiz na mundo, e, di ba? Pero nando'n talaga ako," says Kean Cipriano about his music career.


First time makakasama ng rocker-actor na si Kean Cipriano sa isang movie ang award-winning actress na si Eugene Domingo. Magkasama ang dalawa sa Ang Babae sa Septic Tank, ang indie film ni Marlon Rivera na kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Kean sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank noong July 1, Friday, sa Katre restaurant sa Scout Lazcano St., Quezon City.

Ipinahayag ng Callalily lead singer ang kanyang paghanga sa award-winning comedienne.

"I admire her… she's very lovely—Eugene Domingo, alam mo 'yon? That's how I see her."

"Alam mo 'yon, that's me, as a fan… And now as a friend, alam mo 'yon, I found a friend in her," sabi niya niya.

Sa maikling panahon na nagkasama sila sa paggawa ng pelikula, gano'n kabilis lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa?

"Yeah, oo naman!" sambit ni Kean.

"Hindi maiintindihan ng kahit na sino, kapag naging... kapag magaan 'yong loob n'yo sa isa't isa, e.

"Ako, magaan 'yong loob ko sa kanya. Alam mo 'yon, parang ang saya nung life, ang saya nung flow, ang saya nung atmosphere namin. Kaya ayun."

Ayos lang kaya sa binata na ma-link sa mas mature sa kanya?

"Yeah. Why not?" tugon ni Kean.

SINGLE OR IN A RELATIONSHIP. Napapabalitang single ngayon ang singer-actor, totoo ba ito?

"Yes I am, apparently," sabi niya.

Searching for someone ba siya ngayon?

"Ang corny ko naman kung sabihin kong hindi, di ba? Pero, oo naman, siyempre naman.

"Pag naman wala, naghahanap ka, e. Pag meron, naghahanap ka... Hindi, joke lang!

"Pag wala, naghahanap ka, e. Pero masyadong... Kung masyado seryoso 'yong... seseryosohin ko 'yong lahat ng nangyayari, mababaliw lang ako, e."

IDEAL GIRL. Ano ba ang qualities na hinahanap ng isang Kean Cipriano sa isang girlfriend?

"I always look for a respectful girl," sagot ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Respectful sa lahat ng bagay; na she knows how to respect me, my friends, my family, my faith, alam mo 'yon?

"A... respectful girl.

"Physical? Basta pasok siya sa... basta attracted ako.

"Basta attracted ako sa kanya, kung ano 'yong itsura, hindi ko alam.

"Pero basta attracted ako sa kanya, tapos na 'yon.

"Basta attracted ako, basta na-attract ako, wala na akong pakialam do'n."

Naugnay noon si Kean kina Danita Paner, Arci Muñoz, at Rachelle Ann Go.

FIRST. Ang Ang Babae sa Septic Tank ang kauna-unahang pelikula ni Kean.

"It's my very first. I was devirginized in this movie!" biro pa niya.

Kumusta naman ang experience niya sa movie na ito?

"Saya, saya! Nung una, kabado ako.

"I don't really work, I just played, alam mo 'yon?

"'Yong una kabado, kabado, indie film... Una, indie film, iba talaga sa TV," sabi niya.

Ano ang mas fulfilling para kay Kean, ang TV or movie?

"Both. Both... It's a two different categories, pero nasa isang branch lang sila, e. Did you get me?

"Parang ano 'yan, e, parehas siyang entertainment, parehas siyang may camera, parehas siyang acting, alam mo 'yon? Pero ibang dimension lang siguro.

"Kasi siyempre, sa TV, ang gagawin mo, may pressure 'yan, e. May rush 'yan na kailangan mapalabas na 'to. So, kailangan tapusin na natin 'to, matapos ng alas-siete ng umaga. Alam mo 'yon?

"So, ito namang movie, parang kumbaga, parang mas refined siya na TV, alam mo 'yon? 'Yong may lahat ng mga eksena na kailangan, alam mo 'yon?

"May sense ba 'yong sinasabi ko?" natatawang sabi niya.

MUSIC CAREER. Unang nakilala ang aktor bilang lead singer ng bandang Callalily. Kumusta na ang music career niya? Tuluy-tuloy pa rin ba siya kahit meron na siyang acting career?

"Oo naman, oo naman," sagot ni Kean.

"Number one—always. Number one 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan ang bagay na hinding-hindi ko iiwan sa buong buhay ko. Kasi 'yon ako, e, alam mo 'yon?"

"Kumbaga, dito naman, hindi naman sa ano, pero naimbitahan lang naman ako dito sa showbiz na mundo, e, di ba? Pero nando'n talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN