(UPDATED) Heart Evangelista's Twitter account allegedly hacked to lambast Marian Rivera

IMAGE 0


Fans of Heart Evangelista immediately clarified that the recent tweets posted on Heart's Twitter account—where Marian Rivera was called "bobita"—could not be coming from their idol.


Nagulantang ang mga showbiz fans na nasa Twitter nang mabasa nila ang "tweets" na nasa timeline ng account—@heart021485—ni Heart Evangelista kaninang umaga, July 6, tungkol kay Marian Rivera.

Direktang tinawag ni "Heart" si Marian na "bobita" at "marianita bobo" sa isang tweet.

Heto ang unang nai-post: "Gudmorning everyone!!!very sad today..super stress ako ky marianita bobo!!"

Sumunod ang, "Aminin ko na sinigawan ni mommy c Marian sa airport ng 'stay away from my daughter'"

Kasalukuyang nasa Brazil ngayon ang aktres, at ang isa pa nitong tweet: "Humanda ka sa akin Bobita malapit na ako umuwi Jan d kta uurungan!!!"

Tila hindi makapaniwala ang karamihan sa kanyang followers—na as of July 6 ay 258,134 na ang bilang—na nanggaling kay Heart ang tatlong huling tweets na ito sa kanyang Twitter account.

Ito ay sa kabila ng isyu sa pagitan ng dalawang aktres na magkasama sa pelikulang Temptation Island.

Marami ang naghihinala na na-hack ang Twitter account ni Heart at ang mga tweets ay may intensiyong pagliyabin ang kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Marian.

At ito nga ang mabilis na nilinaw ng Heartworld, ang grupo ng fans ni Heart, sa pamamagitan din ng Twitter.

Narito ang magkakasunod na tweets nila nai-post right after lumabas ang tweets sa account ng kanilang idolo:

"We would like inform you guys that Heart Evangelista's twitter account has been hacked.Any tweets from @heart021485 is not basically from her..Please RT."

"Twitter got hacked.We called her and she's in the mall right now shopping..Please beware."

"Please help us inform everyone that Heart's twitter account has been hacked."

"One more thing Heart is not using iPhone to tweet coz her twitter doesn't work there.If you will notice the recent tweets were posted using iPhone..Heart uses web to tweet..FYI!"

"Isa pa,hindi po Jejemon magtweet si Heart.."


DANIEL'S TWEETS. Kaugnay nito ay nag-post din ang boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga sa kanyang personal Twitter account—@dmatsunaga—tungkol sa pangha-hack diumano sa Twitter account ng kanyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Daniel, nagkatotoo na ang "threats" ng isang tao ("her") at nanawagan pa siya sa reporters para tulungan sila.

Narito ang magkakasunod na tweets ni Daniel kahapon:

"hearts account has been hacked by desperate fans!this is really too much,i guess "her"theats are coming true.to all the reporters help.

"hearts account has been hacked.to all the reporters pls help her do whats right.this was one of the threats to heart and its coming true...

"too much.dont you think.esp this was one of the threats that was said to her while they were in the room...

"'one text and papatayin ka nila.patay ka' those were her words.now they are trying to do everything to turn it around.please help me rtweet

"we were just in my titas house here in brazil all day...God sees everything....when we come back we will talk....and you guys all will see.

"please i ask u guys to help us while we cant do anything here in brazil..it is been complicated...cause we are trying to enjoy our trip.tks

"why do u guys think there was securities in the airport when heart arrived from taping??because things were said...and we will explain there."

HEART'S TWEETS. Pagkatapos nito ay ginamit ni Heart ang Twitter account ni Daniel para mag-post ng kanyang mensahe.

Narito ang tweets ni Heart sa Twitter account ni Daniel:

"its heart.wow...thankyou@heartworld for helping me fix that twitter account.one thing.she told me in that room"hawak ko lahat ng president

"..ng fans club ko kaya isang text papatayin ka nila,patay ka,umiyak si bella padilla sa pp dahil binoo..."i know why my account was hacked.."

"and this is really wrong."my last tweet till i get back to speak.i will say EVERYTHING.even the way she said it.mali na po talaga eto.godbs"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay nagbigay pa ng babala si Heart na baka rin ma-hack ang account ni Daniel:

"FYI if the mood changes with daniels account after this careful this account might also get hacked.we will let you know.@heartworld knows"

Matatandaan na hindi ito ang unang tweet ni Heart patungkol sa issue. Noong July 3 ay pinabulaanan ni Heart na sinigawan ng kanyang mommy si Marian.

Aniya, "FYI who ever said my mom screamed at marian pls come forward.my mom didnt even exchange a single glance with her."

Noon ding araw na yun ay nanawagan siya sa Twitter na i-forward sa kanya ang mga artikulong lumabas tungkol sa "airport issue" nila ni Marian.

"anybody else that can forward me articles about the airport issue?:)full details(names) please:) obrigada!:)"

"thank you but would really help if you guys can send the link?:)as many articles as you can find:)no blind items pls names are important:)"

Ten hours bago nai-post ang mga "bobita" and "marianita bobo" tweets, pinasalamatan pa ng Kapuso star ang kanyang fans na nagpunta sa premiere night ng Temptation Island noong July 3, Linggo, sa SM Megamall Cinema 9.

Tila nakarating din kay Heart na may ilang fans si Marian na nag-boo sa mga eksena nito. Ito ang lumabas na mensahe sa Twitter account ng una:

"despite sa pambabastos ng mga fans niya sa ti premiere night sa akin(which i knew would happen cause she already told me iiyak ako with 1txt) i would like to say thank you to heartworld for following my specific intructions to be the better person:)thank you@heartworld:)"

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang kampo ni Heart sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala sa kanyang ina na si Cecile Ongpauco. Subalit wala pa itong sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang website na ito sa gustong sabihin ng mga taong nabanggit sa artikulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN