Gov. ER Ejercito movie Kingpin: The Asiong Salonga Story "too violent" for MMFF

IMAGE 0


"Ako'y nasasaktan, lalo na yung producer naming si Ma'am Mylene Enriquez dahil napakaganda ng pelikula namin at malapit nang matapos. We are trying our best to make a quality film na puwedeng ipagmalaki ng Pilipinas sa ibang bansa. We'll bring this movie to the festival in Rome, Dubai, at Korea," says Laguna governor ER Ejercito about the failure of his movie, Kingpin: The Asiong Salonga Story, to enter the MMFF this year.


Eight shooting days na lang at matatapos na ang principal photography ng comeback movie ni Laguna governor ER Ejercito where he portrays the lead in Kingpin: The Asiong Salonga Story with award-winning director Tikoy Aguiluz at the helm.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gov. ER sa shooting nila sa Pagsanjan Laguna last Sunday evening, July 3, ipinagmalaki nito ang in-import daw niyang international fight instructor-director galing Thailand na si Seng.

"He's a friend of Direk Tikoy Aguiluz," kuwento ni Gov kung paano niya nakilala ang Thailand-based stunt director.

"You know naman Tikoy, he's very, very influential. Yung koneksiyon niya sa international market, or film market, malawak.

"Ang mga pelikulang nagawa ni Seng ay Ong-Bak 1 sa Thailand. Tapos yung Scorpion King 3 at saka yung Bangkok Dangerous ni Nicolas Cage.

"Mahal siya. We're paying him in baht, Thailand currency.

"First time niyang gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas. Puro Hollywood, e."

TOO VIOLENT. Inamin ni Gov. ER na affected siya sa hindi pagkakapili ng screening committee ng Metro Manila Film Festival sa Kingpin bilang official entrysa annual filmfest.

"Ako'y nasasaktan, lalo na yung producer naming si Ma'am Mylene Enriquez dahil napakaganda ng pelikula namin at malapit nang matapos.

"We are trying our best to make a quality film na puwedeng ipagmalaki ng Pilipinas sa ibang bansa. We'll bring this movie to the festival in Rome, Dubai, at Korea," sabi niya.

Bakit kaya hindi pumasa sa screening committee ng MMFF 2011 ang kanyang pelikula?

"Nagustuhan ng jurors ng MMFF pati yung script na ginawa ni Roy Iglesias, na magaling na screenwriter. Award-winning yung mga screenplay niya, like yung Mano Po, at iba pa.

"Unfortunately, masyado raw violent. Maraming patayan.

"Yung tatlong requirement sa international market nandito lahat. Unang-una, [destruction] of property, authority, and display of nudity," nakangiting kuwento ng actor-politician.

"Maganda yung pelikula at saka it's in black and white. Gagawin yung ano [processing] nito sa Thailand. Malaki rin naman ang gagastusin ng producer natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkakaroon lang ng kulay yung dugo. Yung lalabas sa katawan ng tao. Parang Kill Bill, 300, or Schindler's List.

"E, Pasko raw kasi sabi ng jurors. Masyado raw violent, parang glorifying a criminal ang tema.

"Siyempre, may moral lesson naman ito. Isa na nga yung, 'sinuman ang nabubuhay sa baril, sa baril din mamatay.'

"At saka, 'masarap mamatay sa kamay ng kaaway ngunit mahirap mamatay sa kamay ng kaibigan.'

"Kasi true story ito. Ang pumatay sa akin dito, kanang-kamay ko na si Erwin Toothpick, played by Baron Geisler."

Hindi ba sila umapela sa MMFF?

"May mga nagbanggit sa mga kaibigan natin na baka nga may mag-backout, kami ang isasalpak. Okey lang naman," umaasa niyang sabi.

Baka naman napulitika sila kaya hindi napasama sa official entries?

"Ang nakita ko, puro fantasy, horror, at drama ang ipinasok. Walang action.

"Yung isa lang, Mr. Wong ni Robin Padilla. Hindi pa nag-uumpisa. Kami matatapos na.

"Ayaw nila ng quality film, anong magagawa natin? Gusto nila ng mga slapstick comedy at fantasy."

Sa abroad muna unang ilalabas ang Kingpin at posibleng isali raw ito sa Busan Film Festival sa Korea. Susunod naman daw ay sa Rome at Dubai.

Umaasa si Gov. ER na masasali sa competitive division sa festivals abroad ang kanilang movie.

"Mas maganda nga kung ma-nominate na best picture, best photography, best actor," sabi niya.

Pero umaasa rin ang actor-politician na mare-reconsider ang kanyang pelikula sa MMFF 2011.

"Disappointed talaga ako," sabi niya.

"Kasi isa kami sa mga unang nag-submit ng script, e. Upon submission of script, I had to pay 20 thousand [pesos]."

Paano kung mapasama nga sa entries ang Kingpin, pero sa MTRCB naman magkakaproblema dahil sa violent content ng pelikula?

"Alam naman natin ang limitation sa SM at Robinson's Galleria. Pero gagawa ng dalawang versions. One uncut and one edited version. Yung uncut sa international market," paliwanag ng gobernador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL THE WOMEN. Sina Carla Abellana, Valerie Concepcion, Paloma, at JC Parker ang leading ladies ni Gov. ER sa movie. Siya ba ang personal na pumili sa kanila?

"Sinasabi naman nila sa akin kung sino yung available. Nagbi-brain storming kami, minsan tinatawagan nila ako.

"Busy ako sa Kapitolyo, e. Sabi ko, 'Bahala kayo kung sino ang gusto ninyo.'"

Wala raw siyang kissing scene with Carla, pero meron daw kay Valerie. Sa lahat daw kasi ng mga babae sa buhay ni Asiong Salonga, yung character ni Valerie ang pinakamahal nito.

"Maraming pinagpilian na mga artista, depende sa availability. Ito nga yung mga pumuwede. Si Carla from GMA-7, then si Valerie from ABS-CBN."

Nakarating na rin kay Gov. ER na idedemanda raw ni Mother Lily si Carla dahil sa pagtanggap niya ng pelikula sa labas ng Regal Films.

"Lagi naman akong tinatawagan ni Mother. Madalas kaming mag-usap.

"Actually, natutuwa siya na isinama ko si Carla. Ang problema lang niya sa festival, meron din siyang entry. Yung Yesterday, Today, and Tomorrow na dapat si Carla ang bida rin.

"E, hindi pa rin yata nagsu-shooting. Iniisip niya na baka magka-conflict.

"Sabi ko, support lang naman si Carla dito. Ako yung lead.

"Wala naman kaming problema ni Mother. Ang problema ni Mother, doon sa manager ni Carla na si Arnold Vegafria.

"Pero okey naman. No'ng sa Star Awards, binigyan kaming dalawa ni Mother ng award. Nagkakatawanan pa kami.

"Madalas kaming magkausap. Pare-pareho kaming binigyan ng award. Ako, si Carla, at si Mother.

"Pag nag-uusap naman kami wala namang problema, e. Baka kailangan lang ng publicity," pabirong sagot ni Gov.

Nasa 70 percent na raw ang nakukunan nila sa pelikulang Kingpin. Dapat nga raw ay tapos na sila, pero na-delay dahil sa limang araw na walang tigil na pag-ulan.

CHANCE TO CHANGE. Puring-puri rin ni Gov. si Baron Geisler hindi lang bilang isang actor kundi bilang isang indibidwal na nagbabagong-buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait si Baron," sambit niya.

"Kami ang magkasama ngayon nina John Regala. Kami'ng magkakasama nina Phillip [Salvador] dito, kaya lahat ng payo ibinigay namin kay Baron. Nakikinig naman.

"Lagi nga naming niloloko, e. Sabi namin, 'Masarap ang lambanog dito.' Ayaw raw niya.

"Ilang buwan din siya roon [rehab]. Walang alak, sigarilyo, at walang girls.

"Napapanood ko na noon pa si Baron. Ako ang nag-request sa kanya dito. Para siyang younger version ng mga nagkokontrabida.

"Kami nina John, lahat ng payo ibinibigay namin sa kanya. Na iwasan na yung mga dati niyang bisyo at tuluyan na siyang magbagong-buhay. Very seldom na nabibigyan ang isang artista ng isa pang break.

"Pag nagsimula yung shooting ng El Presidente, siya ang gagawin kong Gregorio del Pilar. Kasama rin si John Regala.

"Galit nga ang producer ko dahil tatlong pelikula ang gagawin ko.

"After Asiong Salonga, isusunod ko ang Emilio Aguinaldo, then Boy Golden. True story ito ni Arturo Fortuna.

"Kung yung kay Asiong Salonga, '50s. Ito namang Boy Golden, '60s. Ganster rin."

May special participation ba ang tiyuhin niyang si dating Presidente Joseph Estrada na siyang unang gumanap bilang Asiong Salonga?

"Kinukumbinsi ko pa. Nasa script, e. Parang ninong ko siya sa story," sabi niya.

"Every Sunday nagkikita kami, e.

"Hindi naman ako magiging mayor kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magiging artista kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako magiging governor kung hindi dahil sa kanya."

Maging si Senator Bong Revilla ay may special appearance sana sa movie, pero may problema sa pagiging public servant nito.

"Kasi yung character niya dito, hoodlum. E, senador siya.

"Gagawin ko sana siyang mayor ng Muntinlupa jail. E, hindi nauukol sa image niya, e," esplika ng character actor.

Hindi naman kaya ang image niya bilang governor ang maapektuhan dahil hoodlum story ang ginagawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, dati na akong demonyo sa mga ginagawa kong pelikula, pero naging mayor ako. Naging governor.

"Alam naman ng mga tao na trabaho lang ito. Sa tunay na buhay, anghel de la guwardiya naman talaga ako.

"Dati akong sakristan for eight years. I'm proud of Opus Dei which is a Catholic organization," saad niya.

Planong isama ni Gov. ER ang mga anak niyang lalake sa pelikula para daw ma-experience nila kung paano maging isang aktor gaya niya.

Hinahanapan pa lang niya ng eksena kung saan nababagay ang kanyang mga binata. Baka puwede raw ang mga ito sa night club scene or wedding scene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN