Kristine Hermosa is okay about having 10 kids with husband Oyo Sotto

IMAGE 0


"Honestly, kung saan may magandang offer. Kung saan din may magandang story. Kumbaga, project na talagang mararamdaman ko talaga na it's really for me. So, wala namang problem," says Kristine Hermosa about the possibility of moving to another network when she returns to showbiz.


Pinalad na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong buwang buntis na si Kristine Hermosa sa dressing room area ng Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, July 3.

Sinamahan kasi ni Kristine ang asawang si Oyo Sotto sa guesting niya sa naturang showbiz talk show ng TV5 para mag-promote ng pinagbibidahan nitong teleserye sa Kapatid network. Ito ay ang Bangis, na mapapanood na simula mamayang gabi, July 4, pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Kasama rin ng mag-asawa that afternoon ang adopted son nilang si Kiel, na magti-three years old na this coming August.

Kaagad kinumusta ng PEP ang pagbubuntis ni Kristine.

"Okay naman ako. Super happy. Actually, hindi ako maselan," sabi ng aktres.

Kapansin-pansing maganda pa rin si Kristine kahit buntis. Hindi pa gaanong halata ang kanyang tiyan. Pumayag pa nga siyang kunan ng picture para makita ng PEP readers ang hitsura niya ngayon.

Ano kaya ang pinaglilihian niya?

"Puro maaasim. At saka si Oyo," mabilis niyang sagot.

Sabi nga ni Oyo sa interview sa kanya ng PEP, feeling daw niya ay siya ang pinaglilihian ng asawa. Lagi raw siyang hinahanap ni Kristine at ayaw siyang paalisin ng bahay. (CLICK HERE to read related story.)

"Oo, ayoko siyang mawala sa tabi ko."

Anong partikular na bahagi ba ng katawan ni Oyo ang gustung-gusto niyang tignan nang madalas?

"Gusto ko yung mata niya. Masarap lang tingnan."

Naikuwento rin ni Oyo na isang madaling-araw ay nagpahanap daw ng manggang hilaw si Kristine. Mabuti na lang daw at sa bakuran ng ama ni Oyo na si Bossing Vic ay kasalukuyang may bunga ang mga puno ng mangga.

"Buti na lang may mga puno sila ng mangga ro'n. Kaya napagbigyan niya ako," natutuwang sagot niya.

MORE BABIES COMING. Ano kaya ang pakiramdam ni Kristine na ilang buwan lang matapos silang ikasal ay nabuntis na siya agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, biglang ibinigay. Thankful ako kasi gusto naming magkaroon ng sampu.

"So, parang simula na, ngayon pa lang," biro ni Kristine.

Nagtutugma naman sila ng pahayag ni Oyo na gusto nila ng maraming anak.

"Go ako diyan basta maganda pa rin ang figure ko. Yun talaga ang gusto ni Oyo—sampu!

"Malaki na yung family nila, so mas palakihin pa natin."

IN-LAWS. Kumusta namang in-laws sina Bossing Vic at Ms. Dina Bonnevie?

"Super-duper loving and talagang ipaparamdam nila sa iyo na mahal ka nila. They care for you, they support you.

"So, talagang extended lahat sa family."

Kumusta naman siya bilang asawa? Ipinagluluto ba niya si Oyo?

"Hindi ako nagluluto ngayon kasi medyo tamad ako these days," sagot ni Kristine.

"Pero yung mga gamit niya sa taping, ako ang nag-aayos. Yun na lang ang magagawa ko, e. At saka mag-supermarket.

"Yung lutu-luto kasi hindi ko forte 'yan, e. Lately, mas gusto kong kumain nang kumain."

STILL GOING BACK TO SHOWBIZ. Nami-miss ba niya ang showbiz? Babalik pa ba siya pagkatapos manganak?

"I really love to," sambit ni Kristine.

"At saka yung mga supporters ko rin, super. Grabe lang silang supportive.

"Alam mo yung talagang hahanapin nila ako sa mga gatherings. So, I really appreciate them and nami-miss ko rin sila."

Sa ABS-CBN ba siya magka-comeback, or open na siya sa ibang istasyon katulad sa TV5?

"Honestly, kung saan may magandang offer. Kung saan din may magandang story.

"Kumbaga, project na talagang mararamdaman ko talaga na it's really for me. So, wala namang problem."

Ibig sabihin ba nito wala siyang kontrata sa ABS-CBN, o sa Star Magic?

"Mahal ko lang talaga sila Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic] at saka si Tita Mariole [Alberto]," makahulugang sabi ni Kristine.

Kailan pa siya walang kontrata sa Channel 2?

"Matagal na po. Matagal," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NADINE & OYO. Hindi rin pinaligtas ng PEP sa intriga si Kristine.

Ang ex-girlfriend kasi ni Oyo na si Nadine Samonte ay lumipat na sa TV5. Okay lang ba sa kanya sakaling magsama sa isang project sina Oyo at Nadine?

"Wala namang problema basta trabaho lang," sagot niya.

"At saka alam naman ni Oyo kung ano yung mga limitations niya and nagtitiwala naman ako sa kanya.

"Maka-Diyos naman 'yang tao na 'yan. So, takot na lang niya!" natatawang sabi ni Kristine.

How would she describe Oyo?

"Good husband and father," pagmamalaki ni Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN